Papasok palang sana ako sa pinto ng faculty nang mamataan kong naglalakad papunta din doon si Stream at parang hinigit ang kaluluwa ko sa nakahawak sa kaniyang kamay habang tatalon pa itong naglalakad na animoy nasisiyahan sa kasama."Mommy!" sigaw niya habang patakbong pumunta sa akin.
"Oh my God, where did you go? I couldn't find you anywhere" labis na pag-aalala kong wika sa kaniya habang hinahaplos ang mukha niya.
"Sorry, mommy, pinagtanggol ko lang po ulit si Ester kila Hanna. They're really mean mommy" nakapout niyang pagsusumbong sa akin.
"What did I told you? sabi ko sabihin mo agad sa teacher" pangaral ko sa kaniya. "Ikaw Ester, sinaktan kaba nila ulit" baling ko naman sa kaibigan ni Stream.
"Hindi naman teacher Cleo, pinagtanggol po ako ni Stream tsaka po dumating po agad si Tito River" sabi niya sabay tingala sa katabi niyang lalaki.
Napatingala din ako sa kaniya. I gulp violently when I met his gaze. Parang hinihigop lahat ng hangin sa baga ko sa paraan ng tingin niya. I immediately tore away because I couldn't equal his iminent stares.
"Mommy, our names are the same. Him is River and I am Stream" sabi nang anak.
Dumagundong ang kaba sa puso ko. Hindi man tuwirang nalaman nila na mag-ama sila, they still found similarity between them. Napatingin ako sa gawi ni River at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagliwanag sa mata niya. Parang sinasabi ng mata niya na alam niya kahit hindi ko pa sabihin. Ito na yung kinakatakot kong mangyari. Alam ko naman na darating kami sa punto na magkakaalaman sa katotohanan pero hindi pa ako handa ngayon. Hindi maaari at hindi pwede.
Napaiwas ulit ako ng tingin sabay kuha sa kamay ng anak ko.
"Let's go Stream; and Ester sabay kana sa amin, ihahatid kita" I said with finality.
"Mommy sabi ni Tito River, sabay na daw tayo sa kaniya. May car siyang may aircon mommy" galak ng anak ko. "Tsaka mommy, kapag inihatid natin si Ester baka lasing na naman ang tatay niya at magbabasag ng bote, at least we have Tito River" daldal ng anak ko na walang kamalay-malay niyang kinuwento ang hindi dapat ikwento lalo sa harap ng tatay niya.
I half glance at River and he isn't happy with what he heard. Magkasalubong ang kilay niya at kunot na kunot ang noo niyang nang-uusig sa akin.
"Pasensya na po kayo teacher Cleo, nadadamay pa po kayo" malungkot na sabay ni Ester.
Bagsak na bagsak ang balikat niyang nakayuko. Nagsquat ako upang pantayan siya. Ang isang kamay ko ay nakapatong sa balikat niya at ang isa ay hinawakan ang mukha niya.
"Mahal ko kayo Ester, kayo nila Ate Jelay at kuya Jelo mo kaya huwag mong isipin na dinadamay mo kami dahil choice ko kayong tulungan. Hahatid ka namin sa inyo and that is final" Saad ko sa kaniya.
Mabilis siyang tumango sa akin habang nakayuko parin. Napabuntong hininga ako saka tumayo.
"Hala, pasok muna kayo sa faculty para makapag-ayos na" sabi ko sa kanila.
"Halika kana Ester, huwag ka nang malungkot sabi ko sayo sumbong tayo kay mommy e. Maganda na mabait pa!" my daughter proudly said then wink at me.
Mahina akong natawa sa kaniya. Ang kapilyahan niya ang nagpapaganda sa kaniya. Kaya mahal na mahal ko yan eh.
Pagkaalis nila ay lumingon ako sa likod ko. Seryoso parin ang tingin niya sa akin. What more kung malaman pa niyang anak niya si Stream. Siguradong papaulanan niya ako ng sermon.
What I said to Ester is true. It was my choice to involve myself in their lives. Kagustuhan kong tulungan sila dahil iyon ang dapat. Ayaw ko yung meron naman akong magagawa pero hindi ako tumulong. Hindi ako papatulugin ng konsensya ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/290555890-288-k635834.jpg)
BINABASA MO ANG
Forced to be with you
Любовные романыForce Marriage #1 Do you believe that words are more lethal than any sharp objects? Well, yes. When someone stab you with a knife, it will just burried inside you, but someone will stab you with harsh words, is goes beyond the deepest hole. Tagos k...