Forced 30

1K 22 1
                                    


Christmas is the time of the year when you cherishly get together to spend time with the family.

For almost 6 years, it was me and Stream who celebrates Christmas and New Year. May time na lumipad si Marley at Tia para samahan kami ipagdiwang ang pasko at bagong taon.

Speaking of Tia, I am still haven't move on her shock face when Marley and I suprised her in her condo. Muntikan pa naming masaksihan ang sex scene nila ni Xavier. Pinagmumura niya pa ako dahil ilang araw na akong nasa Manila pero hindi man lang ako nagpapakita kaya binatukan siya ni Marley para sabihin sa kaniya na surprise kasi.

I am more than happy that she is finally settling down with the man she loves. They are both a blessing to each other. Kung swerte si Tia na may Xavier siya, swerte din si Xavier dahil may Tia siya.

I invited Marley to celebrate Christmas with us.  Magsosolo na naman kasi iyon e. Sabi niya darating siya kaya hihintayin ko siya.

"Mommy, maraming gifts akong bubuksan mamaya. Mommyla and Daddylo said, I have a lot of gift to open later" sabik na sabik na kwento ni Stream sa akin.

"Kaya don't forget to say thank you alright?" I reminded her.

"Yes po" sagot niya. "Is daddy coming too mommy?" she asked.

Tumango ako.

"He will baby..." sagot sabay hagod ng mukha niya.

"Okay mommy!" tili niya. " Punta lang po ako kay mommyla, baka miss na niya ako" paalam niya.

I nodded my head to motion her to go. For sure, iiyak siya kapag bumalik na kami ng Iloilo.

Dumating na si Marley at ngayon nagbabangayan na naman sila ni Kuya.

"At least pinapansin ako ng pamilya ko" asik niya.

I was baffled at what my brother had said. Marley eyes balled too. Maski si Kuya ay napansin na below the belt yung sinabi niya. Family topic is very sensitive to Marley.

"Edi ikaw na pinagpala sa pamilya" pabirong laban niya kay kuya na may kasamang irap pa.

I could feel the tension between us. Tumayo si kuya at umalis.

"Ninang Pretty, wear mo tong santa hat, bagay po sa inyo" Stream approach her.

Lumambot naman ang mukha niya sa paglapit ng anak ko. Kinuha niya yung inaabot ni Stream at sinuot niya iyon.

"Wow! Ninang Pretty ganda-ganda niyo na po, diba Tito pogi?" saad niya.

Napabalikwas pa ako ng lingon dahil sa sinabi ni Stream. Bumalik na pala siya at may bitbit na ngayong isang kopeta ng alak.

"Beauty is in the eye of the beholder, baby Stream" saad niya.

What a constructive response. Napailing nalang ako.

"Di naman sinagot tanong ko tito Pogi eh. Bagay kayo, ikaw Tito Pogi ko, siya po Ninang Pretty ko. Pogi at gwapo" pagtatambal ni Stream kaya natawa ako.

"Ay hindi ako pumapatol sa tsonggo" patutsada ni Marley.

"Hindi rin ako pumapatol sa arowana" my brother fired back.

Here we go again. But this is way lighter than earlier.

"Hala, ang pangit niyong kabonding" sabi niya sabay walkout.

Pare-parehas umuwang ang bibig namin sa sinabi niya. Nagkatinginan pa kami ni Marley sa pagkamangha. Sabay kaming napahalakhak ni Marley pagkatapos. Pati si Kuya nakisali narin.

Saan naman niya natutunan iyon. Then, when I pivot my head to look at my brother, he immediately averted his gaze as if he is guilty of treason.

"Kuya!" sigaw ko pero again siyang kumaripas ng lakas palayo sa akin para di ko siya mapalo.

Forced to be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon