Forced 16

2K 31 3
                                        


6 years later...

"Hay naku Stream, madumi ka na naman, lagot ka sa mama mo niyan!" rinig kong panakot ni Bella.

Agad kong tinigilan ang pagchecheck ko ng papers at saka bumaling sa kinaroroonan ng anak ko.

Napaismid na naman ako sa nakikitang madungis na bata na ngingiti-ngiti pa sa kaharap niya.

"Ay dios mio cara mia, sa diin ka naghalin liwat? (saan kana naman galing?)" tili naman ng kakapasok na si Ricky sa anak ko.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Nakapamaywang akong humarap sa kaniya kaya agad siyang nagbaba ng tingin sabay tago ng nga kamay sa likod niya.

Ang puting uniporme niya ay naging kulay kayumanggi na. Napabuntong hininga nalang ako sabay dumukwang palapit sa kaniya.

"Stream ano na naman ginawa mo ngayong araw na ito?" kalmado kong tanong sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Kasi mommy tinulak nila Hanna si Ester ulit kaya tinulak ko din si Hanna tapos po nakisama ang mga kaibigan niyang hindi naman kagandahan ang ipit ng buhok. Tapos po natumba ako sa putikan nung tinulak ako ng malakas ni Hanna. Diba po masama yung nang-aaway ng kapwa? Kalaw-ay sa ila ka bonding! (Kapangit nilang kabonding!" mahabang kwento niya.

Ang dalawa naming kasama ay napatawa sa huling sinabi niya. Stream is a talkative type of kid, way far from me. Baka nga minana niya ito sa mga Ninang niya.

I release a long and deep sigh then I put my hands on her shoulder as I squatted to level with her.

"Stream diba sabi ko sayo magsasabi ka sa teacher mo o kahit sinong teacher para pagsabihan sila Hanna? you must not do it again, okay? masama yung pumapatol ka sa kanila. Let your teacher handle it" mahinahon kong pangaral sa kaniya. "At hindi maganda yung may nasasabi kang hindi maganda sa kapwa mo" dagdag ko pa.

Halos araw-araw nalang ata pinapatawag ako sa classroom nila dahil sa away batang issue. Ewan ko ba sa batang ito, takaw gulo lagi.

"Sorry po mommy. I won't do it again. Palangga ta ka (I love you) " malambing niyang turan sa akin.

Lumbot ang puso ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi saka ngumiti sa kaniya.

"Mas Palangga ta ka" I told her.

"Alam niyo minsan, hindi ko alam kong nanunuod ba ako ng maalala mo kaya. Ang sweet niyong mag-ina" komento ni Bella.

Tipid lang akong napangiti sabay iling ng ulo ko sa sinabi niya.

Buti nalang dala ko ang P.E uniform niya kaya nakapagbihis siya ng bago. Half-day lang sila lagi since Kinder palang si Stream.

Matapos ko siyang binihisan ay pinaupo ko siya sa katabing lamesa ko at hinayaang siyang mag drawing nang kung ano-ano sa papel niya.

I silently watch my daughter making some drawings. Stream is a perfect combination  of us. She got her hazel brown eyes from her father. She got the shape of my face and my lips and I like that she got her dad's narrow nose. Mahaba din ang mga pilik mata niya kaya mas lalo siyang rumirikit. Maraming nagsasabi na maganda ang anak ko. I couldn't help not to thank them. It is a compliment.

Mahaba din ang biyas ni Stream which she got from her father side. Pangalawa siya sa pinkamataas sa klase nila. Hindi mo aakalain  na Kinder palang ito. Her built is more fitted for grade 2 or 3 level.

"Mommy teacher Giselle asked us in the class what do we like to be when we grow up" bulalas nila ni Stream.

"Ano sinagot mo?" kuryuso kong tanong sa kaniya.

Forced to be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon