Forced 22

1.3K 18 0
                                    



"Alam mo girl, pati mga senior high school na babae natin ay pinagkalaguluhan si Mr. Osmeña. Lakas makatunong presidente!" Bella shriek in kilig.

Actually, ang dami niya pang sinasabi kanina pa pero hindi ko makuhang makasagot o makabigay ng komento dahil sa pananakit ng puson ko. Alam ng mga kasamahan ko kung gaano ako kagrabe mag mens. Ang sakit lagi ng dysmenorrhea ko. Pinilit ko na ngalang magklase kanina dahil ayaw ko naman pabayaan trabaho.

"Pang-ilang days mo na yan?" tanong niya.

"First day" I moan. My face is still buried down.

"Punta kana kaya sa infirmary. Samahan pa kita" sabi niya pa.

Iniling ko ang ulo ko para hindian siya.

"I still have class" sagot ko.

Diniin ko lalo ang palad ko na nasa tyan ko sa pagsakit ulit nito. I groan in pain sabay pa sa pagdischarge ng menstration ko.

Gaya ng sinabi ko kay Bella, pumasok parin ako sa klase ko pero nagpa-activity lang ako dahil iniiwasan kong maggalaw-galaw. Maaga din akong nagpauwi sa mga grade 9.

Pagkadating ko faculty, yumukod na naman ako. Wala pang tao dito kaya medyo tahimik. I already applied hot compress and even drank an over-the-counter medicine to relieve the pain and cramps.

"Mommy!"

Napaahon ako nang marinig ang boses ni Stream pero laking gulat ko kasama niya si River. Luminga ako sa paligid at nagtuluyan ata ang mga laway ng mga kasamahan ko. Mas lalo lumabas ang dugo ko sa presensya niya.

Agad akong nag-iwas nang tingin nang nagkatinginan kami at hinagod niya ako ng tingin na wari nagtataka sa nakikita niya sa aking panghihina.

"Are you okay mommy? you look pale" Stream question while protruding her lips.

I force a smile to her as I brought my hand to her face and gently caress it.

"Yeah, mommy is okay. Don't worry" ngumiti ako sa kaniya.

"Do you have a monthly period now?" she asked again.

I nodded my head. She knows how I always endure the pain at times like. Ngumuso naman siya at yumakap sa akin. When I am in pain, she is in pain too and I hate it.

"Did you drink medicine? do you want me to buy you one?" sunod-sunod niyang tanong.

Just like Stream. He knows my condition too. Before the wedding happens, when everything is still good and peaceful between us, there was one time that he bought me napkin pads and pants because I stained it. He also bought medicine for my cramps.

Someone who is mighty like River Osmeña bought a napkin in the drugstore.

"I did. Don't worry about it" sabi ko.

"How can't I? you look pale and in pain" seryoso ang kaniyang mukha habang sinabi niya iyon.

"Uminom na nga ako River. Masakit lang kasi medyo malakas" naiinis kong sabi.

Rinig ko ang pagsinghap niya pero binaniwala ko nalang. My pain is too unbearable to even pay attention to him.

"Fine. I will just bought you lunch" he sternly said.

"Sama po ako pwede?" matinis na boses ni Stream.

"Okay"

Rinig ko na ang mga tunog ng yabag nila palayo sa akin. Siya namang pagdating ng ibang kasama ko pagkaalis nila.

Medyo nagulat at nawindang pa sila nang dumating ulit sila River at inabutan ako ng pagkain. They are all my favorites. Saan siya nakahanap ng ginataang paa ng manok?

Forced to be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon