Prologue

1.2K 29 6
                                    


"Chaeng, apo ko! Naku kang bata ka! Magmadali ka na at malelate ka na."

"Opo, la!"

Nagmadali na ako sa pag-ayos ng mga gamit ko para sa eskwela. Hindi ko maitago yung saya ko dahil ganap na estudyante na ako sa RU!

Sobrang pinaghirapan ko 'tong university na 'to ano. Ilang buwan akong nagsunog kilay dahil hindi basta basta yung eskwelahan ko.

Matagal ko ng pinangarap maging iskolar kaya minabuti kong makapasa at sa awa ng Diyos, papasok na ako ngayon!

Inayos ko ang buhok ko at pinuntahan na si lola, "La, mano ho." nagmano ako sakanya at yinakap siya ng mahigpit.

"Kaawaan ka ng Diyos," hinawakan niya ang braso ko at tinitigan ng mabuti, nag-alala ako nung bigla siyang umiyak, "Sobrang proud ako sayo apo ko, mag-iingat ka."

Pinunasan ko yung luha niya, nginitian ko siya saka tumango. "Opo, wag ka mag-alala, gagalingan ko po para satin!"

Umalis na ako ng bahay, uuwi na rin naman si mama galing sa trabaho niya kaya alam kong magiging ayos lang si lola kahit mag-hapon akong wala.

Masaya akong naglalakad nang bigla akong tinawag ni Dahyun na kasama sina Tyuzu at Jeongyeon. Agad akong pumunta sakanila.

"Hoy mga mokong!" Pang-aasar ko.

"Tawag ka, Jeong." Nguso sakin ni Tyuzu na ikinasama ng tingin ni Jeong.

"Second name ni Dahyun yan no." Bawi niya kaya umaktong nasaktan si Dahyun na tinawanan lang naming tatlo.

Sila ang mga kababata ko. Tulad ko pangarap rin nila makapasa sa RU. At masaya ako dahil pare-pareho na kaming papasok doon.

"Manong saglit sasabit ho kami!" Sigaw ko. Natatawang tumakbo kami dun sa pumaradang dyip at saka nagsipagsabit.

"Kumapit kayo ng mabuti!" sigaw ni manong kaya um-oo kami.

"Para ho!" sigaw ni Dahyun ng mamataan na namin yung RU, pasimple kong pinaabot dun sa ale sa loob yung singkwenta para ibayad kay manong na iniilangan lang ako pero tinanguan ko siya at nag thank you ako.

"Par grabe oh ang laki!" tinulak ako ni Dahyun habang nakanganga na dahil sa ganda ng bago naming eskwelahan.

"Maraming salamat po dahil hindi lang ako umaapaw sa kagandahan, biniyayaan niyo pa po ako ng katalinuhan." Pagriritwal ni Tyuzu sa harap nung gate habang nakapikit.

"Pfft," napatingin kami dun sa babaeng nakapink na floral dress na mukang naaaliw sa ginagawa ni Tyuzu kaya siniko ko siya.

"Aray ko naman, Chaeng" angal neto sakin pero nginuso ko lang yung babaeng nakangiti na sakanya.

Biglang napako naman si Tyuzu sa kinatatayuan niya. Grabe lakas maka-koreanovela, ano bigla bang nag slow mo yung paligid at kanina pa sila nagtititigan.

Naputol yung tinginan nila nang biglang may dumaan sa harap nilang babae na may kakaibang style ng buhok. May red highlights siya at ang ganda rin niya tulad nung naka pink.

Grabe naguumapaw yung sandamakmak na blessings, umagang umaga palang.

"Grabe ang ganda" wala sa wisyong banggit ni Dahyun na narinig nung babae.

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now