Dahyun's Point of View
(tw: contains sensitive topic)
Pagkatapos mangyari ng paghalik niya sakin, nakikita ko nalang siyang parating kasama si Heechul at lagi silang naglalandian.
Napabuntong hininga ako, hindi ko na maintindihan. "Dahyun bakit walang airmelon kung may watermelon!" biglang tanong ni Lisa sakin.
"Oo nga pati firemelon." dagdag pa ni Seul.
"Wag kakalimutan ang earthmelon." sabi pa ni Byul.
"Wow grape, the elemelons." sabi pa ni Chaeyoung kaya natawa ako. Mga siraulo.
"Uy pre alam mo ba may issue dun sa higher grade?" napatingin ako sa mga naglalakad na estudyante na pang barker yung boses.
Napansin kong natahimik rin sila Chaeng at tahimik na nakikinig. Itong mga 'to ang chichismosa.
"Oo pre yung ano–"
"Hoy!"
"Ay kingina mo" napalundag kami dahil sa biglaang bungad ni Jihyo samin. Napatili pa si Byul kaya mas lalo kaming nataranta. Napalingon ako sa mga estudyanteng nagkwekwentuhan kanina at napasimangot ako dahil ang layo na nila.
"Ano 'yon Ji?" tanong ni Lisa at humablot ng french fries ni Jihyo kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"Baka gusto niyong mag-intermission sa upcoming festival?" nakangiting tanong niya sakin at bago pa kami makareak pinicture-an niya kami at may tinipa-tipa sa cellphone niya. "Ayan kasali na kayo, maraming salamat." Hindi kami nakareact dahil agad agad itong tumakbo.
Narinig ko nalang ang pagangal ni Chaeyoung. Natawa ako dahil ibang iba siya pag nasayaw, alam kong nahihiya lang 'to sa jowa niya.
"Ayos papakitang gilas ako kay Ruby, baka maisipan pa akong palitan." biglang sabi ni Lisa.
"I bet lagi niyang naiisip na palitan ka." walang prenong sabi ni Seulgi dito kaya natawa kami, sinamaan siya ng tingin ni Lisa.
"Porke napaamo si Irene, mayabang ka na" pang-aalaska ni Byul kay Seul kaya natawa lang ito.
Napalingon naman bigla si Lisa nang may napansin siyang kakilala niya. "Hoy Jisoo!" sigaw nito na akala mo nasa palengke, sinalpakan tuloy siya ng hopia ni Chaeng kaya halos maubo ubo ito, natatawang inabutan siya ng tubig ni Seul.
"Gago ka bat mo ginawa 'yon." naubo ubong sabi nito pero agad ring tumingin dun sa tinawag niyang nakangiting papunta sa amin. "Chichu, hey man!" jologs na sabi ni Lisa na agad namang sinakyan nung Jisoo, natawa kami.
"Uy hello." nakipagkamay siya saming lahat, ang ganda naman nito pero mukhang loko-loko rin, tropa ni Lisa eh.
"Kamusta kayo ni Roseanne?" tanong niya na ikinangisi lang nung isa.
"Ayos naman, kayo ba ni Jennie? Hindi ka pa rin iniiwan?" pang-aasar niya kaya napa-apir si Seul sakanya.
Bumusangot si Lisa. Natatawang tinapik lang siya ni Chaeng. Agad agad ding napalingon si Jisoo sa magkabilang gilid bago linapit yung mukha niya sa amin kaya napalapit rin kami ng mukha. "Alam niyo ba yung rumor sa school?" nagkatinginan kami dahil may narinig nga kami kanina. Chismosa sila Chaeyoung kaya tahimik kaming nagaantay, nagkatinginan pa kami ni Lisa kaya pareho kaming nagpigil ng tawa.
YOU ARE READING
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...