7

323 21 6
                                    

"La, alis na ho ako." nagmano ako kay lola at saka siya hinalikan.

Paglabas ko bumungad sakin si mama na may hawak na mga pinamili sa palengke kaya hinablot ko ito at saka dali daling linagay sa mesa. Natatawang tinapik niya ako sa likuran. "Mag-ingat, Chaeyoung!" rinig kong sigaw ni mama.

Tumakbo na ako para maabutan sila Dahyun na nagaantay.

"Jeong tigilan mo ko ha!" rinig kong sigaw ni Dahyun kaya napatingin ako kay Tzuyu.

"Kanina pa sila nag-aaway," walang ganang sabi niya.

"Uy bakit ano meron?" tanong ko.

"Si Dahyun kasi ayaw pansinin si Momo sabi ni Nayeon tanungin 'yan kung bakit." sagot naman ni Jeong.

"Wala nga, naglaro lang kami ng pogs," sabi niya habang tumingin nalang sa mga sasakyan na dumadaan. "Tas biglang may dumating na asungot." galit na bulong niya pero rinig namin.

Ngumisi si Jeong at aasarin na sana si Dahyun ng mahagip niya si Tzuyu at saka lalo ngumisi. "Oh ikaw bakit hindi mo pinapansin si Sana?"

Wala sa sariling napatingin sakanya si Tzuyu, umiwas lang siya ng tingin. "Wala."

"Nga pala," biglang napaharap si Dahyun samin, "Sali tayo women's basketball? Para lang may hobby." naeexcite na banggit niya.

Agad agad na tumango si Tzuyu. "Teka balik ako sa bahay." napatingin kami sakanyang lahat. "Dadala ako damit?" tanong niya.

Pinaningkitan siya ni Dahyun, "Sa sabado pa yung try-outs, hindi naman obvious na gustong gusto mong sumali." sabi nito.

"Balita ko nagawa ng bagong team para matalo team nila Eunha e." sabi ni Jeong. Hindi nakaligtas sakin yung pag-irap ni Tzuyu nung narinig niya yung pangalan ni Eunha.

Palihim akong natawa. Obvious namang nagseselos sila. Inaantay lang namin ni Jeong na sila na mismo magsabi samin nung nararamdaman nila.

"Psst ikaw" inakbayan ako ni Jeong, "Kamusta kayo ni Mina?" tanong niya.

Natatawang siniko ko siya, "Okay lang bakit naman hindi." sabi ko.

"Sus. Alam mo naman ibig kong sabihin," nginisian niya ako. Napahawak ako sa kwelyuhan ko at saka tumikhim.

"W-Wala ayon." hindi ko alam sasabihin ko at napansin niya yon kaya ginulo niya nalang ang buhok ko. Sumakay na kami sa dyip.

"DAHYUN!" pagkababa na pagkababa ni Dahyun kumaripas na siya papuntang classroom at hinabol naman siya ni Momo na kumaway lang samin.

"Tzu..." nakita rin namin si Sana na nagaabang sa may gate, napatingin kami sa suot niya, napapansin kong hindi na siya gaano nagsusuot ng dress. "Pwede ka bang makausap?" tanong niya pa.

Napatingin samin si Tzu pero tinulak ko lang siya sa harapan ni Sana, "Naku Sana pwedeng pwede, homeroom pa lang naman," sabi ko, pinanlakihan kami ng mata ni Tzu pero nginisian lang namin siya ni Jeong.

Nagpaalam si Jeong sakin na pupuntahan niya lang si ate Nayeon saglit kaya mag-isa akong naglakad papuntang classroom ng makasalubong ko si Jihyo na may dala dala nanamang mga libro.

Hinablot ko uli ito kaya nagulat siya, "Hobby mo ba manggulat." tanong niya sakin.

"Hobby mo rin bang magbuhat?" pagbabalik ko.

"Sira," kinurot niya ako sa braso, "Wala eh lagi akong nauutusan, kaya nakakantyawan akong teacher's pet." sabi niya.

"Pwede na, muka ka namang kuting." pangaasar ko kaya pabiro siyang umirap.

"Nga pala, pwede mo ba ako samahang maglunch?" nahihiyang tanong niya.

Napakamot ako sa ulo ko, "Naku kasama ko si Mina eh." sabi ko, nakita kong bahagya siyang nalungkot pero tumango uli.

Napaisip ako, "Bukas? Sabayan kita, papaalam ako kay Mina. Kita mo naman kung paano nagtampo 'yon e." natawa siya at tumango.

"Promise mo 'yan ah!" tumango lang ako.

Pagtapos kong maihatid si Jihyo sa room nila at makipagchikahan saglit kila Lisa kasi magkaklase sila. Bumalik na ako sa classroom at nakita ko si Dahyun na nakikipag-apir sa isang lalaki habang nagtititigan silang masama, napansin ko rin si Momo na nakadungaw lang sa may gitna at nakanganga pa habang tinitignan yung dalawa.

"Ginagawa niyo diyan?" tanong ko.

"Nagteteks, wag ka maingay di ako makapagpokus." tuloy-tuloy na sabi ni Dahyun habang may papikit pa sabay hawak sa sentido, naka-apir pa rin sila nung lalaki.

"Pag muka to ni ben ten, babalik mo sakin lahat ng pogs ni Momoring." sabi nung lalake.

"Huhu, heechul." inismiran ni Dahyun si Momo at ngumisi saka sila nagbitaw nung Heechul ng kamay. Nagtitigan lang sila ni Dahyun nang biglang napasigaw si Heechul.

Napatingin ako sa teks at saka natawa, "Walang number, panalo si Dahyun." biglang bungad ni Jeong at tinuro pa yung teks saka pumasok sa classroom.

"Pano ba 'yan?" pagmamayabang ni Dahyun at nagpagpag pa ng kamay. Linahad niya ang kamay niya sa harap ni Heechul at nginitian ng may pang-aasar.

Dumukot ng isang balot na pogs si Heechul sa bag niya at saka ito hinablot ni tokwa.

"Salamat sa negotation na ito." sabi ni Dahyun at saka inirapan si Momo na paiyak na.

"Sabi mo ipapanalo mo!" asar na singhal ni Momo kay Heechul na napakamot nalang. "Dahyun mababawi ko rin yan!" sigaw ni Momo kay Dahyun na binelatan lang siya kaya asar itong umalis na sinundan lang rin ni Heechul na nagkakamot ng ulo.

Natatawa akong pumasok at kasunod ko si Tzuyu na tulala.

"Uy napano ka?" Gulat na napatingin lang siya sakin pero agad rin akong yinakap.

"Si Sana, umamin." bulong niya.

Napatalon ako sa tuwa, "Ano sinabi niya?" tanong ko.

"Gusto niya raw ako simula pa lang nung nagkita kami sa gate." wala sa wisyong banggit niya habang nakangiti.

"Ano meron bat mukang ewan si Tzu?" tanong ni Jeong habang nakaheadlock kay Byul.

"Umamin raw si Sana sakanya." sabi ko. Si Dahyun na pagkalayo layo biglang napakaripas samin.

"Hoy ano yan!" sabi niya habang may hawak hawak na garapon ng stick-o.

"Umamin si Sana?" ulit ni Byul kahit nakaheadlock sakanya si Jeong na tinanguan ni Tzu.

"Ah okay." walang kasigla siglang reaksyon nung tatlo kaya sinimangutan sila ni Tzuyu.

"Oh bakit eh obvious naman noon pa." sabi ni Jeong na tinanguan lang namin.

"Yung isa lang diyan ang confused," banggit pa ni Jeong at lahat sila napatingin sakin.

"Libro o Ketchup?" pagtatanong ni Dahyun sakin.

"Huh?"

"Wala," sabay sabay nilang sagot at nagsipagpuntahan na sa kanya kanyang upuan.

Taka ko silang tinignan.

Libro o Ketchup?

Malamang sa pagkain tayo ano pero mahilig rin ako magbasa ng libro eh.

Kumibit nalang ako.

-
A/N:

Happy reading!

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now