Kami kami lang ni Jihyo, ate Nayeon, Dahyun, Tzuyu, Jeongyeon, Momo at Sana ang makakapunta sa bahay ni Mina."Uy ayon pards maluwag!" sigaw ni Dahyun kaya agad agaran kaming nagsipagtakbuhan papunta dun sa dyip.
Napansin kong medyo maigsi yung upuan kumbaga hindi buong pwetan mo yung sakop kaya agad agad kong hinarap yung pagkakasuot ng bag ko sakin at napansin kong ginawa rin iyon nila Jeong maliban kay Dahyun. Napansin kong kalahati nalang ng pwet niya ang nakaupo habang nagbabayad sa driver, magsasalita na sana ako nang biglang tumalbog talbog si Dahyun dahil may lubak lubak sa daan kaya pataas baba kaming mga pasahero.
Di ko mapigilang matawa dahil dumulas si Dahyun pababa at tumalbog talbog sa lapag ng dyip.
"Hoy shuta Dahyun!" natatawang sigaw ni Momo na pilit tinataas si Dahyun.
Tumulong ako pero hindi ko mapigilang humagalpak dahil sa pagtalbog niya.
"Manong saglit po dadaosdos na 'to." mamamatay matay na sabi ni Tzuyu kay manong na natawa rin.
Tumigil saglit si manong para makaupo ng ayos si Dahyun na mangingiyak na.
"Tangina ang sakit ng pwetan ko," reklamo niya pero kami nila Jeong hindi na makahinga dahil sa nangyari.
"Tanggalin mo kasi yang bag mo sa likod." natatawang sabi ni Jihyo. "Para makaupo ka ng ayos diyan, mamaya tumalbog ka nanaman." dagdag niya.
"Gagi ginawa mong trampoline tong dyip ni manong," natatawang sabi ni Jeong.
"Nagenjoy ka ba?" pangaasar ni Tzu kaya sinamaan lang siya ng tingin ni Dahyun.
Si Momo at Sana natatawa pa rin kaya yumakap nalang sakin si Dahyun na nahihiya. Pinigilan ko na rin matawa dahil baka magalit.
Pagkababa namin sa isang subdivision agad kaming sumakay sa dalawang trike at sinabi na nila ate Nayeon yung address nila Mina.
Pagkarating namin, napanganga ako sa laki ng bahay niya. "Mali yata napuntahan natin?" takang tanong ni Dahyun.
"Hindi, bahay nila Mina 'yan." simpleng sagot lang ni Jihyo habang pinindot na yung doorbell at may sinabi sa guard kaya agad kaming pinapasok.
"Hala bakit parang resort naman 'to?" bulong pa ni Dahyun.
"Oo nga, ang yaman niya pala." bulong din ni Tzu.
Nakanganga lang ako at napalinga sa paligid. Ang ganda ng bahay nila, may sarili rin silang pool.
"Mam Jihyo, Mam Nayeon kamusta." bati nung hardinero kila ate Nayeon na kinamusta rin agad nung dalawa.
"Naks, mang Ernesto, mabuti naman ho." bati ni Jihyo.
"Pumopogi tayo tay ah?" pagkantyaw ni ate Nayeon kaya natawa si mang Ernesto.
"Mang Ernest!" inartehan ni Momo yung pangalan ni mang Ernesto kaya tinawanan ito ng matandan.
"Momoring kamusta ka naman iha, may boyfriend ka na?" natatawang napakamot lang si Momo at pasimpleng lumingon kay Dahyun na nakasimangot. "Oh Sana, aba ang nene mo dati ngayon dalagang dalaga na." bati nito kay Sana na ngayon ay nahihiya.
![](https://img.wattpad.com/cover/294632060-288-k723229.jpg)
YOU ARE READING
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...