Dahyun's Point of View
(tw: this contains sensitive topic.)
"Dahyun, ito ba 'yon?" may tinulak siyang lalaki sa harapan ko.
Malamig ko itong tinignan. "Heechul." napatingin siya sa akin at agad itong napangisi, bugbog sarado na ito dahil siguro sa kagagawan ng tauhan ni papa.
Napabuntong hininga ako. Hindi talaga ako nagbibiro nung sinabi kong anak ako ng mafia boss.
Napailing ako. Matagal ko ng gustong iwasan ang tatay ko dahil nga sa reputasyon niya. "Anong ginawa niya sayo anak?" tanong ni papa habang naninigarilyo.
"Angas, tatay mo 'yan?" natatawang sabi ni Heechul habang namumula pa ang mga mata na halata mong nakagamit. "Anak ka pala ng kriminal" bigla siyang hinampas ni papa ng tubo kaya napaubo ito ng dugo.
Hinayaan ko lang siyang masaktan ng masaktan. Kulang pa 'yan sa ginawa niya kay Momo.
Lumapit ako sakanya at saka siya tinapakan sa mukha. "Salot ka pala sa lipunan." malamig na sabi ko. "Kung mamamatay tao lang ako baka kinitilan na kita, pero hindi ako ganon." pagkasabi ko nun agad binitawan ni papa yung tubo at bumalik sa pagkakaupo.
"Boss, nadelete na po lahat." sambit ni Elkie na kakarating lang, nagkatinginan kami at nginitian niya lang ako. "Okay na ang lahat ate Dahyun." napatango ako.
Sinipa ko si Heechul sa mukha. "Putang ina mo." Sinipa ko siya uli at puro sigaw lang ito dahil sa sakit. "Gusto kitang patayin." Bulong ko kahit alam kong wala na siyang malay.
Pero sumagi sa isip ko bigla si Momo. Alam kong kahit gago ka, hindi niya kailan man gugustuhing mamatay ka.
"Magpasalamat ka mabait ang mahal ko." Tumingin ako sa mga tauhan ni papa at nakita kong sumenyas si Elkie.
Ihahatid na nila si Heechul sa mga pulis, bakod ang tatay ko ng mga pulis kaya hindi ito mahuhuli. Puro kriminal lang rin naman ang hinahabol nila.
"Dahyun."
"Nagpapasalamat ako sa tulong mo pa." sabi ko nang hindi nakatingin. "Pero wag mong isiping tanggap ko na 'tong pinagkakaabalahan niyo." malamig na sabi ko at saka umalis ng lugar na 'yon.
Nagmadali akong pumunta sa bahay para magbihis at maligo pagkatapos agad agad rin akong umalis para tumungo sa bahay nila Mina kung nasaan si Momo ngayon.
"Dahyun, andon sila anak sa taas." napangiti ako kay mang Ernesto.
"Salamat po." agad agad akong umakyat para makita siya.
Nang pagbuksan ako ni Chaeyoung ng pinto agad kong hinanap si Momo at nang magtama yung tingin namin, dali dali akong nagpunta sakanya para yakapin siya.
"D-Dahyun?" bulong nito.
Hinaplos ko yung buhok niya. "H-Hindi ba sabi ko pagkatiwalaan mo ako?" tanong ko sakanya.
"Oo.." yumakap na ito pabalik, naramdaman ko ang kaunti niyang panginginig.
"Mina, tara muna." narinig kong sabi ni Chaeyoung.. narinig kong umokay si Mina at naramdaman ko ang magaan niyang paghawak sa ulo ko bago ko marinig ang pagsara nalang bigla ng kwarto.
Iniwan nila kami para mapagisa at makapagusap. Sobrang pasasalamat ko sakanilang dalawa, sila agad yung tinakbuhan ko dahil alam kong hindi pa kumportable si Momo pero kailangan ko siyang iwanan saglit.
"Nahuli na siya.." sabi ko.
Naramdaman ko ang pagbitaw ng yakap niya saglit kaya hinarap ko ito. Ganun nalang ang pagtulo ng luha ko dahil sa nakikita ko ngayon. Huminga siya ng malalim na para bang nakahinga na siya ng maluwag. Humagulgol ito ng ilang minuto at sinamahan ko lang siya nun. Pinakiramdaman ko lang siya at pinahiwatig na andito lang ako kahit anong mangyari. Hinaplos ko ang mukha niya.
"Dahyun salamat." nanghihinang sabi niya nang isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
Makalipas ang ilang minuto, malalim na paghinga na niya ang nararamdaman ko.. sign na nakatulog na siya sa pagod.
Dahan dahan ko siyang inayos sa higaan ni Mina at dali dali ko ring pinunasan yung mukha niya. Hinaplos ko ang maganda nitong mukha, hinalikan ko ang nakakunot niyang noo na bigla na lang kumalma.
"Gagawin ko lahat para sayo." bulong ko sa natutulog na Momo.
--
"Why isn't he dead yet?" galit na tanong ni Mina matapos kong ikwento yung nangyari. Napansin kong kinakabahang natawa si Chaeyoung sa tanong ng jowa niya at napahawak sa kwelyuhan niya, mannerism 'yan ni Chaeng kapag natataranta.
"Ikaw naman, mali 'yon." pagpapakalma niya kay Mina na ngayon ay masama pa rin ang timpla ng mood. Nag-aalala ito kay Momo kaya balak pa niya sanang bigyan ito ng bodyguards o kaya patirahin sakanila pero agad agad siyang pinigilan ni Chaeyoung, dahil alam niyang mas bibigat loob ni Momo. Naiintindihan ko naman na sobrang nag-aalala si Mina ngayon.
Nagulat ako dahil bigla akong hinawakan ni Mina. Tinignan niya ako ng seryoso. "Salamat, Dahyun." halos manlambot ako nang makita siyang ganito, napatingin ako kay Chaeyoung. Nung unang beses kami nagkita ni Mina, wala akong alam sa haphephobia.. nung naipaliwanag samin ni Chaeyoung, alam ko kung gaano kaseryoso 'yung kondisyon niya. Hindi ko mapigilang maging emotional kaya nagpanic si Chaeyoung kaya natawa ako. Hinigpitan ko hawak ko kay Mina, hindi ako nagsalita pero nagusap na kami gamit mata. Gusto ko sanang magpakatatag lang siya at patuloy lang na tulungan ang sarili niya, tumango ito na para bang naintindihan niya ang pinahihiwatig ko.
"Anong sabi ni tito?" maingat na tanong ni Chaeyoung.
Katulad niya na may grudge sa tatay niya, ako medyo may tampo lang dahil sa nalaman ko sakanya noong bata pa kami nila kuya. Akala ko noon kaya kami nakakabili ng masasarap na pagkain dahil marangal yung trabaho niya pero nung muntik akong madakip at kung paano ko nakita si papa na.. pumatay.. siguro hindi ako lalayo.
Natatakot ako hindi sakanya kundi sa sitwasyon niya.. Puro pagtratraydor ang nangyayari sa realidad. Puro agawan ng kapangyarihan.. paano kung may tumiwalag at bigla siyang puruhan?
Hindi lahat ng kakampi mo mananatiling kakampi mo hanggang dulo. Minsan sila pa ang una mong kaaway.
"Wala." tipid na sabi ko na ikinatango niya. alam ni chaeyoung tungkol lahat sa akin, sila nila tzu at jeong, wala kaming hindi pwedeng malaman kasi ganon namin pinagkakatiwalaan ang isa't isa.
Kaya masakit kapag biglang may nagtraydor na isa sa amin.
--
Lumipas ang isang buwan.. pagkatapos magtherapy at magpacheck-up ng ilang beses ni Momo kasama ako, finally nagiging masigla na uli siya. Nasabi na rin namin sa lahat ang nangyari at nalaman naming mabubulok sa kulungan si Heechul sa tulong ni Elkie, napailing ako, 'yong batang 'yon ay kapatid ko.
Anak ni papa sa ibang babae, dahilan bakit mas lalo akong naging ilap pero hindi niya 'yon kasalanan.
Nagalit din ako noon dahil pinasusunod niya sa yapak niya si Elkie pero sabi niya si Elkie daw ang nagkusang loob kaya wala akong magagawa don.
"Mahal." napalingon ako kay Momo na nakangiti sakin habang bitbit si boo, yung rinegalo kong aso sakanya na Norwich Terrier. Ngumiti ako dito.
Iingatan ko yung ngitian mong 'yan, Mahal.
-
A/N:
That's all for my DahMo special xoxo! Good news! NMT will be having lots of chapters because this is actually a slice-of-life story. The storyline will eventually take place, expect tons of fillers tho, I am aiming a more slow flow. Hoping for your kind support and comment down your reactions and leave a vote per chapter!! Thanks
YOU ARE READING
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...