20

274 20 3
                                    

Dahyun's Point of View

"Dahyun.."

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Ilang araw na ba niya akong pinepeste. Hindi siya matahimik sa piling ng jowa niyang hindi marunong mag-pogs.

Umismid ako. Mahanap nga yon at maayang makapagpogs. Lahat ng hinanakit ko dun ko ibubuhos.

--

Andito ako ngayon sa library at nagaaral para sa english, sasapawan ko si Tzuyu, napakasama ng ugali non sakin, kinukwestyon niya lagi scholarship ko without knowing na anak ako ng mafia boss joke. She thinks I don't english.

Nagpopokus ako sa pag-aaral ng biglang may umupo sa harap ko at agad agad akong nagligpit ng gamit nang makitang si Momo nanaman ang nasa harap ko. Bwisit ko siyang tinignan.

"Dahyun." hinawakan niya ako kaya napatingin ako sa kamay niya, nagulat ata siya kaya agad niya rin itong inalis. "I-I'm sorry." sabi nito.

Hindi ko siya pinansin at umalis na lang agad. Wala na ako sa mood mag-aral.

---

Nananahimik akong kumakain ngayon habang kasama si Chaeyoung at Mina. Napatingin ako sakanila, pareho silang sumusupsop ng ketchup ng heinz na nakukuha mo sa Mcdo, napatingin sakin si Mina at bigla akong inalukan, napangiti ako dahil nagagawa na niya akong lapitan ng hindi natatakot, iba talaga kamandag ni Chaeyoung, iba ang nagagawa ng tao pag in love eh no, ngayon tatlo na kaming sumusupsop ng ketchup susko naman.

Prente lang akong nagbabasa dito habang silang dalawa ay tahimik lang na nagtititigan, may sarili silang mundo pero hindi sila ganon ka touchy katulad nila Tzu tutal malandi yon.

Napatingin kami bigla sa may pinto ng rooftop at agad akong napasimangot dahil ang linuwa non ay walang iba kundi si Momo. Medyo natigilan ako nang mapansin ko ang suot niya, mukhang galing siyang PE class dahil nakacroptop ito at kitang kita ang namumutok niyang abs.. habang medyo pawisan yung leeg niya pero bakit ang ganda niya pa rin.. nakataas rin yung buhok niya at mas lalo lang talaga siyang gumanda sa paningin ko.

Kumalabog ng sobra yung puso ko at ayaw ko non. Magliligpit na sana ako nang mapansin niya. "W-Wag, aalis rin ako." biglang sabi niya kaya napatigil ako. tinignan niya sila Mina at Chaeyoung at saka ito nginitian. Ngumiti lang rin yung dalawa sakanya at inalok siya ni Mina ng ketchup kaya natawa ito at maayos na tumanggi. Tinapunan niya ako uli ng tingin at nginitian, "Gusto lang kita makita, don't worry I won't bug you." sabi nito at tumalikod na para umalis.

Napatingin sakin yung dalawa at katulad nila, naguguluhan rin ako.

para saan pa at gusto mo kong makita? hindi ko siya maintindihan, ilang araw na rin niya akong pilit kinakausap at ilang araw ko na rin siyang pilit iniiwasan dahil nasasaktan ako. hindi ba niya 'yon maintindihan?

napabuntong hininga ako, hirap na hirap na nga akong magpanggap na okay para hindi na mag-alala yung iba pero lagi nalang talaga siyang umeeksena.

---

"Dahyu–"

"Momo ano ba?" padabog kong binaba yung mga libro sa may table sa may park kaya napatingin yung ibang estudyanteng naglalakad sa amin, pati siya nagulat dahil hindi ata siya sanay na makita akong magalit. "Kailan mo ba ako tatantanan?"

"Dahyun gusto lang naman kita makausap eh." mahinang sabi nito.

"Para saan ba?" inis na sabi ko. "If it's about you and Heechul, hindi ba nakapagcongrats na ako? Ano pa bang gusto mo, magpaparty tayo?" bwisit na sabi ko. wala naman na akong makita pang dahilan para magusap kami.

"A-Ayaw mo na ba akong maging kaibigan?" tanong niya.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya, lahat na yata ng sakit na pinaramdam niya sakin, trumiple sa tanong niyang 'yon. "Hindi ko alam kung tanga ka ba o nagtatangahan lang, Momo." muntik pang mag-crack yung boses ko. ito nanaman. masakit nanaman, "Hindi mo ba nakikitang nahihirapan pa ako? Hindi ko naman na hihilingin pang maging considerate ka sakin eh, kasi nahuli na nga kitang may balak pang gaguhin ako." dinuro ko siya at kasabay nun ang pagpatak ng luha sa mata ko. "Momo mahal kita, tingin mo ba gusto kitang maging kaibigan lang? Liligawan ba kita kung hanggang dun lang yung gusto ko?"

Tahimik niya lang akong tinignan. Hindi niya alam ang sasabihin. Alam kong marami ng nakatingin sa amin kaya napahilamos ako sa mukha ko.

"Hindi ko maintindihan bakit hanggang ngayon pilit mo pa rin akong sinasaktan, ano bang ginawa ko sayo?" puno ng sakit na tanong ko. "Sinabi ko naman sayo na okay lang. Sinabi ko naman sayo na hindi naman ako magrereklamo, ano pa bang gusto mo?" tanong ko sakanya.

"Dahyun hindi ko naman sinasad–"

"Putangina naman, Momo. Sinasadya mo man o hindi, wala na akong pakielam don. Ang akin lang tama na. Wag mo na akong guluhin, maging masaya ka na sakanya. Please lang," napatakip na ako sa mukha ko, pinipigilan ko wag humagulgol, "Please lang wag mo na akong pagmukaing tanga." pagmamakaawa ko.

hindi ko siya maintindihan, sila na ni Heechul pero lagi niyang ginugulo, hindi ko maintindihan bakit sobrang insensitive niya, hindi ko alam bakit kahit na ganito, bakit siya pa rin. bakit gusto ko pa rin siya. bakit umaasa akong magustuhan niya pa rin, bakit hinahayaan kong masaktan ng ganto. puno ng tanong yung isip ko at sobrang bigat na ng nararamdaman ko ngayon pero wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang ng walang tunog, nagpapahiwatig ng sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. hindi ko siya magawang tignan dahil awa lang ang nakikita ko. hindi ko kailangan nun, hindi ko kailangang maawa siya sakin.. sobrang babaw ko man sa paningin ng iba pero ayaw kong ginagago ako, ayaw ko pero bakit pagdating sakanya bakit parang handa akong sumubok..  sa gitna ng pagiyak ko, naramdaman kong umalis na siya..

pero ganon nalang ang gulat ko nang may maramdaman akong dalawang bisig na nakayakap na sakin. napatingin ako sakanya, tutulak ko sana siya pero hinigpitan niya lang yung yakap niya sa akin at hinaplos ang aking buhok. dun na ako napaiyak ng sobra, mahigpit niya akong yinakap habang pinakikiramdaman lang. naririnig niya kaya yung pintig ng puso ko? nararamdaman niya kaya yung sakit na nararamdaman ko? hindi ko alam.

"Give me time, ipapaliwanag ko rin lahat sayo." biglang sabi niya at ganon nalang ang gulat ko nung bigla niya akong hinarap sakanya. "You don't know it hurts me more when I see you hurting."

"Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa aking makita kang ganto." hinaplos niya yung mukha ko. "Ang sakit sakit dahil wala akong magawa."  nakita kong may kumawalang luha sa maganda niyang mata, ganon nalang ang pagkirot ng puso ko.

"Dahyun, please don't be in love with someone else." sabi niya at bago pa man din ako makareact, naramdaman ko nalang ang paghalik ng kanyang malalambot na labi sa labi ko.

At ganon ganon nalang nawala yung bigat ng nararamdaman ko. Wala siyang sinabi na kahit na ano, kung bakit, kung para saan.

You told me nothing but here I am letting my heart hurt more.

-

A/N:

:< poor dubu

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now