"Kainin mo 'yan." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Kahit ngumuso ka pa, hindi.""Chaeyoung, ayaw ko nga niyan eh." parang bata na hasik ni Mina sakin.
"Oi oi, bat nag-aaway?" saway ni ate Nayeon samin na prenteng kumakain ng manok katabi sina Jihyo, Momo at Sana.
Napasilip ako sa baba at nakitang naglalaro sina Tzuyu, Dahyun at Jeong ng basketball kasama si mang Ernesto.
"Ito kasi ayaw kumain nung luya." sabi ko na agad pinanlakihan ng mata nila Momo.
"Ha bat mo naman pakakainin yan ng luya, Chaeng." gulat na sabi ni Sana.
Naguguluhan ko silang tinignan, "Hindi niyo ba alam na pampagaling 'yan ng ubo?" takang tanong ko.
Narinig ko nanaman ang angal ni Mina. "You eat it yourself." tinabi niya sa table yung luya at saka humalukipkip.
Kinuha ko yung isang piraso at nginuya, ito lagi pinaiinom ni mama sakin tuwing nagkakaubo ako tapos hindi na siya lumalala.
Gulat pa ring nakatingin sakin sila ate Nayeon pero linulon ko lang yung luya at tumingin kay Mina.
Kailangan kong mapakain sakanya 'to kundi lalala lang yung ubo niya.
Napangisi ako. "Mina," bigla kong liniitan yung boses ko kaya napatingin siya saken, linagay ko sa harap niya yung mga luya. "Pag hindi mo 'yan kinain malulungkot ako." Pagpapacute ko pa sakanya at umaktong malungkot, nakita ko rin kung paano siya napanganga at muntik na akong matawa nang mahagip ko yung apat, nahulog pa yung manok galing sa bunganga ni Momo.
Hiyang hiya na ako sa pinaggagawa ko pero hindi ko muna iintindihin 'yon dahil gusto ko talagang kainin ni Mina yung luya.
Halos magningning yung mga mata ko nang makita kong sinubo niya na yung luya at nginuya, kita ko kung paano siya ngumiwi dahil siguro ayaw niya sa lasa, napansin rin naming napaluha siya kaya natawa sila ate Nayeon.
Nang malunok niya sinamaan niya ako ng tingin at pinakita pang wala ng laman yung bunganga niya kaya agad akong napapalakpak.
"Ang galing galing naman ni Shawon." pagpuri ko sakanya habang binigyan ng matamis na ngiti, napansin kong napangiti rin siya at nagkatitigan kami ng ilang segunda.
"Ehem- yung manok ang lake," biglang banggit ni Momo habang pinapakita yung manok niya at napansin kong nakangiti ng malawak yung tatlo maliban kay Ji na nakain lang at nagbabasa ng nakuha niyang libro sa bookshelf ni Mina.
Nagtawanan nalang kami at biglang dumating si manang para pakainin kami, kasunod niya yung tatlo kong kaibigan na nagbabangayan.
"Audi ba 'yon?" tanong ni Tzu kay Dahyun na gulong gulo.
"Odiba?" Panggagaya ni Jeong. "O. Di. Ba. Yon."
Naguguluhan kaming tumingin sa tatlo.
Si Dahyun sinimangutan sila, "Para kayong si Eddie." sabi niya.
"Sinong Eddie?" tanong ni Jeong.
"Eddiot." natatawang sabi niya kaya agad agad pinisil ni Tzu yung pisnge niya at agad siyang kiniliti sa bewang ni Jeong.
"Eddiot ka pang mokong ka ha."
Nakangiti lang namin silang tinignan pero napabaling ako kay Mina na ngayon ay mukhang masigla na. Napababa yung tingin ko sa mga labi niya at napalunok.
"Your lips look soft," Diretsong sabi ko kaya gulat siyang napatingin sakin at naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Sa isip ko lang dapat 'yon eh! Pero bakit ko naman nasabi. Agad akong napahawak sa kwelyo at saka tumawa ng mahina, "A-Ano gamit mong lip balm?" pagdadahilan ko na agad niyang pinaniwalaan kaya tahimik akong nagpasalamat sa mga anghel sa langit.
Pinakinggan ko lang ang pag-eexplain ni Mina tungkol sa mga produktong ginagamit niya sa mukha at katawan niya dahil mukhang naaaliw ito. Natutuwa akong makita siyang ganito dahil narinig ko bihira lang raw siyang ngumiti noon. Nakita kong napalapit na rin ng bahagya samin sila ate Nayeon at taimtim ring nakinig sakanya at ilang minuto sila na ang nag-usap usap tungkol sa kolorete.
Nag-excuse ako saglit at nakipaglaro ng uno kila Jeongyeon.
"Add four," ngisi ni Tzuyu sakin.
Ngumiti rin ako at naglapag ng isa pang plus four at saka kinindatan si Jeong.
Umaktong gulat na gulat si Jeong kaya lumawak ang ngiti ni Dahyun pero agad niyang linapag yung tatlo niyang plus two. "Add six." Pang-aasae niya dito.
Sinamaan kami ni Dahyun ng tingin at saka kumuha ng katorseng panibagong mga card. Natatawa akong nagpatuloy lang sa pakikipaglaro sakanila. Tinignan ko saglit sila Mina, may konting distansya pa rin sakanila pero nakikita kong masaya silang naguusap ng mapansin kong palinga linga sila sa amin.
"Uy lugi pinaguusapan ata tayo," banggit ni Dahyun habang nginunguso niya yung direksyon nila Mina. Natawa kami nila Jeong at Tzuyu dahil umaktong may binubulong si Dahyun habang natingin sakanila kaya nakakunot silang nakatingin rin samin.
"Sabingjeepbeepbeep" bulong ni Dahyun kaya natawa kami. "tapunannayanngvetsinlumpiangshanghaiogulpi" dagdag niya pa kaya mas lalo kaming natawa dahil yung misheard lyrics ng Eleven ng Ive yung binulong niya tapos yung boses niya pa parang si bugs bunny.
"Hoy ano yan!" inis na sigaw ni Momo pero inirapan lang siya ni Dahyun.
"Huy pansin ko ha, ang sungit mo kay Momo." bulong ko sakanya kaya nagsipagdikitan na talaga mga ulo namin dahil totoong bulungan na yung ganap.
"Oo nga, ganda ka?" pangaasar ni Tzu kaya inismiran siya ni tokwa.
"Sus selos lang 'yan kay Heechul e." walang pakundangang banggit ni Jeong na agad ikinatingin ni Dahyun sakanya at bago pa siya magprotesta nagsalita na ulit si Jeong. "Samin ka pa ba magtatago?" ngumisi ito.
Tumango lang ako, "Gusto mo na ba siya?" tinusok ko yung tagiliran niya at nagulat ako nung bigla siyang umaktong parang nasaksak kaya pinalo ko siya at tinawanan pero agad rin itong tumango.
"Obvious naman tanga." binato ni Tzu yung uno cards sakanya kaya napasimangot ito, napagdesisyunan na naming itigil ang paglalaro ng makitang madilim na sa labas.
Nagpaalam na sila ate Nayeon kay Mina at saglit akong nag-paiwan.
"Kailangan na namin umuwi." ngiting sabi ko kay Mina. Saglit siyang napasimangot pero agad ring bumuntong hininga. "Bakit?" nag-aalalang tanong ko.
Umiling lang ito at umiwas ng tingin. "I'll make sure to sleep well so I could go to school tomorrow." banggit niya habang nakanguso.
Natawa ako at napatango. "Kumain ka ng luya." pagkasabi ko nung bigla siyang umangal kaya akma ko sanang hahawakan yung ulo niya para sana guluhin ang kanyang buhok pero agad akong napatigil.
Napansin niya ang ginawa ko pero nginitian niya lang ako at pinosisyon yung ulo niya sa kamay ko.
Tinignan ko siya at tumango lang ito. Dahan dahan kong hinawakan yung ulo niya at pagkahawak ko ay naramdaman ko ang mahina niyang pag nginig. Napansin ko rin na nagporma ng kamao ang kanyang mga kamay. "Calm down, Mina." pagkasabi ko nun nawala ang paghigpit ng kanyang mga kamay at saka ngumiti.
Agad kong inalis yung kamay ko at tumuro sa harap niya.
Dinikit niya ang kanyang hintuturo sa daliri ko. Nang magkadikit ay napatitig ako sakanya. Hindi ko na pinansin yung pagkabog ng puso ko. Ang alam ko lang, nakakalunod yung ganda niya.
"Mag-iingat kayo." biglang sabi niya na nagpabalik sakin sa wisyo.
Napakamot nalang ako sa ulo at ngumiti. Nagpaalam na ako sakanya pati kila manang Lustre at Ernesto.
"Pagaling ka." mahinang sabi ko habang nakatingin sa direksyon kung nasaan ang kwarto niya.
"Gusto na talaga kita."
-
A/N:
Happy reading!
CZYTASZ
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...