24

330 20 1
                                    

 

"Chaeyoung," napatingin ako kay Mina na dali-daling lumapit sa akin habang nakangit, ngumiti ako sakanya at dahan-dahan ko itong hinila para akapin. "Kanina ka pa ba nag-aantay dito?" Luminga linga siya sa paligid kaya natawa ako.

"Hindi naman, kakaalis lang rin nila Dahyun." Nandito kasi kami ngayon sa may park at nagprapractice ng isasayaw namin sa festival kaya medyo pagod rin ako ngayon at pawisan.

Napansin nga ata ni Mina 'yon kasi bigla siyang may kinuhang panyo sa bag niya at sinimulan ang pagpunas sa akin. Napatitig tuloy ako sakanya habang ginagawa niya 'yon at napangiti, hindi ko talaga inaasahang aabot kami sa puntong 'to. "Are you okay?" tanong niya kaya agad akong tumango

"Medyo pagod lang po."

Napanguso ito at inalo ako na parang bata kaya natawa ako. Pagtapos niya akong punasan ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi na ikinagulat ko.

Shit.

Hindi pa rin ako sanay na may jowa, hindi rin ako sanay na ganto kaganda rin yung naging jowa ko. Napatingin ako sakanya at natatawa niya lang akong tinignan. Infairness good mood ata siya ngayon, nasobrahan ba siya sa ketchup?

"Mina, ang ganda mo." wala sa wisyong banggit ko at halos mapasinghap ako nung bigla siyang umupo sa lap ko.

Yinakap niya ako sa leeg at nginisian, "Ganon ba?" may tonong pang-aakit na asik niya,. napalunok ako.

"A-Anong ginagawa mo?" Hindi ako makahinga, hindi ako makatingin sakanya, sobrang mapang-akit ng mga titig niya sakin ngayon. Hindi mapakali yung mata ko kung saan saan na ako napapatingin.

"Wala," naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko at hinawi niya rin yung buhok kong nakaharang sa mata ko at sinukbit ito sa likuran ng tenga ko kaya napatingin ako sakanya. "Ang ganda mo rin." Halos mapairit ako sa isip ko dahil sa kilig pero hindi ko magawang magreact ngayon dahil ang lapit lapit ng mukha niya sa akin, napatingin ako sa mapupulang labi niya na muntik pa akong matulala kung hindi ko lang napansin ang pagporma ng ngisi dito kaya napabusangot ako, pinagtritripan nanaman niya ako.

"What?"

Umiling lang ako at saka siya hinapit sa bewang kaya nagulat ito. Ngayon ako na ang nakangisi dahil napansin kong namula siya at napatingin sa kamay ko. Nung lumingon siya nagulat siya dahil ang lapit na ng labi naming dalawa.

"What?" Ngayon ako na ang nang-aasar, minsan lang ako maging ganto katapang dahil napapadalas si Mina sa panggaganto sakin, akala ko noon hobby niya lang ang mang-akit ngayon kasi kinakarir niya na.

"A-An–"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil agad ko siyang siniil ng mariing halik na agad niyang tinugonan, naramdaman kong napahawak siya sa balikat ko. Kumalas ng halik sakin si Mina at umatras ng onti, nahihiya niyang tinago ang kanyang labi gamit ang isa niyang kamay at umiwas ng tingin, kita kung paano rin mamula ang kanyang pisngi kaya napahagikhik ako at saka siya yinakap ng mahigpit.

Matapos ang ilang minuto bumalik na rin sila Dahyun para makapagpractice kami uli ng sayaw pero napagdesisyonan naming bumisita sa practice room ng school. Kami kami lang rin nila Lisa, Jisoo, Moonbyul, Seulgi at Dahyun ang sasayaw, hindi ko alam anong balak ni Tzu at Jeong pero nabalitaan ko magkapartner sila.

"Videohan ko kayo." pumalakpak pa si Mina at nilabas ang telepono niya kaya ginulo ko lang ang buhok nito.

"Tara try natin one take." suggest ni Lisa na nakakagulat dahil baliw baliw siya pero pag sumasayaw akala mo ibang tao.

"Sige kung sino magkamali, manlilibre."gatong ni Dahyun na agad naming sinang-ayonan para lang mamotivate. Medyo kinabahan pako kasi may ibang steps pa akong nakakalimutan pero sige laban. Magpapaimpress ako kay Mina.

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now