"I am suffering haphephobia." banggit niya. Napatingin na rin sila Tyuzu at Dahyun samin at bumalik na sila ate Nayeon."Ano yun?" kamot ulong tanong ni Dahyun kay Tyuzu na kumibit lang rin.
Biglang dumating yung dalawang nakita namin sa entrance, "Mina!" sigaw ni Sana at nginitian yung babaeng may pangalang Mina.
Nginitian siya nito, napansin kong nakadistansya nga sila dito. Tumikhim si ate Nayeon kaya tinignan namin siya. "Kayong apat, ito ang mga kaibigan ko." Linahad niya yung kamay niya dun sa tatlo.
"Hoy ano meron" bumungad bigla yung isa pang magandang babae na may hawak hawak na mga papeles.
"Tamang tama sakto ka sa introduction," sabi ni ate Nayeon. "Ito si Jihyo, student council president," nginitian kami nung Jihyo.
"Hello!"
"Ito si Momo, wag kayo papalinlang diyan, please lang." Pagpapakilala ni ate Nayeon dun kay Momo, siya yung may red highlights. Natawa ito at siniko si Nayeon pero napansin ko na kinindatan nanaman niya si Dahyun na nawawala na sa wisyo sa sobrang titig kaya siniko ko 'to.
"Ito naman si Sana," pinakilala niya yung babaeng naka-pink na kumaway lang samin pero tumingin kay Tyuzu.
Nagpigil ako ng tawa kasi para talaga silang nasa koreanovela.
"At ito si Mina." lahat kami napatingin kay Mina na ngumiti. "Uh ano kase, may phobia siya, yung hapephobia." pag-explain ni ate Nayeon.
Lahat sila nakatingin lang kay Mina na ngayon eh nakayuko. Pero tumikhim ako para makuha atensyon nila.
"It's nice meeting you! Sana makaclose namin kayo!" sabi ko para mawala yung tensyon nung nabanggit yung phobia ni Mina.
Napa-oo sila Dahyun, Tyuzu at Jeong.
"Oo nga, para pag nadawit kami sa gulo, kayo na bahala samin." walanghiyang sinabi ni Dahyun kaya binatukan siya ni Tyuzu.
"Ako na bahala sa gulo," sabi bigla ni Momo kaya napatuop nanaman si Dahyun, nagpigil kami ng tawa nila Jeong.
"It's nice meeting you," dagdag ni Tyuzu pero nakatingin lang kay Sana, si Sana naman eh nagpapacute rin.
Napailing kami nila Jeongyeon.
"Nabaliw na," bulong ni Jeong na sinang-ayonan namin ni Dahyun.
"Osya hati ko na kayo," sabi ni ate Nayeon kaya nagpaalam na kami sakanila.
"Hoy Jihyo samahan mo ko," sinigawan ni ate Nayeon si Jihyo na papaalis na sana pero agad ring sumunod samin.
"Ang sipag mo naman pres," pangaalaska ni Dahyun.
"Hindi naman," nahihiyang umiling lang si Jihyo, ang cute cute niya ngumiti.
Napatingin siya sakin tapos nginitian niya ako ng husto, "Ano pangalan mo?" tanong niya.
"Chaeyoung." linahad ko yung kamay ko at tinanggap niya ito saka pinisil.
"Hoy ano yan ah." pagkantyaw ni Jeongyeon nung nakita kami ni Jihyo kaya agad kaming nagbitaw.
Di ko alam pero nag-init bigla yung mukha ko. Napatingala ako at nagpay-pay, mukhang mainit lang.
YOU ARE READING
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...