25

316 19 2
                                        



"Hi!" Napangiti ako sakanya. She looks really pretty. Kakarating ko lang sa campus at siya agad ang nakita ko.

"Hello you look pretty." Sabi ko while eyeing her. Ang ganda niya talaga, she's wearing a black outfit for their performance later.

"Well you're good looking as always." puri niya sakin pabalik kaya namula ako at napatingin sa suot ko. Napahawak ako sa kwelyuhan ng suot ko at ngumiti lang sakanya.

"Hello lovers." bati bigla ni Dahyun na katulad ko ng suot, ngumiti kami sakanya.

"Dahyun!" napalingon kami kay Momo na nakablack outfit rin at natawa ako dahil bahagyang napanganga at napatitig pa si Dahyun dito. Nakita ko pa kung paano ito lumunok at napaiwas ng tingin.

"U-Uy baby ganda natin ah" bati ni Dahyun pero hindi naman siya makatingin kay Momo.

Napangisi naman si Momo, halata mong mambwibwisit nanaman kaya tahimik lang kaming natatawa ni Mina habang nanonood sakanilang dalawa.

"Bakit di ka makatingin sakin? Kala mo di pa ako nakikitang walang da-" Nanlalaking tinakpan ni Dahyun yung walang prenong bibig ni Momo at kabadong tumingin samin.

Napataas kilay ko at nginisian si Dahyun na nanlalaki ang mata pero pinaglihi ata 'to sa sama ng loob dahil bigla rin itong ngumisi at tinignan kaming dalawa ni Mina kaya nung nagkatinginan kami ni Mina pareho kaming umiwas dahil sa hiya.

Hindi pa namin gagawin 'yon.

Makalipas ang ilang asaran nila Dahyun at Momo at pagtititigan namin ng girlfriend kong si Mina, nagsipagdatingan na rin yung iba.

"San sila Jeong?" tanong ko dahil napansin kong wala si ate Nayeon at Jeongyeon.

Napalinga-linga sila Tzu, "Oh ayan na!" napatingin kami dun sa dalawa pero mukhang hindi okay sila Jeong dahil hinahabol ni ate Nayeon ito.

"Jeongyeong please wait!" sigaw ni ate at hinila si Jeong pero nagpumiglas ito, agad ring hinila ito ni ate Nayeon at pwersang hinarap sakanya, nagulat ako dahil umiiyak na si ate Nayeon, "Mahal please let me explain."

Nakatingin sakanya si Jeong na mukhang lumambot yung ekspresyon ng makita yung pagiyak ni ate Nayeon, hinaplos niya ang mukha nito at pinunasan ang luha. "Your eyes are so beautiful, Nayeon," pagkatapos niyang sabihin 'yon biglang may kumawalang luha sa mga mata niya. "But its just too painful to look at." sabi nito at inalis ang pagkahawak sakanya ni ate Nayeon at saka umalis.

Nagkatinginan kaming lahat. Alam naming hindi iiyak si Jeong kung hindi malala yung nangyari.

"Sundan ko lang siya." Paalam bu Tzu.

Agad-agad naman nagsipagpuntahan sila Sana at Momo kay ate Nayeon na walang tigil sa pag-iyak. Hindi nila ito tinatanong kung anong nangyari, yinayapos at inaalo lang, tumayo na rin si Mina at dahan-dahang yinakap si Nayeon.

"Nayeon." napatingin kami sa lalaking biglang dumating, sinamaan siya ng tingin ni ate Nayeon at sinugod, napasinghap kami dahil sa malakas na sampal na natanggap nito mula kay ate. Bahagyang namula yung pisngi niya at gulat na napatingin kay ate.

"Kapag nawala sakin yung taong pinakamamahal ko, papatayin kita." madiin na sabi ni ate Nayeon, halos kinilabutan kaming lahat dahil minsan lang ito magalit at yung minsan na 'yon, sobrang nakakatakot.

Napatingin ako sa lalaki dahil napangisi ito, "It's your fault though, why did you kiss back?" tanong nito kay ate Nayeon na napatigil. Magsasalita na si ate Nayeon kaso tinaliman siya ng tingin nung lalaki.

Nainis ako kaya linapitan ko yung lalaki at tinadyakan sa pinakainiingatan niya, napasigaw sila Sana pero wala akong pakielam at sinapak ito.

"Chaeng!"

Kumalas ito sa hawak ko at sinubukan akong sapakin pero umiwas ako at pinuruhan yung mukha niya. "Dahyun, Byul, Seul hawakan niyo 'to." Tinulak ko sakanila yung lalaki at hinawakan nila agad 'to. Tinitigan ko siya ng matalim, "Sa mga sinasabi mo, mukhang may panakot ka sa ate ko." tinignan ko si ate Nayeon na wala pa atang balak magsalita nang hindi ko pa sinamaan ng tingin.

Hindi ako magpapakabagal sa gantong sitwasyon, alam ko na yung mga ganyanan nila. Alam kong may tinatago ito laban kay ate kaya hindi siya makapalag. "Linagyan niya ng c-camera yung palda ko nung nagpalit kami sa locker t-tapos yun-" hindi na naituloy ni ate Nayeon yung sasabihin niya dahil gets ko na, sasapakin ko na sana yung lalaki uli pero mas nauna sila Byul.

"Aba gago pala 'to eh!"

"Putangina mo ah, napasok ka ng women's locker room?!"

Si Seul natatarantang nakahawak lang dun sa lalaki na mukhang mawawalan na ng malay kaya medyo nataranta rin ako at pinigilan yung dalawa.

"Anong nangyayari?" napatingin kami kay Jihyo na gulat na gulat, may mga kasama siyang student body, may nagsumbong ata na may binubugbog kami. Napatingin kami sakanya pero tahimik lang nila binitawan yung lalaking napaluhod at bugbog na bugbog ang mukha.

May kinuha ako sa bulsa ng lalaki, yung telepono niya, napangiwi ako dahil may face recognition, paano na 'to makikilala eh basag ang mukha. "Password." hindi pa ata siya magcocomply, "Tatadyakan kita!" galit na sigaw ko kaya agad itong nagsalita.

Pinindot ko yung passcode at hinanap yung album, napasinghap ako dahil puro videos sa loob ng palda ng mga estudyante ang nakalagay dito. Galit ko siyang kinwelyuhan, "Asan yung ibang files nito, putangina mo!" Sinapak ko siya ng sinapak.

"Chaeyoung!" naramdaman ko nalang ang paghila sakin nila Dahyun. "Chaeng tama na"

Agad agad akong yinakap ni Mina at hinaplos sa likuran at aaminin ko bigla akong kumalma. Hinayaan ko lang siyang nakayakap sakin, mabuti na rin 'to kesa makapatay pa ako.

Inabot ko kila Jihyo yung telepono ng lalaki, "Ipapakulong ko 'yan." sabi ko at nang makita ni Jihyo yung videos, nagulat kami dahil tinadyakan niya ito kaya pare-pareho naming hinila ang nagwawalang si Jihyo.

"Ji, calm down." yinakap ni ate Nayeon ang bestfriend niya na paiyak na.

"Dalhin niyo 'yan sa principal's office." Kumalas sa yakap si Jihyo at hinawakan sa mukha si ate Nayeon at hinalikan sa noo, "Ako bahala dito, saglit lang." umalis na sila para asikasuhin yung nangyari.

Yinakap nila si ate Nayeon dahil nag-aalala siya na baka mawala si Jeong sakanya. Hindi naman niya ginustong halikan yung lalaki pabalik kaso pinakita niya ang ilang videos ni ate Nayeon na nasakanya at tinakot siyang ipakakalat ito, natatakot si ate Nayeon para sa reputasyon niya, naiintindihan namin kaya alam kong maiintindihan rin ni Jeong. Tinawagan na siya ni Dahyun at inexplain ang lahat kaya napatingin kami sa madapa-dapa na Jeong na halos liparin si ate Nayeon, yinakap niya ito at humingi ng tawad.

Iniwan muna namin sila para makapagusap ng maayos. Nabalitaan naming madedelay lang saglit ang festival dahil sa kagagawan nung lalaking Kyungsoo raw ang pangalan pero mas kilala sa pangalang D.O. napag-alaman nilang hindi talaga ito estudyante dito.

"Pahihigpitan ko na yung security system dito." bulong ni Seul kaya napatingin ako sakanya pero tinignan niya lang rin ako na parang nagtataka kung bakit ako nakatingin sakanya.

Hindi ko nalang pinansin at yumakap nalang ako kay Mina.

"Thank you for doing that for Nayeon." bulong nito sakin.

Umiling lang ako, "Pamilya ko kayo eh. I don't want anyone of you struggling because of shitty people mahal." sabi ko at hinaplos ang mukha niya.

Nagyakapan lang kami at naghintay sa event at naisipang kumain nalang muna.

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now