"Ano gusto mo?" napatingin ako kay Jihyo na kasama ko ngayon sa mall dahil nangako ako sakanyang sasamahan ko siyang maglunch ngayong araw, nagkataong bakante kami kahit pagtapos kaya dito kami nagpunta."Strawberry shortcake," sabi ko habang takam na takam na, ang sarap ng mga cake dito, halos mataranta ako nung mapansin kong magbabayad na siya kaya agad ko hinablot yung pera at pera ko ang inabot ko sa cashier. Sinamaan niya ako ng tingin pero pabiro ko lang siyang kinindatan na ikinatigil niya.
"Thank you po for buying!" masiglang bati ng mga staff kaya nagthank you lang rin kami.
Babalik na kami agad sa school dahil baka malate pa kami pero agad kong hinila si Jihyo sa may photobooth.
"Hala baliw ano 'to!" natatawang sabi niya, inayos ko na yung mga dapat gawin, nagtanong ako if ano gusto niyang theme kaya agad rin siyang pumili. Nagpicture na kami at nagpose.
Nakayakap siya sa leeg ko habang naka-peace sign at bigla akong napatingin sakanya at napansin kung paano siya gumaganda lately kaya lumawak yung pagngiti ko nang bigla siyang mapatingin kaya ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.
Nung makuha na namin yung picture napansin kong namumula ang tenga ni Jihyo at agad rin ako pinaginitan ng mukha nung nakita namin yung picture, konting tulak nalang maglalapat na yung labi namin dalawa.
Tumikhin si Jihyo at nagyaya ng pumunta ng RU kaya tumango ako habang nakahawak kwelyuhan ko.
"Ang sarap naman nito!" sabi niya habang kinakain yung inorder niyang red velvet cake, sinubuan niya ako at ang sarap nga kaya nag-thumbs up ako sakanya saka sinubuan rin siya nung akin.
"Uyy ano yan," bungad ni ate Nayeon na kasama si Jeong habang pinagtataasan-baba kami ng kilay ni Jihyo kaya nagkatinginan kami ni Jihyo pero agad rin naming iniwas dahil naalala ko nanaman yung nangyari kanina.
"Uy ano 'to ha!" gulat na banggit ni Jeong nung nakita niya yung pictures namin ni Jihyo kaya mas lalo kaming nahiya, napansin kong namumula nanaman yung tenga niya kaya bahagya akong natawa.
"Kayo ah something's nangangamoy but I can't smell it right," sabi ni ate Nayeon.
"Bunganga mo lang 'yon." pambabara ni Jeong kaya natawa kami ni Jihyo.
Nagpaalam na yung dalawa habang patuloy lang silang nagsasagutan. "Nagtagal sila kahit lagi silang nagaaway." sabi ni Jihyo na tinanguan ko lang.
"Si ate Nayeon lang pinaglaban ni Jeong kaya kahit ganon 'yon, mahal na mahal niya si ate." sabi ko kaya napangiti si Jihyo habang nakain.
"I wish someone could be like that for me." sabi niya at tinignan ako.
Hindi ako nakapag-react at natulala lang sakanya. Ang ganda niya talaga, gustong gusto ko pag nawawala mata niya pag nangiti eh, ang cutie.
"Chaeyoung.." napalingon kami kay Mina na biglang sumulpot. Nanikip nanaman yung dibdib ko, lagi nalang akong nagkakaganto kapag malapit si Mina.
Lalo na kapag kasama niya yung lalake. "Uy Mitang, kamusta si kuya Kai?" tanong bigla ni Jihyo.
Nginitian siya ni Mina, "Bumisita lang si kuya ko kasi paalis na siya uli papuntang Japan." sabi niya at napatingin sakin.
Taka ko silang tinignan, "Kuya?" tanong ko. Tumango si Jihyo.
"Oo si kuya Kai," sabi ni Mina. "Kai Myoui." dagdag pa niya. "Mina Myoui." dugtong niya at tinuro pa niya sarili niya.
At para bang himala, biglang nawala yung paninikip ng dibdib ko pag tinitignan ko siya.
Bigla akong narelieve. Bakit ganon? Tinignan ko lang si Mina. Namiss ko siya.
"Chaeyoung." tawag uli ni Mina sakin pero nataranta kami ni Jihyo nung bigla siyang lumuha.
Yung luha niya parang mga crystal, bakit ba sa lahat ng ginagawa niya para siyang anghel.
Ang sakit sa damdamin ko dahil nakikita ko siyang umiiyak ngayon. Hindi ko man lang siya mahawakan.
Kinuha ko yung panyo ko at maingat kong pinunasan yung luha niya nang mapunasan ko tinignan niya lang ako saglit at pareho kaming nagulat ni Jihyo nung bigla akong hinila ni Mina at yinakap.
Nabigla ako sa pangyayari at hindi nakagalaw pero hinayaan ko lang siya, hindi ko alam if yayakapin ko ba siya pabalik pero nararamdaman ko yung mahina niyang panginginig kaya dahan dahan kong hinaplos yung likuran niya, napaigtad siya saglit pero naramdaman kong kumalma na ito.
Humihikbi pa rin siya kaya maingat ko siyang hinahaplos. Napatingin ako sa mga nagsisipagdatingan na mga estudyante kasabay sila Dahyun na halos nagsisipagsinghalan at mukhang mga gulat dahil hawak hawak ko si Mina ngayon.
Lahat sila tahimik kaming tinitignan. "Bakit ka naiyak?" tanong ko sakanya.
"H-Hindi mo ko pinansin kahapon." medyo nagsisi akong tinanong ko pa siya dahil mas napalakas yung iyak niya at pinagtawanan ako nila Tzu ng tahimik kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"I'm sorry." pag-aalo ko, "Wag ka ng umiyak." hinarap ko siya sakin at nakita kong nahikbi pa rin ito kaya linambing ko siya. "Sorry na, hindi ko na uulitin." sabi ko.
Pinaningkitan niya lang ako ng mata pero agad ring kumalma. Muntik pa kaming mapasigaw ni Jihyo nang bigla itong mapaupo nakita ko rin kung pano napaluhod sila Dahyun sa gulat.
Tinignan ako ni Mina at nagpunas lang ng luha. "Wag mo na uulitin 'yon." sabi niya na ikinatango ko lang.
Nakita ko kung paano siya nanginig ng bahagya at huminga ng malalin ng ilang beses.
She did that because she was upset? Kasi hindi ko siya pinansin? She hugged me.. she did her best.
"You did your best," sabi ko sakanya na ikinatango rin ni Jihyo sa tabi ko.
Rineach out ni Mina yung kamay niya kay Jihyo kaya hahawakan niya na sana si Mina pero biglang nanginig yung kamay ni Mina kaya agad niyang binawi.
"I-I'm sorry," sabi nito pero inalo lang siya ni Jihyo saying it's fine.
"Mina stand up na dali," paglambing ko kaya agad siyang tumayo, "Kumain ka na ba?" tumango lang ito at saka huminga ng malalim, agad kong kinuha yung tubigan ko at maingat na inabot sakanya. Nag thank you siya at uminom na ng tubig.
Tinitigan ko siya ng mabuti. Sa ginawa niyang pagyakap sakin, mas naging desidido akong tulungan siya dahil alam kong kaya niya.
Makakayakap niya na rin yung mga gusto niyang mayakap.
Hindi ko mapigilang matuwa dahil.. naramdaman ko yung pagyakap niya sakin kahit hindi matagal.
Gusto ko uli maramdaman 'yon.
-
A/N:
Happy reading!

STAI LEGGENDO
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...