"Mina"Napalunok ako uli habang nakatingin sa girlfriend kong nakahalukipkip lang sa harapan namin ni Somi.
"Ang tagal mo kaya I decided to search for you and you're here." masungit na sabi niya, nang tignan niya si Somi, agad siyang ngumiti, "Are you her friend?" tanong niya dito.
Tumango lang si Somi at ngumiti rin sakanya, "Yes po," magalang na sagot nito.
"Mina!" napalingon kami kay Momo na nakaharap na ata sa direksyon namin dahil nakatingin na rin si Mina sa harapan namin kung nasaan sila Heechul kanina.
"Chaeyoung?" napatingin ako kay Momo na nakasilip na sa taas, nahaharangan kasi kami ng maliit ng bush boxes kaya hindi niya kami napansin kanina.
Agad akong tumikhim at saka tumayo kasabay si Somi. "Kanina pa kayo diyan?" gulat na tanong ni Momo, tumango lang si Somi sakanya habang ako tinitigan lang siya.
Hindi ko alam kung ano irereact ko sa nangyari kanina dahil labas naman ako sa away nila at isa pa kaibigan siya ni Mina at alam kong mali rin dahil nakinig pa kami.
Napabuntong hininga nalang ako saka tumango. "Ano na bang meron sainyo?" tanong ko sakanya.
Tinignan ako ni Momo bago siya tumingin kay Heechul. Napabuntong hininga ito. Nginitian lang siya ng tipid ni Heechul bago ito tumango.
"K-Kami na ni Heechul." nakaiwas na tingin na sabi ni Momo.
Nagkatinginan kami nila Mina at Somi. Sa nakikita ko, parang may tinatago si Momo sa amin pero hindi ko na 'yon pagtutuunan ng pansin.
"Congratulations!" masayang sabi ni Mina habang makahulugang tinignan si Momo.
"Congrats po," banggit ni Somi na nginitian lang ni Momo.
"Sino siya Chaeng?" tanong ni Momo sakin at napatingin lang rin si Mina.
"Si Somi, friend ko." nakangiting sabi ko habang inakbayan si Somi na parang natulala pero agad ring ngumiti at bumati sa dalawa.
"Una na kami Momoring," biglang sabi ni Mina at nginitian si Momo, "Kakain pa kami ng girlfriend ko." dagdag pa niya at tumingin sakin. "Somi right?" tinignan niya si Somi na nasa tabi ko pero bumaba ang tingin niya sa kamay kong naka-akbay dito kaya dahan dahan ko itong binaba at napalunok.
"O-Opo," sagot niya.
Tumango si Mina, "Come on let's eat lunch together." nakangiting bati nito sakanya kaya ngumiti si Somi sakanya. "Bye bye Momo!" iniwan niya si Momo na gulat habang kasabay niya si Somi ngayon at naguusap na silang dalawa.
"Kayo na?" tanong ni Momo sakin na tinanguan ko lang. Napangiti siya at tumango. "Congrats!" ngumiti ako sakanila ng tipid.
"Salamat."
Nang mahagip ko si Heechul, napaiwas ito ng tingin. "Chaeyoung bilis!" sigaw ni Mina kaya dali dali akong umalis para makasunod na sakanila.
Tahimik lang kaming kumakain na tatlo dito sa kung saan tumambay kami ni Somi noon, masaya akong nakatingin kay Mina dahil kumportable na rin talaga ito sa ibang tao pero kapag sa lalaki hindi pa rin dahil nung sinubukan niyang makipag kamay kay mang Ernesto ay bahagya itong nanginig.
Pero ang mahalaga unti-unting may progreso yung pagiging kumportable niya sa aming malalapit sakanya. Alam ko eventually malalagpasan niya yung takot niya.
"Somi, there you are!" napalingon kami sa biglang sumigaw ng pagalit nang mabanggit si Somi.
Nang makita ni Somi kung sino iyon, napansin ko kung paano ito umirap at bumuntong hininga. "Puñeta." sabi nito kaya natawa ako.
Napatingin ako sa babaeng naglalakad papunta samin habang masama ang tingin kay Somi na nakabusangot na.
"Ano nanaman bang kailangan mo saking sadako ka." inis na sabi nito sa babaeng tinawag siya kanina na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata pero agad ring umamo nung makita niya si Mina.
"Hi ate Mina, how are you?" malambing na bati nito. "I heard the news from my sister, is she the one behind it?" tanong niya kay Mina at nakita kong nginunguso niya pa ako, hala loko 'to ah.
Natatawang tumango lang ang jowa ko saka linahad ang kamay niya dun sa babae. Napatigil saglit yung babae at napatitig kay Mina, tinanguan lang siya ni Mina kaya dahan dahan niyang inabot yung kamay nito at nang magkahawak sila, umabot ng ilang segundo na at nang marealize niya na hindi bumitaw si Mina, bigla itong naluha.
"Ate I'm so happy you could do this," naiiyak na banggit nito, tumingin ito sa akin. "Are you ate Chaeyoung?" tumango ako, nagpunas siya ng luha at saka ngumiti sakin. "I'm Giselle, ate Jihyo's sister."
Napanganga ako dahil ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si Jihyo. "Ate Chaeyoung," tumingin ako sakanya. "Thank you so much for making this possible." tumingin kami sa magkahawak na kamay nila Mina at napangiti ako dahil nakita ko kung paano nito maingat na hinahaplos yung likod ng kamay ni Mina.
Tumango ako sakanya at ngumiti. Pagtapos niya ako tignan, nginitian niya si Mina at nang mahagip niya si Somi, agad agad itong bumusangot.
"Angas mo ah, sila nginingitian mo tas pagdating sakin kasuklam suklam yang pagmumuka mo?" inis na sabi ni Somi sakanya kaya hindi namin mapigilang matawa.
"You're too loud," inis na singhal ni Giselle. "At ikaw, may gagawin tayong project, kanina pa kita hinahanap! You're not even answering my calls!" dinuro pa niya si Somi.
"For your information miss panda," singhal pabalik ni Somi habang linalakihan ng mata si Giselle. "I'm done with my part! Sino may sabing we have to be together in doing the project ha! And why would I waste my time answering your calls, Twice ka ba!" duro pa pabalik ni Somi dito. Natatawa kaming nakikinig ni Mina sakanila, para kasi silang young version nina ate Nayeon at Jeongyeon.
"For your information as well you koala!" linapit niya mukha niya kay Somi. "What's wrong with you! Yeah you're smart but you're freaking deaf! Haven't you heard that our professor said na kailangan nating magfilm while doing our parts you dumbass!"
Napatameme si Somi at napakamot sa ulo. "Ay ganon ba?" Napatingin ito sakin kaya nginisian ko siya and I mouthed 'patay ka' kaya natawa ito.
"Duh! So stand up because we're doing it now so I could also get rid of you already!" piningot niya si Somi sa tainga kaya agad napahiyaw yung isa.
"Giselle puñeta aray ko!"
"Ate Mina excuse us," nginitian niya si Mina at saka tumingin sakin. "Ate Chaeng take care of my ate Minari ha? Or else matutulad ka dito." nguso niya kay Somi na napapangiwi sa sakit.
Natatawang tumango lang ako at sumaludo sakanila.
"They look good." Banggit ni Mina habang hinahawakan yung mga kamay ko.
"I agree." nginitian ko siya at hinalikan sa kamay. nakita ko kung paano siya ngumiti ng malaki habang nakaiwas ang tingin dahil sa hiya kaya naaaliw ako.
I am insanely attracted with her. Sobrang ganda niya. I hope we're like this always. Masaya ako sa taong 'to kaya I'd appreciate if the world would give me this forever.
Or so I thought.
-
A/N:
Be ready
DU LIEST GERADE
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...