"That's the last straw," banggit ni Tzuyu kay Dahyun na nakapokus. May palaro kasi sila sir Rogers ngayon dahil natapos naman na ang lessons. Translate the english word into tagalog raw at itong dalawa yung nagpresintang mag-laro."Ayan na ang huling supsupan?- Aray shuta ka!" hinampas ni Tzu ng bote si Dahyun dahil sa sinabi nito. Halos mamatay na kami kakatawa nila Jeong.
"Sunflower, ayusin mo nga Dahyun at ang dali dali na nito ha." naiinis na sabi ni Tzu na tumataas na yung boses kaya napapalo na ako sa desk namin dahil sa tawa.
"Araw ng bulaklak? Pass!" sigaw ni Dahyun na naguguluhan.
"When it rains it pours." Nakasimangot na sabi ni Tzu dahil malapit na matapos yung oras nila.
Si Dahyun tumango-tango. "Kailan.. ito umulan.. itong bumuhos" Napalingon kami sa buzzer na sakto lang pagkatapos magsalita ni Dahyun at sabay sabay nagpalakpakan dahil sa aliw.
"Di ko alam paano ka nakalusot sa english exam ng RU, bwisit ka." inis na singhal ni Tzu kay Dahyun na kamot ulo lang na tumingin samin.
"Sir kami!" napatili si Moonbyul kaya natatawang hinampas siya ni Jeong. Sila ni Seul ang maglalaro ngayon at halos matawa kami dahil science quizbee na, nakita namin kung paano manlumo si Moonbyul na kanina ay masigla dahil kumpyansa siya sa english.
"Kaya mo ba 'to." natatawang sabi ni Seul na nanghihina dahil si Byul parang nawalan ng gana mabuhay.
"Yan tili ka pa ha!" pangaasar ni Dahyun.
"How many teeth does an adult human have?" tanong ni Seul habang tumatawa dahil alam niyang di 'to masasagot ni Byul.
Napaisip si Byul at kinapa kapa pa yung ipin niya gamit dila at inisa isa yung bilang shet, hindi ko mapigilang lumundag sa upuan dahil sa tawa.
"thirty two!" tumango si sir kaya napatili si Byul kaya mas lalong nagingay kaming manonood. "bilis Seul!"
"What is the biggest organ of the body?" tanong ni Seul kay Byul na nagtititili ngayon.
"Skin is the biggest part of the human being" nagposing pa siya habang pinapakita yung skin niya kay sir na natatawang tumango lang kaya napatili nanaman si Byul.
"Gago nabuhayan si tanga, di niya alintanang matalino pala siya sa science!" napahampas nalang si Jeong dahil sa nangyayari kila Byul ngayon.
"What is the hardest substance on the Earth?" saad ni Seulgi ng last question, malapit na rin matapos ang timer kaya halos mabaliw si Byul kakaisip.
"Hardest- DIAMOND!" sinigawan niya si sir na nagulat kaya mangiyak ngiyak na kaming natatawa sakanya ngayon, nagulat rin ata siya sa ginawa niya kaya nagsorry siya agad kay sir na natatawang tinapik lang siya sa braso, si Seul naman hinang hina na at napahawak pa sa table malapit sakanya dahil sa sobrang tawa.
"Masaya ako dahil nag-enjoy kayo mga anak." masayang sabi ni sir at nagpunas pa ng pawis, napagod siguro kakatawa dahil kila Dahyun.
"Class dismissed!"
Nakangiti akong naglalakad ngayon papunta sa rooftop ng mahagip ko si Momo at Heechul na magkayakap sa may gilid, agad agad akong nagtago dahil sa sobrang gulat. Ibig bang sabibin nito, sila na ni Heechul?
"Chae-"
Napalingon ako sa nagsalita na biglang sumulpot sa likuran ko at pinahiwatig na wag siyang maingay kaya agad agad siyang tumango. Nagtataka man si Somi pero nakinig lang siya sakin at tinikom ang bibeg.
Napansin kong ang lapit ng mukha naming dalawa kaya agad agad akong umiwas ng tingin.
"Heechul, baka makita tayo ni Dahyun." narinig kong sabi ni Momo kaya nanlaki yung mga mata ko.
"Ano naman kung makita niya?" Narinig kong naguguluhang tanong ni Heechul.
"Ah basta hindi niya pwedeng makita tayong magkasama." Sabi pa ni Momo, medyo naiinis ako dahil bakit may itatago sila kay Dahyun. Tatayo na sana ako para hulihin yung dalawa nang bigla akong hinila uli pababa ni Somi, umiling siya at tinuro si Dahyun na nakatingin na don sa dalawa. Halos manlaki yung mga mata ko at napatakip sa bibeg. "Kanina pa siya don?" bulong na tanong ko.
"Oo." natatarantang sabi ni Somi.
Tinignan namin si Dahyun na hindi maipinta yung ekspresyon sa mukha. Nakatingin lang siya kila Heechul at Momo na nagyayakapan at bumubungisngis.
Ganon na lang ang awang naramdaman ko nung prenteng dumaan siya sa harapan nung dalawa. Nagulat si Momo at Heechul.
"Dahyun!" tawag ni Momo na agad kumalas sa yakap ni Heechul at hinabol ang kaibigan ko, nang mahawakan niya ito, agad na pumiglas si Dahyun at saka hinarap si Momo ng umiiyak.
"Dahyun," bulong ko, hindi ko maipaliwanag pero ang sakit makitang naiyak si Dahyun ngayon. Tuloy tuloy lang ang luha niya habang masamang nakatingin kay Momo na napatigil.
"Ano?!" Nagulat akk dahil tinulak ni Dahyun si Momo kasi hinihila pa rin siya nito, "Okay naman sakin if kayo na eh! Hindi niyo naman kailangang itago. Bakit niyo itatago? Kasi naaawa kayo sakin? Momo, wag mo na akong pagmukaing tanga." galit na sabi ng kaibigan ko habang dinuduro pa si Momo dahil sa sama ng loob. "Sobra naman na ata yun." nag-crack yung boses ni Dahyun kaya mas lalo akong nasaktan para sa kaibigan ko, ang layo niya sa Dahyun na laging nagpapatawa at nagpapasaya samin.. Ayaw ko siyang makitang ganito.
"Dahyu-" Magsasalita sana si Momo pero inunahan na siya ni Dahyun.
"Hindi niyo naman kailangan pang itago, maiintindihan ko naman. Hindi mo ko kailangang pagmukaing tanga lagi. Pagod na rin naman ako kakahabol sayo." malamig na sabi niya habang matalim na tinignan si Momo. "Congrats." sabi nito sakanilang dalawa bago siya tumalikod at naglakad paalis.
Nagkatinginan kami ni Somi na naaawa at nalulungkot sa nasaksihan naming dalawa. Hindi ko rin naman alam kung ano ng nangyayari sakanila noon pa pagkatapos nung pagamin ni Dahyun kay Momo sa court. Totoo naman na magiging okay lang kay Dahyun kung hindi man siya yung piliin ni Momo kaya sana hindi nalang niya pinlanong wag sabihin dahil mas dumoble yung sakit na nararamdaman ng kaibigan ko. Hindi ko namalayang natulala ako sa harap ni Somi at mas lalong hindi ko napansin na mas malapit na ang mukha namin kumpara kanina, napansin ko rin ang pamumula ng mga pisngi niya.
"Ehem."
Napalingon kaming dalawa sa taong biglang tumikhim. At ganon nalang ako pinagpawisan ng malamig nang makilala ko kung sino iyon. Nakataas ang kilay niya habang nakahalukipkip, kita ko rin sa itsura niya na hindi siya nasisiyahan sa nasaksihan niya ngayon. Napalunok ako.
"Mina.."
-
A/N:
Soxad. Merry Christmas!

YOU ARE READING
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...