18

347 21 3
                                    



Habang magkahawak ang mga kamay namin ni Mina biglang tumunog ang telepono ko, napangiti ako nang makitang si mama ang tumatawag, agad ko itong sinagot at tinignan lang si Mina na nakatingin lang rin sakin, nginitian ko siya. 

"Hello po ma?" masayang bati ko pero ilang segundo na, tahimik pa rin sa kabilang linya kaya tinignan ko kung na-end ba yung call kaso hindi naman. "Ma, hello bakit po?"

"Taylor." narinig ko ang boses na kailan man ayaw ko marinig. Agad-agad kong inend yung call at napabitaw sa pagkahawak ni Mina sakin.

Nanginig yung mga kamay ko, napahilamos ako sa mukha. "Chae what's wrong?" Napatingin ako sakanya at dun ko nalang naramdaman yung pagbuhos ng aking mga luha.

"Chae bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ng girlfriend ko sakin, umiling lang ako at nagpahiwatig na gusto ko ng yakap.

Andito na siya

Hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak habang nasa bisig ng ng mahal ko, lahat ng ala-alang matagal ko ng pilit kinakalimutan, nagsisibalikan sa memorya ko, kumikirot yung puso ko sa sakit.

Napailing ako, Hindi, ayoko

"Chaeyoung anong nanyayari?" napatingin ako kay ate Nayeon.

"Uy bakit?" hinaplos ako sa likuran ni Jeong kaya yumakap ako sakanya.

Umiyak ako ng umiyak. "J-Jeong andiyan siya."

Matapos kong sabihin 'yon, natahimik si Jeong at nakita ko kung paano tumalim ang tingin niya. Wala siyang sinabi at yinakap lang ako lalo ng mahigpit. "Don't worry Mina, she's fine." narinig kong pag-aalo ni ate Nayeon kay Mina na alam ko'y nag-aalala pero hindi ko magawang lingunin ito dahil sa sama ng loob na aking nararamdaman.

Hindi ko maintindihan yung sakit. Ang tagal tagal na niyang nawala. Ang tagal tagal na nung oras na iniwan niya kami. Ang tagal tagal na nun, tapos babalik siya na parang wala lang.

Babalik siya na parang okay lang ang lahat. Babalik siya na parang wala siyang iniwang pamilya.

Anong klase siyang ama?

--

"Taylor," malamig kong tinignan ang tatay kong prenteng nakaupo sa may supa namin sa bahay.

Magkakatabi kami ngayon nina Tzuyu , Dahyun at Jeong sa kabilang supa na nakaharap sakanya. Muntik na akong matawa dahil sa itsura ng mga 'to.

"Kamusta kayo mga iha?" malambing na tanong nito sa tatlo na agad rin umamo. Napailing ako.

"Okay lang tito nung wala ka." dire-direchong saad ni Jeong kaya sinapok siya ni Tzuyu na ngumiti.

"Okay naman ho, kayo po?" tanong ni Tzu kay papa na natatawa lang.

"Ayos lang ako iha," tinapunan niya ako ng tingin, nakita ko kung paano umamo ang itsura niya. Hindi nagbago ang itsura niya, ganon pa rin siya, mukhang pagod. Umalis siya nung walang wala kami, hindi niya nga kami pinagpalit sa iba, nagpakalulong naman siya sa trabaho niyang kailan man hindi niya sinabi samin kung ano, umabot rin sa puntong mas pinili niya 'yon kaya iniwan niya kami. "Taylor alam kong galit ka sa akin, nak." malungkot na saad nito sakin.

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now