"Chaeng," initcha sakin ni Mina yung Heinz ketchup niya na sinalo ko lang, tinignan ko kung pano niya buksan yung kanya at linagay dun sa fishball na binili ko galing kila mang Binoy."Masarap?" tanong ko sakanya pero obvious naman ng masarap dahil nakangiti siya habang nanguya.
Nangako kasi ako kahapon na pakakainin ko siya ng fishball pero naalala ko na sa talipapa yun kaya kinatok ko si mang Binoy para pagbentahan niya ako kahit maaga pa tas kapalit eh tutulong ako sakanyang maglako ng mani pag-uwi.
"Ang sarap!" excited na sabi ni Mina habang nakatingin sakin, natawa ako dahil sa ekpresyon niya. Ang cute. "Bilhan mo ko uli!" sabi niya habang napalakpak.
Natatawa akong umiling, "Hindi pwede araw-araw, next week nalang uli." Naalala ko kasing may diet si Mina dahil nabanggit niya 'yon.
Bigla akong napatingin sa kamay ko at huminga ng malalim. Hindi ko alam if okay ba 'tong desisyon ko pero desidido na ako. Tumango ako at saka siya hinarap.
Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya, halos mapangiti nanaman ako ng sobra dahil ang cute niya kung lumingon. Bakit ba ang daya ng mundo, nalingon rin naman ako pero hindi ganyan kaganda.
"Bakit?" tanong niya habang may kagat kagat nanamang ketchup, napailing nalang ako dahil mukhang paborito niya talaga 'yan.
"
C-Can we try pointing our fingers?" Kinakabahang sabi ko. Nakita ko kung paano siya natigilan at bigla niyang tinanggal sa pagkakakagat yung ketchup. Nakita ko kung paano niya tinignan yung kamay niya at yung kamay ko. "P-Pero okay lang if ayaw mo Mina, I'm sorry am I asking for too much?" tanong ko habang hinawakan yung kwelyuhan ng damit ko sa sobrang kaba.
Tinitigan niya ako saglit bago nagpakawala ng hininga. Tumango siya kaya tumango ako at lumapit.
Tinuro ko yung daliri niya at inantay kong siya ang magdikit.
Nakita ko kung paano siya manginig, "Calm down, Mina." sabi ko, "You can do it, okay?" tinignan ko siya sa mata, gusto kong iparamdam na mapagkakatiwalaan niya ako.
Lumalapit na yung daliri niya ng bigla niya ring binawi, "I-Im sorry, I-I just can't." malungkot na sabi niya na ikinailing ko.
"You can do it, trust me." sabi ko. Napatingin siya sakin at saka kami nagtitigan. Pinwesto ko uli yung daliri ko at inantay siyang sumubok uli.
Huminga siya ng malalim habang sinusubukab uling ilapit yung daliri niya sa daliri ko.
Nanginginig siya kaya sabi ko okay lang, na kaya niya. Naramdaman ko ng bahagya yung paglapit ng daliri niya, dumikit ito saglit sa daliri ko dahil agad niya rin itong binawi.
Nakita ko kung paano umigkas ang kanyang kamao. Malalim ang kanyang pag hinga pero agad ko rin siyang pinatingin sakin at saka nginitian.
"Good job!" pagpapalakpak ko at pinakita yung hintuturo kong nahawakan niya, "You did great, Mina!"
Nakita ko kung paano kumalma ang kanyang mukha at saka ako sinuklian ng matamis na ngiti.
"Let's do it again tomorrow," sabi ko kaya napatingin siya sakin, "I-If you want to," dagdag ko at umiwas ng tingin.
"O-Okay," rinig kong banggit niya kaya tinignan ko siya na nakatingin sa daliri niya. Bigla siyang humarap sakin sabay kuha sa ketchup niya at sinipsip ito uli kaya wala akong ibang nagawa kundi matawa. "Thank you, Chaeng." sabi niya na ikinangiti ko lang.
"Alam ko namang gusto mo ng mayakap mga kaibigan natin eh," kamot ulo kong banggit. "Kaya napagdesisyonan kong tulungan ka." sincere na sabi ko.
Hindi ko alam pero para bang bigla nalang akong inutusan na tulungan siya, na para bang gusto kong protektahan yung ngiting binibigay niya sa aming nga kaibigan niya.
Yung ngiting parang ayaw kong mawala.
"Chaeyoung," napatingin ako sakanya uli, "Are you straight?" tanong niya na ikinatahimik ko.
Napaisip ako. Alam ko naman ng matagal ng nag-out si Jeongyeon mga bata palang kami at si ate Nayeon lang yung naging dahilan nun at hanggang ngayon sila pa rin.
Si Tyuzu at Dahyun din mas piniling magmahal ng babae dahil raw parang mas gusto nilang mangasar kaysa sila ang asarin.
Napaisip ako dahil hindi ko naman alam if ganun rin ba ako.
Kumibit lang ako sakanya, mukhang naintindihan niya na hindi ako sigurado kaya napatango nalang ito.
"Ikaw?" tanong ko, "Are you?" pinaikot ko yung panyo ko sa daliri habang siya naman ay napayakap sa kanyang mga tuhod.
"It depends," sagot niya habang napatingin sakin kaya nagtaka ako, "I haven't fallen in love yet since you know. . my situation," kumibit siya at umiwas ng tingin.
Tumango ako nang mapansin kong may ketchup siya sa labi kaya agad ko siyang tinawag, "Mina, may ano." tinuro ko yung labi niya na agad niya ring hinawakan pero nung napatingin ako sa labi niya napalunok ako.
Agad akong umiwas ng tingin pero inabot ko rin yung panyo ko ng dahan dahan. Inabot niya yung dulo at maingat na kinuha galing sakin at saka nagpasalamat, ginamit niya na yun.
Bigla akong napatingin sa panyo ko, "Mina kapag ba linapag ko yung panyo sa palad ko, maaapektuhan ka pa rin ba pag hinawakan mo ako?" curious na tanong ko na ikinalingon niya sakin.
Saglit siyang napaisip, "H-Hindi ko alam," sabi niya at umayos ng upo, "G-Gusto mong subukan?" tanong niya ng nahihiya.
"K-Kung okay lang?" tumango siya kaya umayos ako ng upo, nakaupo kasi siya lagi sa may bench habang ako laging nasa lapag kaya nakayuko siya sakin habang nakatingala ako.
Binaliktad ko sa malinis na parte yung panyo at saka linagay sa palad ko. Napalunok ako nung sinubukan niya na akong hawakan, kita ko yung panginginig niya kaya tinignan ko lang siya at tinanguan kaya binigyab niya lang ako ng maikling ngiti.
Nung nahawakan niya yung panyo, umabot ng ilang segundo na wala siyang nararamdaman na iba kaya napangiti ito.
Tinignan ko siya at tinignan ko yung palas ko na mukhang nagets niya ang pinararating ko. Binuka niya ang palad niya at dahan dahang linapat sa palad kong may panyo, akala ko okay na pero tatlong segundo lang ang tinagal ng palad niya.
Nagalala ako dahil nanginig siya ng bahagya pero agad ring tumigil, nakita ko kung paano niya hinawakan yung dalawa niyang kamay ng mahigpit at kung paano siya huminga ng malalim. Mariin siyang pumikit at saka nagpakawala uli ng malalim na hininga.
Tumingin siya sakin at saka ako nginitian, "S-Salamat," banggit niya.
"No worries," narinig na naming tumunog ang bell, ibig sabihin uuwi na siya at pupunta na ako sa canteen kung nasaan sila Jeong. Tumayo na ako pero tinignan ko uli si Mina.
"Mina thank you for doing your best," banggit ko na ikinatigil niya, "Let's take it easy okay?" sabi ko at inabot yung hintuturo ko sakanya.
Linapat niya rin yung hintuturo niya pero agad agad rin niyang binawi. Kahit pa ganon, napangiti ako ng malaki. Alam kong magiging okay rin si Mina.
Tutulungan ko siyang mayakap uli ang pamilya niya at mga kaibigan niya. Hindi ko man alam kung bakit parang may umuudyak saking gawin 'to, hindi ako kailan man magrereklamo.
"Chaeng, thank you." ngumiti siya.
Sino ba naman ako magreklamo kung ganyang ngitian yung laging sinusukli sakin.
-
A/N:Happy reading!

أنت تقرأ
Noli Me Tangere [MICHAENG]
أدب الهواةA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...