6

327 22 3
                                    


Nandito ako ngayon sa may classroom namin at nakabantay na ako sa oras dahil baka makalimutan ko nanaman si Mina. Pero imposible naman 'yon kasi parang laman na lang siya lagi ng isip ko.

Napailing ako at tinignan yung baon kong heinz ketchup na pinaghihingi ko nung nag-Mcdo kami ni Dahyun nung isang araw kasama si Tzuyu kaso si Tzuyu, "Chae, kanina pa 'yan nakasimangot," pagbuka ng bunganga ni Dahyun ng walang tunog pero naintindihan ko kaya ginaya ko siya.

"Oo nga, bakit?" tanong ko tas nung napatingin kaming dalawa kay Tzuyu nakasimangot na siya samin.

Nag-peace sign lang kami at natawa. "Pabuka buka pa kayo jan ng bunganga, nakikita ko naman." irap ni Tzuyu kaya natawa kami ni Dahyun.

"Bakit ba muka kang pinagsakluban diyan, bumagsak ka ba sa quiz?" tanong ko at hinablot yung mga quiz niya pero napaawang labi ko kasi full marks lahat.

"Anak ng tupa, bakit sinisimangutan mo 'tong grades mo?" pagsinghal ni Dahyun habang di makapaniwalang tumingin kay Tzuyu na inismiran lang kaming dalawa.

"Really I bought that bag too!" napatingin kami sa labas ng classroom at nakita namin si Sana na patalon talon habang nakaangkla yung braso sa isa pang babae.

"What colour?" rinig naming tanong nung babae hanggang sa makaalis na sila.

"Hindi ba si Eunha 'yon?" tanong ni Dahyun, "Yung star player ng women's basketball?" dagdag niya pa.

Kumibit lang ako dahil wala akong alam diyan. Padabog namang dumakma si Tzu sa desk niya kaya kamot ulo kaming nagtinginan ni Dahyun nang biglang tumunog ang telepono ko.

Nanlaki mata ko dahil si Mina yung natawag kaya agad ko itong sinagot, "Hello?"

"Where are you?" narinig ko ang konting inis sa tono niya kaya agad agad akong nagayos ng gamit at nag-excuse sa dalawa kong kaibigan.

"Malapit na ako nu ka ba," pagsisinungaling ko at magmamadali na sana nung makita kong nasa may labas si Mina na nakahalukipkip habang ang isang kamay ay hawak ang telepono at saka pinaningkitan ako ng mata, "Malapit na ako lumabas ng classroom," pagdadahilan ko na inismiran niya lang.

Sabay na kaming naglakad paakyat ng  rooftop nang makasalubong namin si Momo. "Chae asan si Dahyun?" tanong nito sakin matapos kami batiin.

"Asa classroom kasama si Tzu, bakit?" tanong ko.

Umiling siya, "Hindi niya kasi ako rinereplyan." narinig namin yung lungkot sa tono niya pero agad ring binalik ang ekspresyon sa dati at ngumiti. Nagpaalam na siya samin kaya nagtuloy tuloy na kami ni Mina sa pagakyat.

"Hindi ka nanaman sisipot kaya sinundo na kita," pagsusungit niya na agad ko lang ring hiningian ng sorry. Napahawak ako sa kwelyuhan ko at saka naalala yung mga heinz ketchup.

"Oh ito, peace offering!" pinakita ko yung mga ketchup kaya natawa siya. Inabot ko yung ketchup isa isa pero dahan dahan para hindi siya nabibigla.

"Thank you, bati na kita!" parang bata niyang singhal habang kinagat na yung heinz at naglagay sa may omelette na baon niya.

Linabas ko na yung straberry sando ko saka kumain. Naisipan ko siyang alokin, "Mina you want?" I asked her na agad rin niyang liningon, nakita ko pang nagningning yung mga mata niya.

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now