3

367 23 5
                                    


"Oi, kain muna tayo!" banggit ni Momo na nakahawak pa sa tiyan at hinila si Dahyun dun sa may kwek-kwekan, yung isa naman nagpahila.

Natawa ako kasi di makapaniwalang tinitignan ni Dahyun ngayon si Momo na prenteng nanguya lang rin ng mga pinagtutusok niyang fishball.

Pauwi na kami ng biglang napadaan kami sa may talipapa. Pareho lang pala kami ng subdivision kaya balak nalang naming lakarin lahat.

"Bakit?" takang tanong ni Momo habang patuloy lang sa pag kain.

Umiling lang si Dahyun saka siya nginitian at ngumuya rin kaya napahagalpak si Tyuzu kasi ang baliw tignan ni Dahyun.

"Nakain pala kayo niyan?" tanong ni Jeong kila Sana at Momo na sabay lang tumango.

"Masarap kaya," tinaas ni Sana yung nakatusok niyang kikiam at bahagyang tumawa, sinubuan pa nito ng hotdog si Tyuzu na agad ring kinain.

"Manlibre ka naman, anong klaseng jowa ka." reklamo ni ate Nayeon kay Jeong.

"Luh di ako nainform na nanay mo na rin ako, bakit may patago ka ba." sagot ni Jeong kaya inirapan siya ni ate Nayeon.

Natawa ako at nagtusok na lang rin ng fishball nang biglang nagvibrate yung cellphone ko kaya agad kong tinignan.

Napangiti ako kasi si Mina yung nagtext.

| Mina: Hey, take care pag uwi! |

Kinagat ko muna yung stick at nagpunas ng kamay dahil natuluan ng sauce kanina bago magtipa ng irereply ko kay Mina.

| Me: Oo, nakain muna kami saglit ng turo-turo |

"Libre na kita," tumabi sakin si Jihyo na nginitian ako ng malaki. Nginitian ko rin siya at yinakap kaya bigla itong natigilan.

"Talaga? Nako hindi ako natanggi sa grasya, no!" tinaas ko yung manggas ng damit ko dahil balak kong kumain ng marami.

Natatawa at napailing si Jihyo sa inakto ko, "Mukang mamumulubi ako ah," tinawanan ko siya at kumain nalang kami.

Habang ngumunguya napansin kong pinagpapawisan si Jihyo kaya agad kong kinuha yung panyo ko at saka tiniklop ng patalikod bago ko ipinunas sa noo ni Jihyo.

Napatigil siya saglit pero hinayaan lang ako.

"Ehem," umubo sila Momo na sinabayan ni Jeong na nahihirinan na ata talaga kaya napalakas yung tawa ni ate Nayeon at nahampas rin siya ni Tyuzu ng malakas.

"Gagi baka lumabas na atay niyan." natatawang sabi ni Dahyun dahil nakawawa si Jeong.

Napatingin ako kay ate Nayeon na nakangiti saming dalawa ni Jihyo habang nanguya, ang cute cute niya muka siyang kuneho.

"UY!" napatingin kami may Seulgi na hawak-hawak yung girlfriend niyang si ate Irene na nagbabasa sa hawak niyang papel, mukhang may kinakabisa.

"Uy Seul!" bati ko, kinawayan ko rin si Irene na napansin ako kaya ngumiti siya. "Kain," yaya ko at nginuso pa yung stall ni kuya sa harap namin.

"Oo naman, yes!" excited na napapalakpak pa si Seul at kumuha na ng stick habang si ate Irene naman ay rinolyo yung papel na hawak saka sinuksok sa back pocket at agad agad na kumuha ng baso at nagtusok na rin.

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now