8

346 21 2
                                    


"Thank you very much, Ms. Son," pagkasabi ni sir biglang nagbell, sign na maglalunch na.

Nagpaalam na ako kila Dahyun at saka dali daling pumunta ng rooftop, tinignan ko yung dala kong parfait.

Sana magustuhan ni Mina, tinry ko siyang gawan dahil sabi niya gusto niya raw neto.

Nang makaakyat ako may naririnig akong tawanan. Sinilip ko yung pwesto ni Mina, napangiti ako nung makita ko siya pero agad ring nawala yung ngiti ko nung may mapansin akong lalaking nakaupo sa pwesto ko.

Medyo naninikip yung dibdib ko kaya sinubukan kong huminga

Ngumiti lang ako ng tipid at saka bumaba.

"Mukhang may kasama naman siya." sabi ko sa sarili ko, nang makita ko yung isang babae sa gilid na busy sa pagsusulat at mukhang walang balak kumain eh inabot ko yung parfait na gawa ko kaya nagulat siya.

"A-Ano po yan?" tanong niya.

Nginitian ko siya, "Parfait, gawa ko yan. Kainin mo ah! Mukhang wala kang balak mag-lunch eh." mukhang magproprotesta pa siya kaya agad akong umalis habang nakaway.

Nagulat pa saglit sila Dahyun nang makita ako pero nginitian ko lang sila at nagpalusot.

Nag-vibrate yung cellphone ko at nakitang si Mina ang nagmessage.

[Mina: Where are you?]

Magtitipa palang ako ng isasagot eh tumatawag na siya kaya agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Asan ka na?"

"Hindi ako makakapunta sorry, andito na ako sa canteen."

Tahimik sa kabilang linya nang bigla uli siyang magsalita. "Okay, Kai is here din naman, eat well there okay?" sabi niya.

"Okay." may sasabihin pa sana siya kaso inend ko na.

Hindi ko alam kung bakit pero parang maiiyak na ako.

"Uy bakit ka naluluha Chaeyoung?" natarantang sabi ni ate Nayeon at inabot yung tissue ni ate Irene at saka pinunasan yung luha kong bigla bigla nalang nagsipagtulo.

"Hala bumagsak ka ba?" nagtatakang tanon ni Dahyun.

"Hey don't cry." malambing na sabi ni Jennie sakin at tumango tango si Lisa.

"Hala anyare ang cute mo naman umiyak!" natatawang sabi ni Seulgi kaya sinimangutan ko siya.

Pinagpyestahan nila ako ng biglang tumahimik ang lahat sa canteen, tanging tawa lang ni Seulgi ang naririnig nang bigla siyang kinurot ni Irene. "Aray!" sinamaan niya saglit ng tingin ang jowa niya bago mapansin ang pag tahimik ng lahat.

"Chaeyoung." napatingin ko kay Mina na nagaalalang nakatingin sakin, lumapit siya pero may layo pa rin sa amin, "Anong nangyari bat ka umiiyak?" tanong niya.

Pinunasan ko agad yung luha ko. "Bumagsak kasi siya," sabi ni Lisa, nakita ko kung paano nagtaka si Mina. Shit, nakita niya pala grades ko.

"Sharon!" narinig namin may isang lalaking tumawag kay Mina ng Sharon.

Nanikip nanaman yung dibdib ko, para akong kinakabag. Ayoko ng nararamdaman ko ngayon.

Tinignan ko yung lalaki, siya yung kasama ni Mina kanina sa rooftop. Hindi ko mapigilang mapasimangot.

"Excuse me," tumayo na ako at umalis, narinig ko pa tawag nilang lahat sakin pero wala talaga ako sa mood.

Napagdesisyunan kong pumunta dun sa may bench area, umupo lang ako at dumakma sa mesa, iniyak ko lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam bakit pero naiinis ako.

Ang babaw ko pero ewan hindi ko na alam.

"Uhm ano," narinig kong biglang may nagsalita kaya pinunasan ko agad yung luha ko. Napatingin ako sakanya, ang ganda niya at ang tangkad. Mukha siyang foreigner. "Hala! Ikaw yun!" nagulat siya nung nakita niya ako.

Taka ko siyang tinignan. "Huh?" Tinitigan niya ako ng mabuti bago ilabas yung lalagyan nung parfait na ginawa ko. Nagulat ako at naalala ko na, siya yung inabutan ko niyan kanina kaya natawa ako. "Ano masarap ba?"

Tumabi siya sakin at tumango. "Oo! Sobra! Salamat talaga hindi ko inexpect 'yon, bilang thank you, ito oh!" inabutan niya ako ng bracelet na gawa sa santan, natuwa ako dahil ang cute at hindi siya yung mabilis na kumalas.

"Thank you, hala. Ang ganda, gawa mo ba 'to?" tumango lang siya at ngumiti. "Mag-aaral ka nanaman?" tanong ko pa dahil nagsimula na siyang maglabas ng libro.

Tumango lang siya at ngumiti, napansin ko na parang pagod na pagod siya at naguguluhan sa binabasa niya kaya sinilip ko ito at binalik ang tingin sakanya. "Staring is rude you know?" banggit niya kaya napatikhim ako.

"Sorry," nahihiyang sabi ko, "Ano pala name mo?" tanong ko.

"Somi." sabi niya saka ngumiti, linahad niya yung kamay niya kaya agad ko rin itong tinanggap.

"Chaeyoung." pagkasabi ko ng pangalan ko bigla siyang nagulat.

"Son?" tumango ako, "Gagi ka! Ikaw yung pinakamatalino sa section niyo! Nababanggit ka lagi nung mga professor namin!" natutuwang sabi niya.

Nahihiya nalang akong tumango at napatawa, "Gusto mo ba tulungan kita?" biglang nagningning yung mga mata ni Somi at pinakita sakin yung notes niya kaya agad agad ko itong inexplain ng maayos.

Matalino rin siya, nahihirapan lang sa mga formula, hanggang sa matapos ang lunch break, nag-aral lang kami at tahimik ko ring nagawa yung sarili kong mga activities.

"Chaeng!" napatingin kami ni Tzu na tumatakbo papunta sa table namin. Nakita kong nagulat nanaman si Somi kaya tinanong ko siya.

"H-Hello ikaw ba si Tzuyu?" tanong niya na tinanguan lang ni Tzu. "Hala magkakaibigan kayong mga matatalino?" sabi niya dahil nakita niya ang kasunod ni Tzu na sina Dahyun at Jeong.

Natatawang umiling lang si Tzu kaya pinakilala ko sila kay Somi. Sinusundo na pala ako ng tatlo kaya nagpaalam kami kay Somi pero hinatid muna namin siya sa room niya.

"Chaeyoung ano pala number mo?" habol ni Somi kaya pabiro akong tinulak ni Jeong.

"Chicser, wow." pangaasar ni Dahyun na inilingan ko lang.

Linagay ko na yung number ko sa phone ni Somi na ngayon ay may malaking ngiti sa mga labi.

Kumaway na kami sakanya na binalik niya lang rin, she mouthed goodluck kaya nag thank you na lang rin ako.

Palakad na kami papuntang classroom ng makita ko sa may labas si Mina.

Agad nanikip yung dibdib ko. Parang ewan na pakiramdam na hindi ko maintindihan basta ayaw ko ng pakiramdam na 'to.

Tinignan ako nila Dahyun nang mapatingin rin si Mina sakin at agad pumunta malapit sakin pero sakto lang ang distansya.

"Chaeng." sabi niya na mukang nag-aalala.

Nginitian ko lang siya ng tipid..

Saka linagpasan.

-

A/N:

Waaaah

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now