"Wooh Dahyun yakang-yaka!" sigaw ni Jeong habang tinataas pa yung mabilisang banner namin para kay Dahyun.Halos matawa ako dahil si Dahyun nakangiwi sa harapan habang hiyang-hiya. May hawak siyang mic at kanina pa hinga ng hinga.
Pansin kong marami na ang nagsisipagdatingan sa court. Lahat kami nagulat dahil pinapunta kami dito nung prof namin para sa Math class pero nagtataka kami bakit namutla si Dahyun non at ito pala ang dahilan.
Nung isang beses kasi nahuli siyang nakikipagpogs tapos sabi ni sir para maiwas siya sa kahit ano mang sunction, kailangan niya kumanta sa harap ng maraming tao during our Math class na agad agad namang kinagat ni Dahyun.
"Pogs pa!" sigaw ni Seulgi.
"Pahuli ka pa ha!" kantyaw ni Byul kaya mas lalo kaming natawa.
Napansin namin sila ate Nayeon na natatawa na rin kay Dahyun ngayon. Lunch time na rin ng ibang section kaya mas lalong namuti si Dahyun sa sobrang kaba.
"Chaeyoung hoy samahan mo ko." pagmamakaawa niya pero inilingan ko lang siya. Hindi pwede. Natawa kami dahil sa ekspresyon niyang parang hindi na mapinta.
"Mic check. ." bigla siyang nag-mic check nung dumaan si sir kaya natawa kami dahil umakto siyang okay. "Sound check, sound check, sopas, betamax, fishball."
"Pfft parang tanga." bulong ni Tzu kaya siniko ko siya.
"Momo tara dito!" sigaw ni ate Nayeon nang makita niya sila Momo at Sana.
Napansin ko rin si Mina na pumasok kasama si Jihyo at pareho silang naka-pe uniform kaya natulala ako saglit, ang ganda naman nilang pawisan.
"Ano meron?" tanong ni Momo kaya agad rin inexplain sakanila ni Tzu yung nangyari kaya natawa sila pero si Momo parang hindi umabot yung ngiti sa mga mata at tipid lang na ngumiti.
"Let's give up for Ms. Dahyun!" pagkasabi ni sir nun halos lahat nag-ingay kaya natawa si Dahyun saglit bago nag-bow.
"Pasensya na ho talaga sa disturbo but I hope mag-enjoy kayo sa kakantahin ko."
[Now playing - Common denominator by Justine Bieber]
Nagsimulang kumanta si Dahyun kaya napangiti kami dahil alam namin kung gaano kaganda ang boses nito.
"Just a fraction of your love
Fills the air
And I fall in love with you,"Napansin naming nakatingin siya kay Momo kaya siniko ni Nayeon si Momo para tumingin na kay Dahyun. Nakita ko pa kung paano nagulat si Momo dahil nginitian siya ng kaibigan namin.
"All over again, woo woo woo
You're the light that feeds the sun
In my world
I'd face a thousand years of pain for you girl"Halos mapatili kaming lahat dahil tinuro niya si Momo.
"My girl~"
Sobrang ingay na sa court dahil sa ginawang adlib ni Dahyun habang hindi binabasag ang tingin kay Momo. Si sir impress na impress habang napalakpak kaya mas lalo naming linakasan ang pagsigaw.
"Go Dahyun!!!"
"Pogs ka uli be!"
Napailing nalang ako kila Byul at Seul. Mga loko talaga.
"Out of all the things in life that I could fear
The only thing that would hurt me,
Is if you weren't here, whoa"
CZYTASZ
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...