Pagkatapos namin kumain, bigla na ring inannounce ang pag resume ng festival at humingi sila Jihyo ng paumanhin sa delay dahil nga sa nangyari, hindi ko alam if kalat na sa buong univ yung nangyari kay ate Nayeon.Napatingin ako kay Jeong na hindi na humiwalay sa pagkayakap sa likuran ni ate Nayeon simula nung nagkaayos sila at nalaman niya ang nangyari. Natutulog ito at nakapatong ang ulo sa balikat ni ate at nung napagawi sakin si ate Nayeon, natawa ako dahil ngumiwi ito. "Ngalay na ako pota." sabi nito.
"Gaga," sabi ni Momo na narinig yung sinabi ni ate at tumawa. Dinaganan ni Momo si Dahyun na natutulog rin at nakapatong ang ulo sa isa sa mga table dito sa may garden area malapit sa event's place ng RU.
"Grabe naman pagod nito." bulong ni ate Solar nang makita na si Byul rin ay tulog na kaharap lang ni Dahyun na nakikipagaway na sa jowa niyang natatawa lang.
Napatingin sakin si Mina ng nagtataka pero ngumiti lang ako sakanya. Kahapon kasi naisipan naming magpractice ng walang tigil dahil gusto namin maging maayos yung sayaw.
Napatingin naman kami kay Jennie na nakabusangot at hila hila ang inaantok pa na si Lisa, galing silang canteen dahil may buhat buhat pang corndog si Lisa at kinakagat ito pero yung mata niya bumabagsak na.
"Sit down, finish that and rest." masungit na sabi ni Jennie dito at nung tinanguan lang siya ni Lisa dahil sa sobrang antok, kinuha nalang ni Jennie yung corndog at linapag sa gilid ni Dahyun at pinayakap si Lisa sa bewang niya, agad agad namang pumikit si Lisa at si Jennie naman ay hinahaplos lang ang buhok nito.
Napangiti ako, ang sweet naman pala ni Jennie, masungit lang talaga, kita ko kung gaano niya kamahal si Lisa.
Napatingin tuloy ako kay Mina na nakayakap lang rin sakin. Hinalikan ko siya sa noo at naramdaman kong nagulat ito pero agad ring ngumiti sakin.
Makalipas ang ilang oras, tinawag na kami para magperform. Nandito na kami sa backstage, nagaantay nalang na tawagin kami.
"Kinakabahan ako." sabi ni Dahyun na may ipuputi pa pala dahil ang tamlay niya tignan, nakadungaw ito sa labas kaya nakisilip ako at ganon nalang ako pagpawisan ng malamig dahil ang daming mga taong nagaantay sa labas.
"Nakalimutan kong maraming estudyante sa RU." kinakabahan sabi ko.
"Wag ka kabahan, you can do it." Biglang sabi ni Mina at hinawakan ako sa mukha. Parang bulang naglaho yung saglit na kabang naramdaman ko, yinakap niya ako saglit, ganun rin sila ate Nayeon dahil uupo na sila sa harap para manood.
"Goodluck!"
"Excited na ba kayo?" rinig naming tanong nung emcee at agad nagsipaghiyawan yung mga tao sa labas kaya mas lalo akong kinabahan, napagawi ako ng tingin kila Tzu at Jeong na prenteng nakaupo lang at ngumisi samin. May pinaiikot na flashdrive si Tzu sa daliri niya pero di ko alam para saan yun.
"Goodluck mga tsong wag kayo madadapa." pangaasar ni Jeong.
"Gago." binato ng bimpo ni Byul si Jeong kaya natatawang sinalo ito ni Jeong at binalik kay Byul.
"Gagi andaming tao." nanginginig na sabi ni Lisa, nanlalambot itong tumingin kay Seul na natatawa lang pero nakita kong nanginginig rin yung kamay niya kaya natawa ako.
"Kaya natin 'to!" sigaw ko kaya napatingin sila sakin, ngumiti sila at tumango.
"Let's give it up for the... Kwek kweks? Eh?" narinig naming banggit ni Momo na naguguluhan dahil isa siya sa mga nageemcee ngayon. Narinig namin ang tawanan ng mga tao, agad agad naming tinignan si Dahyun na hindi makatingin samin.

YOU ARE READING
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...