Dahyun's Point of View
Kakagaling ko lang sa bahay nila Chaeyoung, nagulat talaga ako kasi bumalik si tito Tyler after niya iwan mag-ina niya at si lola nung walang wala sila. Lumaki si Chaeng galit kay tito at may sama ng loob kaya nag-aalala ako. Pero masaya rin ako para sakanilang tatlo dahil tanggap ng mga nanay nila na may mga jowa sila.
Napabuntong hininga ako. "Cute naman ako bakit ayaw nila sakin?" Ngumuso ako habang nagiiscroll lang sa pesbook pero agad rin akong nabagot kaya napag-isipan kong pumunta ng iskul dahil may dorm naman na kami nila Tzu.
"Oi san punta?" bungad si Tzuyu sakin sa labas na nakatokong at tshirt lang habang naka-medyas at tsinelas. "Jologs amp." sinamaan niya ako ng tingin.
"Dorm ikaw?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at naningkit yung mga mata ko dahil bigla siyang natawa. "Neon pink na damit, neon green na shorts tas converse with high knee socks. Magpanggap tayong hindi magkaibigan." sabi niya habang natatawa at nagmadaling umalis nang biglang may magsipagdaanan. Napatingin ako sa suot ko, anong masama dito? Gusto ko nga ng flashy color kasi sabi ni mama it's wonderful.
"Oi nak ano di ka pa ba papanhik?" speaking of the devil. "Ganda ganda talaga ng anak ko!" pinisil pa nito pisngi ko kaya napahiyaw ako sa sakit.
"Hang sakit ma, ano ba." pag-angal ko pero agad rin akong pumasok sa loob ng bahay uli.
"Oh bat papasok ka uli nak?" tanong ni mama. "Akala ko ba sa dorm ka matutulog ngayon?"
"Opo ma saglit si Chou kasi nang-aasar nanaman, papalit lang ho ako."
"Osya sige, pagbabaonan pala kita at bigyan mo si Tzuyu. Wag kayong mag-aaway paguuntugin ko kayo." natawa ako sa sinabi ni mama.
Umakyat ako saglit sa kwarto at naghanap ng panibagong damit. Napagisipan kong magsuot nalang ng itim na damit para sa puso kong pinagpalit, eme. At mag short na black rin tutal hapon na at presko kahit ganito kulay ng damit ko, ginaya ko nalang rin yung pag medyas ni Tzu at tsinelas para pareho kaming jologs atleast bespren numba wan.
"Panhik na ako ma," bungad ko kay mama at humalik sa pisngi niya. "Salamat po dito!" sigaw ko at tinaas pa yung pinadala niyang pagkain, nagmano na rin ako bago umalis.
---
"Landi niyo" bungad ko kay Tzu at Sana na nagsusubuan ng kwek-kwek sa may park. Napangiwi ako. Pati ba pag kain ng street food by pair na? Hindi ako aware.
"Inggit ka lang." pambwibwisit pa sakin nitong mokong na 'to kaya inismiran ko lang siya.
Naging thirdwheel pa ako ng wala sa oras pero ininda ko nalang dahil alam kong I'm free from heartbreaks, stress and many more.
Napangisi ako. "Nginingisi mo diyan." tanong ni Tzu pero sinimangutan ko lang siya, epal.
"Dahyun kamusta?" biglang tanong ni Sana kaya nginitian ko lang ito. Ang ganda niya infairness, kaso sayang yung ganda niya kasi ulupong yung jinowa niya, napatingin ako kay Tzu at sumimangot. Nagtaka si Tzu kung bakit pero umiling lang ako.
"Ayos lang, ikaw ba? Buti natatagalan mo 'to." tinuro ko pa si Tzu na sinamaan lang ako ng tingin. Tumawa si Sana at tumango-tango lang.
"Wala eh, maganda." pangaasar ni Sana kaya napatingin si Tzu sakanya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ng jowa niya.
"Aray ganda ka lang pala." panggagatong ko. akmang aalis na sana si Tzu kaya mas lalo akong natawa. Ito perks ng pagthithirdwheel mo eh, pwede mong pagbreaking yung magjowa. Narealize ko na sobrang wonderful kong kaibigan.
"I'm just joking Tzu." natatawang sabi ni Sana at yinakap na si Tzuyu. Napangiti lang ako. Masaya ako para sakanilang dalawa, atleast napapangiti niya na yung tropa naming parang may sariling mundo lagi noon. Hindi ko nga akalaing maiinlove pala 'tong mokong na 'to eh wala naman itong ibang ginawa kundi mag-aral mangbwisit sakin.
"Nag-usap na kayo?" napatingin ako bigla kay Tzu na seryoso lang ring nakatingin sakin. hindi ko mapigilang hindi mawala sa mood dahil alam ko naman kung ano yung tinutukoy niya, tinignan ako ni Sana at binigyan ng maliit na ngiti.
napabuntong hininga ako, ano pa bang paguusapan namin? wala naman na. okay na yun, nalaman ko na rin naman na sila na, nalaman ko rin na balak niya pang itago sakin, buti nalang andon ako, kasi kung hindi, baka hindi lang triple yung sakit na nararamdaman ko ngayon. gusto ko na nga mawala eh, ang hirap kasi, alam mo yung pilit mo namang pinagagaan loob mo pero pabigat ng pabigat lang dahil siya lang rin naman yung nasa isip ko. siya lang rin naman yung inaaalala ko.
alam kong naghihintay sila ng sagot pero umiwas lang ako ng tingin na agad ko rin pinagsisihan dahil pagkaiwas na pagkaiwas ko ng tingin kila Tzu bigla namang magtatama yung tingin naming dalawa ni Momo. tumagal ng ilang segundo yung tinginan naming dalawa, bakit ganon parang puno ng hinanakit yung mga mata niya.. bumibigat nanaman yung loob ko na parang iniipit yung puso ko dahil sa sobrang pagkirot, hindi ko na kaya.
agad akong umiwas ng tingin sakanya at kinain nalang yung pinadala ni mama na pagkain. alam kong may namumuong mga luha sa mga mata ko ngayon kaya hindi ako mapakali. napansin ata 'yon ni Tzu at naramdaman ko ring napalingon siya sa kung saan ako nakatingin kanina, naramdaman ko bigla na may humawak sa kamay ko at si Sana 'yon, nginitian niya lang ako.
"Pwede ka ng umiyak." pagkasabing pagkasabi ni Tzu nun. naging mistulang traydor yung mga luhang bigla bigla ring nagsipagpatakan sa mukha ko. natawa ako ng mapakla.
ang hirap magpanggap na ayos lang sakin lahat, ang hirap pala pag kilala kang masiyahin. pag kilala kang palatawa, parang nakakahiya maging mahina sa karamihan.
nakakahiyang magpakita ng kahinaan kasi hindi sila sanay, pero buti nalang si Tzu nandito. buti nalang andito siya.
alam kong isa siya sa mga taong lubos akong naiintindihan. tumingala lang ako sa langit, babakasakaling tumigil. pero alam ko naman na kahit tumigil yung pagiyak ko.
yung kirot at sakit.. hindi agad agad mawawala.
kahit anong gawin ko.
masakit pa rin.
-
A/N:
Five chapters per person pov. Dahmo muna tayo bwahaha.

YOU ARE READING
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...