13

345 21 16
                                        


"Barbecue!" biglang sigaw ni Dahyun kaya agad-agad kong pinasa yung bola kay Tzuyu na agad niyang sinalo.

"Cheesecake!" Tumango ako kay Dahyun at napansin 'yon ng mga kalaban kaya binantayan nila agad si Dahyun.

Agad-agad na pinasa sakin ni Tzu yung bola kaya shinoot ko ito. "Three poins for number 8!"

Agad nagsigawan lahat ng mga nanonood kaya kinindatan ko sila Dahyun. "Dinuguan!" sigaw ko kaya agad tumango si Tzu, bantay sarado kasi si Dahyun ng dalawang kalaban, nung mapansin nilang kay Tzu ako nakatingin, bigla silang lumipat para harangan si Tzu, agad agad akong tumakbo at nag-fake kaya nakaiwas ako sa nakabantay sakin. Umakto akong magshoshoot pero pinasa ko lang 'yon sa kaliwa kung nasaan si Dahyun na agad tinakbo yung bola at nag-three pointer.

Narinig na namin yung buzzer at lahat kami napangiti dahil tapos na ang try-outs. Kami ang nanalo. Napailing ako sa ginawa naming strategy, ang totoo niyan hindi naman yung mga pinagsasabi namin yung sign. Kundi yung pagtango ko sa dalawa. Pag tinanguan ko si Tzu, kay Dahyun ko ipapasa at vice versa.

"Nice game!" nag-apir kami nila Tzu at kumaway kila Mina na nanonood. Nasa gilid sila Mina kung saan konti lang ang tao kaya hindi na ako nag-alala para sakanya. Nung nagkatinginan kami kumaway siya at ngumiti kaya sinuklian ko rin ito ng matamis na ngiti.

"Gagaling ng mga tukmol ah!" Nang-aasar na sabi ni Jeong. Pinaningkitan namin siya ng mata dahil hindi siya sumali dahil gusto niya raw mag-darts, atleast don pa-itcha itcha lang kesa sa basketball na papawisan ka at mapapagod.

Habol hininga akong umupo sa sahig ng biglang may babaeng sumulpot sa harapan ko at binigyan ako ng tuwalya. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Somi na nakangiti.

"Somi!" nakangiting tawag ko sakanya. "Uy salamat" sabi ko at ginamit yung tuwalya at saka ininom yung tubig na binigay niya.

"Galing mo pala maglaro, lahat na nasayo." pagpuri nito sakin na tinawanan ko lang. Napatingin naman ako dun sa tatlo na tahimik lang kami nginingisian kaya agad ko silang sinamaan ng tingin.

"Osya sige babalik na ako, nanood lang talaga ako dahil narinig ko isa ka sa mga magtatry-outs." natatawang sabi ni Somi at saka nagpaalam na rin para umalis.

Kumaway ako sakanya habang natatawa ng mahagip ko ang direksyon nila ate Nayeon pero agad kong hinanap si Mina.

Nagtaka ako dahil wala ito pero bigla rin akong kumalma dahil nakita ko siya sa gilid na may hawak na tubig at tuwalya. Nang magtama ang tingin namin bigla niya akong sinimangutan sabay nagwalk-out. "Problema non?" takang tanong ko pero narinig ko lang ang sabay sabay na singhal nila Tzu at saka ako binato ng tuwalya nila. Umangal ako sa ginawa nila kaya naghabulan kami sa court.

"Oi, congrats!" Napatingin kami dun sa nagsalita.

"Eunha," malamig na sabi ni Tzu, napatingin si Eunha sakanya at nagtitigan sila ng ilang segundo. "Salamat." tipid na sabi ni Tzu kaya tumango lang si Eunha sakanya. Napansin kong napasilip si Eunha sa likuran ni Tzu at kasabay non ang pagtakbo ni Sana sa direksyon namin kasama sina ate Nayeon at ang naiwan sa bleachers ay si Jihyo at Mina na mukhang masasama ang timpla ng mood dahil pareho silang nakabusangot, napangiwi ako.

"Anyare sa mga 'yon?" tanong ko sakanila, tinignan lang nila ako pero di pinansin. Luh.

"Tzu ang galing mo naman, ito oh baka nauuhaw ka." malambing na sabi ni Sana at saka inabot kay Tzu yung tubig. Pinunasan niya rin si Tzu ng pawis kaya inasar namin sila.

Napatingin ako saglit kay Eunha napatingin pero agad ring umiwas ng tingin kila Tzu at Sana.

"Naks naman buti nalang marunong ka kundi matatalo ako sa pusta." bungad ni Momo kay Dahyun pero hindi siya pinansin ni Dahyun at patuloy lang uminom ng tubig na inabot sakanya ni Jeong.

Napansin kong medyo nasaktan si Momo dahil sa pagiwas ng kaibigan ko kaya nagkatinginan kami nila ate Nayeon. Pagkatapos ni Dahyun uminom, tinapunan niya ng tingin si Momo. "Oh bakit di ka kay Heechul pumusta?" masungit na sabi ng kaibigan namin at saka ito umalis at nagpunta na ng shower room. Napatingin lang kami kay Momo na mukhang maiiyak na.

"Bakit naman ako pupusta kay Heechul eh hindi naman siya kasali sa women's basketball." ngawa ni Momo kaya agad siyang inalo nila ate Nayeon.

Napailing lang kami nila Jeong kay Dahyun na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaayos ang pakikitungo kay Momo dahil hindi niya maaming nagseselos siya dun kay Heechul.

"Huy babae bakit mo naman sinungitan si Momo?" tanong ni Tzu habang naghuhubad na kaya ginaya ko lang ito. Kami kami lang naman ang nasa shower room at linock ko rin yung pinto kaya malaya kaming makakaligo.

Liningon lang kami ni Dahyun pero agad ring nagpatuloy sa pagsasabon niya. Mukhang malungkot rin ang itsura niya kaya nagkatinginan lang kami ni Tzu.

Napagdesisyonan nalang naming maligo at wag ng kwestyunin pa si Dahyun pero nang matapos kami at makapagbihis na, saglit kaming umupo sa locker room.

"Nakita ko sila last week after kong matalo sa teks si Heechul." saad ni Dahyun habang nagsasapatos. "Nakita ko kung paano umamin si Heechul sakanya," tumawa siya ng pilit.

Tahimik lang kaming nakikinig habang nagsasapatos rin.

"Pumayag siyang manligaw si Heechul." pagkasabi niya non bigla siyang tumingala at pumikit, nasaktan ako nung biglang may mga luhang nagsipagdagsaan mula sa mata ng kaibigan ko.

Agad namin siyang yinakap at inalo. "Manliligaw palang naman, hindi pa naman sinasagot." Sabi ni Tzu. "Bakit hindi mo gayahin si Heechul at umamin ka na rin? Kesa sa umiiyak ka diyan." direktang sabi ni Tzu.

Napailing nalang ako. Ito talaga. Pero tumango lang ako dagil totoo naman. "Oo nga. Kung gusto mo naman siya at gusto mong ipaglaban yang nararamdaman mo, bakit hindi mo aminin? Wala namang mangyayari kung wala kang gagawin eh." Hinaplos ko ng bahagya ang buhok niya habang tinitigan ang kaibigan kong puno ng luha ang mukha.

Natawa ako dahil ngumawa si Dahyun at madramang napayakap samin at saka pinunas ang uhog kay Tzu na kinaltukan siya kaya pare-pareho na kaming nagsipagtawanan.

Nang kumalma si Dahyun. Agad itong napatango.

"Aamin na ako." sabi nito habang tumatango at nagpunas ng luha. "Kahit mareject ako okay lang basta masabi ko sakanya na gusto ko siya."

Napangiti ako.

"Oo naman, kaya mo yan!"

-

A/N:

Happy reading!

Noli Me Tangere [MICHAENG]Onde histórias criam vida. Descubra agora