Special Chapter 3

398 19 26
                                    

Puro tawanan at pagkwekwento ang maririnig mo sa isang private resort. Ito ay pagmamay-ari ng mga Myoui. Napagdesisyonan ng magkakaibigan na magsipaginoman dahil sa achievement ni Chaeyoung sa pagpapatayo ng sarili niyang art gallery.

Kanina pa nag-aalala si Mina dahil hindi nga ito matigil sa pag-inom dahil nga nasobrahan sa saya. "Chaeng, can you slow down a bit? Baka malasing ka eh coke lang naman 'yan." Pagbibiro ni Mina pero sinimangutan siya ni Chaeyoung.

"Mahal ayaw mo ba maniwalang alak 'to?" Bigla niyang sinitsitan na parang baliw si Dahyun na tumatawa tawa rin sa gilid habang nakatingin sa mga langaw. Nawirduhan ng sobra si Mina pero mas nangibabaw talaga ang pag-aalala niya. "Dahyun abot mo sakin yan." Inabot naman ni Dahyun yung bote ng alak at muntik pa itong mahulog dahil sa sobrang ligalig nito. Nagulat si Mina dahil binuksan ni Chaeng yung alak gamit ipin niya at walang prenong linagok.

"G-Gagi Mina pigilan mo 'yan!" Sigaw ni Dahyun na nanlalaki na ang mata, mukhang nahimasmasan ito nang biglang tinungga ni Chaeng yung alak.

Nakalahati ni Chaeng yung bote at parang tanga pa itong ngumiti, napapaduwal siya, ginawa ba namang tubig ang GSM blue. "Grabe ang anghang ng tubig na 'to." Bulong niya habang pagewang gewang na naglakad papuntang pool. Unti-unti niyang hinubad ang damit hanggang sa maiwan ang kanyang two piece na halos madistract si Mina at maulol pero agad itong umiling dahil sa state ni Chaeyoung ngayon.

"Chaeng wait up!" Agad-agad sumunod si Mina sa girlfriend at nagulat ang ibang kanina pang naliligo sa pool sa paglusob ni Chaeng habang naghahanap ng starfish.

"Gago hoy lasing ka ba, cub?" Biglang lumangoy papunta sakanya si Jeongyeon.

"Jeong, bakit walang jellyfish?" Busangot ni Chaeyoung habang patuloy pa rin sa paghahanap ng mga lamang dagat sa pool.

Tumawa naman ng malakas si Jeong. "Gago jellyfish ba kamo? Wala, pero may shokoy dito ayon oh." Sabay turo niya kay Nayeon na hindi nakikipagbiruan.

"Is she drunk?" Biglang tanong ni Sana kaya agad tumango si Mina dito.

"She is, akala niya ata tubig yung alak don." Explain ni Mina habang nakayakap sa may tiyan ni Chaeng dahil nagpupumilit itong lumangoy. Kinakabahan si Mina dahil baka akalain pa ng kasintahan na isa siyang bangus na nakakahinga sa ilalim ng tubig at malunod pa ito.

"Love I want shark." Iyak ni Chaeyoung kaya nagpanic si Mina. Tinitigan niya sila Momo at Sana na takang tinignan rin siya, nginuso niya ang kasintahan kaya tinulak ni Momo si Sana at halos mamatay kakatawa si Momo dahil walang choice kundi magpanggap na shark si Sana dito. Halos mapairit sa saya si Chaeng, nagmistulang parang bata ito kaya napangiti ang lahat. Alam na nila ang side ni Chaeng na ganyan tuwing lasing pwera nalang kay Mina at mga kaibigan nito.

"Love bakit walang dolphin, gusto ko ng dolphin." Ngangawa na sana uli si Chaeng pero hinila ni Sana si Momo, muntik pa itong malunod dahil nakainom siya ng onting tubig at agad itong dinura kay Sana sabay nagtunog dolphin kaya si Mina napatakip ng bunganga, pigil na pigil ang tawa habang si Nayeon at Jeongyeon nanghihinang nagpipigil rin.

Si Tzuyu, Moonbyul, Seulgi at Lisa ay nagbibilliards kasama pa ang iba kaya hindi nila nawiwitness ang kabalastugan ni Sana at Momo.

"Mina, tawag ka ng staff mo." Sigaw ni Dahyun. Napatingin si Mina at nagalanganin pa pero kailangan niyang pumunta doon. Mukhang behave naman si Chaeng dahil nasa may stairs lang ito kaya saglit niya itong binitawan, binilin rin niya ito kila Jeong kaya kampante siyang umalis.

Si Chaeng ay hilong-hilo pa rin pero naaaliw ito sa tubig. Nang iikot niya ang kanyang paningin, napukaw ng snorkel gear ni Momo ang kanyang interest. Nang mapansin ito ni Momo ay agad niya ito binigay kay Chaeng at saka siya na rin ang nag-ayos.

Akala nila malapit lang sa stairs si Chaeng mag-snosnorkel kaya kampante ang apat. Biglang umalis si Chaeng ng pool kaya hindi na nila ito pinansin dahil akala nila ay umahon na para sumama ke Mina.

Pero laking gulat nalang ang lahat nang bigla itong magdive sa pinakamalalim na parte ng pool habang suot suot ang snorkel gear. Halos malunod si Chaeng dahil pati yung snorkel ay pumailalim kaya pumasok ang tubig. Agad nagsipaglanguyan ang apat papunta kay Chaeng na nagmistulang titanic kung lumubog.

Sa isip isip ni Momo, sana siya nalang ang malunod dahil tiyak lulunorin siya ni Mina.

Buti nalang ay naagapan ni Nayeon si Chaeng at umubo ubo ito. Nagaalala man ay natatawa pa rin si Jeong. "Chaeyoung naman umayos ka, snorkel yan hindi scuba diving tangina."

"Chaeng naman, papatayin ako ni Mina dahil sayo. Bakit ka naman nagmamala dolphin kanina." Mangiyak ngiyak na sabi ni Momo habang hinahagod ang likuran ni Chaeng na di matigil sa pag-ubo.

"Anong nangyari?!" Sigaw ni Mina dahil sa itsura ng jowa niya at sa suot pa nitong snorkel gear. "Nalunod ba?!"

"Oo beh nagmalasirena sa malalim na parte ng pool. Di ko alam jowa mo pala si Ariel." Biro ni Sana na ikinasama lang ng tingin ni Mina. Si Nayeon at Jeongyeon naman lumubog na lang sa tubig dahil di nila mapigilang matawa, baka sila pa ang pagbuntungan ni Mina.

"Baby, bakit ka naman nagdive. Hindi ka bangus, please lang. Alam ko pangarap mo maging bangus pero hindi talaga." Nang marinig ni Momo na sobrang seryoso si Mina sa mga sinasabi niya, sumisid nalang ito dahil natatawa talaga siya. Si Sana naman at tahimik na nanghihina sa gilid habang ginagapang ang papuntang cottage kung nasaan sila Dahyun dahil sa sobrang pagtawa nito.

"Eh kasi naman baby sabi nila makakahinga ako using this. Pero I drowned." Iyak ni Chaeng na agad inalo ni Mina. Napabuntong hininga ito, ang tahimik, matalino, at mabait niyang jowa, hindi niya ineexpect na Chaeyoung's going to be a handful whenever she's drunk.

Naiistress si Mina pero gusto niyang gawin lahat para dito pero naiiyak ito slight dahil sa kagagagan ng girlfriend niya.

"Hay nako mahal, mahihiya ka nanaman kinabukasan." Iling ni Mina habang pinupunasan na si Chaeng ng towel at balak ng patulogin.

"Mina I love you." Biglang sabi ni Chaeng habang pagewang gewang na naglalakad habang akay siya ni Mina.

"I love you too love..

But please never drink ever again."

-

*edit not mine

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

*edit not mine

Noli Me Tangere [MICHAENG]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin