15

350 20 8
                                    


Hanggang ngayon nakatulala ako dahil hindi ko mapigilang isipin yung nangyari sa court kanina.

Nag-init nanaman ang mukha ko dahil paulit-ulit tumatakbo sa isip ko yung halik niya. Bahagya akong napapalo sa sahig dahil sa sobrang kilig nang biglang binasag ni Mina ang katahimikan.

"A-Ah ano.."

Napatingin ako sakanya saglit kaya nagkatinginan kami pero umiwas ako agad ng tingin dahil nahihiya ako.

Naglalunch kami ngayon sa rooftop matapos kami kantyawan ng sobra dahil sa ginawa niyang pag-halik sakin.

Naramdaman kong nagiinit nanaman yung mukha ko kaya tumalikod ako kay Mina. Shit. Hindi niya pwedeng makita yung mukha kong nangangamatis na sa sobrang hiya.

Napahawak ako sa labi ko. Hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao at isa pa.

Hinalikan niya ako! Kahit may phobia siya, she still did that.. Bigla akong napangiti na parang baliw kaya agad kong sinampal yung sarili ko.

"G-Galit ka ba?"

Napaharap ako kay Mina ng wala sa oras at napansin kong hindi rin siya makatingin at namumula rin ang kanyang mga pisngi.

"H-Hindi."  sagot ko, "N-Nagulat lang.,"  pag-amin ko. "B-Bakit mo ba ginawa 'yon?" nahihiyang tanong ko.

Tinignan niya ako ng parang may sakit sa mga mata niya. "Baka kasi trip ko lang." pagsusungit niya sakin kaya natawa ako. "Malamang gusto kasi kita, h-hahalikan ba kita kung hindi." pagsusungit niya pa pero agad ring iniwas yung paningin.

Napakagat ako sa labi ko, gusto kong sumigaw, tumili at magtatalon ngayon din pero tumalikod ako saglit para huminga ng malalim. Kailangan kong maging okay. "Keep it cool gaga." bulong ko sa sarili ko at saka siya hinarap.

Namumula pa rin yung mga pisngi niya habang nakaiwas pa rin ang tingin sakin. Ngumiti ako.

Gusto niya rin ako!

"B-But I'm sorry because I did that without asking for your consent.." direktang saad niya na para bang kinakabahan. "I didn't considered your feelings when I am not really sure if you like me b–" bago pa man niya matapos yung sasabihin, tumayo ako para bigyan siya ng mabilisang halik sa labi.

"Gusto rin kita." lakas na loob na sabi ko habang nakatitig lang sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niyang nangungusap, lagi nalang ba akong malulunod sa tingin niyang 'yan? Hindi ito nakakasawa.

Dahan-dahan kong linapit yung kamay ko sa mukha niya at napangiti ako ng aking mapansin na hindi na siya nabibigla o nanginginig. Hinaplos ko ang maganda niyang mukha at nakita ko kung paano kumalma ang eskpresyon niya na para bang narinig na niya yung gusto niyang marinig.

Hinalikan ko ang kanyang noo. "Why did you like me? Am I not annoying? Isn't it hard to deal with me because of my... condition?" dire-direchong tanong niya na para bang naluluha na.

Pinitik ko ang kanyang noo kaya sininghalan niya ako at bigla siyang umangal na parang bata. Muntik pakong maguilty dahil baka nabigla siya pero tumawa lang ako dahil sinapak niya ako sa braso. Pinigilan ko yung luhang kanina ko pa tinitiis na wag ibuhos dahil sa sayang. Sa sayang nagagawa na niya 'yan sakin ngayon.

"Hindi man kita lagi nakikita dahil lagi kang nauwi pagtapos natin maghapunan. Hindi man kita mayakap o mahawakan noon," hinila ko siya patayo at saka yinakap ng mahigpit, "Hindi ba nangako ako sayo na gagawin ko ang lahat mayakap mo lang uli yung pamilya at mga kaibigan mo? Look oh! It's getting better." hinaplos ko yung likuran niya at naramdaman ko rin ang mahigpit niyang pagyakap sakin.

"Hindi ba dahil sa naaawa ka sakin?" malungkot na tanong nito kaya agad akong napaharap sakanya.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya. "Mina, mahal kita." nagulat siya at bahagyang namula ang kanyang mga pisngi sa sinabi ko, hinawakan ko ang kanyang mukha. "Mahal kita at hindi sapat ang kahit na anong dahilan para maipaliwanag 'tong nararamdaman ko para sayo." Pagtapos ko sabihin yan nagpanic ako nang makita ko siyang umiyak pero yumakap lang siya sakin ng mahigpit at biglang nagsalita.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung dumating ka. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya nung sinabi mong tutulungan mo ako kasi ni minsan hindi ko 'yan narinig sa kahit na sino.. Laging kaya ko 'to, laging malalagpasan ko 'to.. o kaya ipamumukha sakin na para bang ang hirap kong pakisamahan dahil sa kondisyon ko." hikbi niya, hinaplos ko ang kanyang buhok at hinayaan siyang magsalita. alam kong marami siyang tinatagong sakit at sama ng loob, "Akala ko mag-isa na ako, akala ko walang makakaintindi sakin pero andiyan ka." pinunasan niya yung luha niya saka tumingin sakin.

"Mahal rin kita Chaeyoung," puno ng pagmamahal na sabi niya, "Mahal kita    and I may be afraid of touch but I'm not afraid to love you all my life, you're the purest, loveliest and tenderest beautiful person I have ever known and all of that are still an understatement." Sabi niya habang may mga luhang bumabagsak mula sakanyang mga mata pero hindi dahil sa lungkot o pighati, halos manlambot ako nakikita kong Mina ngayon.

Isang masayang Mina.

Sobrang saya ng puso ko dahil nakikita ko siyang masaya ngayon at higit sa lahat, nakaamin na rin ako at gusto niya rin ako. Lubos akong nagpapasalamat dahil nagustuhan niya ang isang hamak na tulad ko.

"Stop crying na." pinunasan ko ang luha niya gamit ang panyo ko kaya tumango lang ito at kinuha sakin yung pamunas at siya na ang nagasikaso sa sarili niya.

Matapos niyang kalmahin ang sarili niya hinila niya ako paupo sa harap niya at saka ako yinakap ng mahigpit, hawak hawak niya rin yung mga kamay ko at binigyan ako ng halik sa noo.

Napapikit ako ng mariin dahil hindi ako makasigaw sa kilig. Tahimik akong humihinga ng malalin para maikalma yung puso kong nagwawala kanina pa dahil sa sobrang lakas ng pintig, baka naman himatayin na ako sa kilig pero hindi ako nagrereklamo, baka magpasalamat pa ako dahil si Mina Myoui 'to oh.

"Does this mean we are in a relationship?" tanong niya na ikinalingon ko.

Tumango lang ako at saka siya ngitian, lumuhod ako sa harap niya at saka hinawakan ng mahigpit ang isa niyang kamay at hinalikan.

"Be my girl and I'll court you forever."

-

A/N:

Namotivate lang, sigi tulog na kayong nakangiti layk me.

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now