Nandito kami ngayon sa classroom. Tahimik sila Dahyun, Tzuyu, Jeong, Moonbyul at Seulgi dahil may pinagagawa saming mga art project na kailangan ring ipresent sa harapan.
Nakita ko kung paano naiistress si Dahyun ngayon na hindi na alam kung anong pinaggagawa sa papel niya habang si Tzuyu tinatago yung papel niya na akala mo gagayahin naming lahat, si Jeong, Byul at Seul naman ay chill lang na nagiisketch si Seul nga nagooil pastel na.
Tahimik lang rin akong nagiisketch sa tabi ni Jeong. Makalipas ang ilang oras napansin kong di mapakali si Dahyun na akala mo'y inasinang bulate.
"Huy nyare sayo?" tanong ko kaya napatingin kaming apat kay Dahyun na ngayon ay ngumingiwi.
"Ms. Kim, please present your artwork in front," biglang sabi ng professor namin, si Dahyun hindi na maipinta ang itsura pero agad rin siyang pinagtawanan nila Tzu dahil para talagang iniwan na siya ng kaluluwa niya dahil wala siya sa sariling tumabi kay sir.
"You may show it now," bulong ni sir dahil parang walang balak pa si Dahyun na ipakita yung gawa niya.
Muntik na akong matawa nung hinarap niya samin yung line art niya, hindi naman siya nakakatawa kasi ang ganda naman ng pagkagawa niya, natawa lang kami dahil ginaya niya yung pusang dinrawing niya.
Pinuri ito ng professor namin kaya pinasunod na agad yung iba pa naming mga kaklase.
"I made this because I love star wars," simpleng sabi ni Tzu habang pinapakita yung portrait ni Yoda na gawa niya.
"Kamuka mo!" pangaasar ni Dahyun, nagmake-face lang si Tzu.
"I just watched the film that's why naisipan kong siya ang maging subject." Naimpress ako sa pag-drawing ni Seul kay Joker, ang detalyado, natapos niya 'yan sa konting time na binigay samin.
"Wow expert level." pagpuri ni Byul.
"Favorite ko 'to pati yung tao." simpleng sabi ni Jeongyeon habang pinapakita samin yung drawing niya. Si ate Nayeon na may hawak na leggo. Line art rin gawa niya siguro dahil sa oras.
"I love dogs." kibit ni Byul habang pinapakita yung sketch niya ng corgi, tulad ng kay Seul detalyadong detalyado ito pero walang color dahil siguro kapos sa oras.
Napatikhim ako dahil ako na yung susunod pagkatapos nung isa pa naming kaklase.
"Thank you very much." banggit ni sir saka tumingin sakin, "Next up, Ms. Son."
Tumango ako at pumunta na sa harapan, dahan-dahan kong pinakita sakanila yung drawing ko. Napansin kong yung iba nagulat dahil nanlaki ang mga mata.
"I know it's kind of disturbing but I hope you get what it means," I tried to sound cheerful, "Ah, alam naman natin na our era promotes mental health awareness dahil most of us suffers anxiety, depression, phobias and any other disorders." Pinakita ko yung drawing na isang nakatagilid na babae na hawak hawak ang kanyang mukha pero linagyan ko siya ng basag effect para masignify yung vulnerability nating mga indibidwal, "I hope all of us understand people who experience those vulnerabilities and not make them feel as if it was their fault to experience that. Let's no misjudge people too regardless of the situation, hindi lang yung mga may mental disorders, emotionally challenged, or even people with special cases, dapat lahat. We must learn how to respect each other at all times." I smiled at them at nagulat ako nung biglang sumigaw si Dahyun at pumalakpak ng malakas kaya lahat sila nagsipagpalakpakan.
YOU ARE READING
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanfictionA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...