Makalipas ang ilang araw, wala akong ibang ginawa kundi samahan lagi sa lunch si Mina, may progress naman sa ginagawa namin. Napangiti ako nang maalala kong kaya na niyang makipag-pinky swear sakin, hindi na rin siya gaano nabibigla kaya sinusubukan kong tumabi sakanya."Maglalunch na hoy di ka pa ba tapos?" tanong ni Tyuzu, umiling lang ako habang patuloy lang sa pagsusulat. "Una na kami ah?" paalam nito na ikinatango ko lang, balak pa sana magpaiwan ni Dahyun pero sinabi ko namang okay lang ako.
Puro na kasi pa activities yung mga professor namin kaya agad agad ko itong tinatapos dahil marami pakong gustong gawin pag uwi ko ng bahay. Yun ay ang maglaro, magbasa, manood at matulog.
Naniniwala rin ako sa kasabihang ang pagaaral ay dapat ginagawa lamang sa paaralan. Natawa ako ng mahina dahil sa kung ano ano na ang naiisip ko pero ganito lang talaga ako.
Ayaw kong matambakan.
Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang bell at dun ko lang naalala si Mina. Dali dali akong nagayos ng gamit at tinakbo ko yung papuntang rooftop sa building na malapit sa canteen nang makita ko si Mina na.. nakasimangot?
Kakababa niya lang ng hagdan at nung magtama yung tingin namin, kumaway ako pero hindi niya ako pinansin.
"Ano nangyari don?" tanong ni Jeong na biglang asa tabi ko na.
"Hindi ko siya nasamahan sa lunch." Nagmadali akong tinawag ang pangalan niya, lumingon siya pero bigla ring naglakad uli papalayo. Narinig ko pa yung mahina niyang pag-hmp kaya mas binilisan ko pa ang paghabol sakanya, lakad takbo ang ginawa ko at umikot papunta sa harap niya na ikinagulat niya saglit pero agad rin niya akong sinimangutan.
"What?" sungit niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti kasi ang ganda niya kahit ang sungit niya tignan. "Sorry hindi ako nakapagsabi na di ako makakaakyat dahil dito." pinakita ko sakanya yung mga hawak kong papel ng mga iba't ibang activities na tinatapos ko na.
Tinignan niya ito saglit pero humalukipkip lang ito at tumingin sa gilid kaya hinarap mo muka ko sakanya pero malayo pa rin dahil ayaw kong mabigla siya, hindi ko na pinansin yung mga tinginan ng ibang mga estudyanteng napapadaan.
"Sorry na," agad kong linagay sa bag yung mga papel pero hindi ko inalis yung tingin ko sakanya na hanggang ngayon ay nakasimangot. "Kain tayo uli?" tanong ko habang tinignan yung oras sa may pader malapit kung nasaan kami nakatayo.
"Kumain na ako," masungit niyang sagot na hindi pa rin nakatingin sakin, "Mag-isa." pagdidiin niya kaya di ko na napigilang matawa.
"Uy ano yan?" biglang bumungad si Jihyo kasama si ate Nayeon na natatawa kaming tinuturo.
"Bakit nagsusungit ka?" tanong niya kay Mina na nginitian siya kaya napaawang yung labi ko dahil bakit ako sinisimangutan, ampeyr.
"Hindi ko kasi siya nasabihang di ako makakaakyat, andami ko kasing ginawa," kamot ulo kong sagot habang tinitignan si Mina na pinaniningkitan pa rin ako.
Napabuntong hininga ako habang si ate Nayeon tawa pa rin ng tawa.
"Wag ka na magtampo, ito naman," Paglalambing ni Jihyo kay Mina, siniko niya ako. "Hindi naman sinasadya ni Chaeng 'yon." Pinanlakihan niya ako ng mata kaya wala sa sariling napatango ako.
Totoo naman pero natawa ako kasi biglang tinitigan ako ni Mina na tinaasan lang ako ng kilay pero agad ring tumango. "Okay," sabi niya habang nakahawak sa braso at naka-pout pa.
Napailing ako pero agad ko ring linahad yung hinliliit ko para makipag-pinky swear.
Nagulat siya at napatingin sa kamay ko at sa kamay niya. Biglang natahimik sila ate Nayeon at Jihyo dahil nagtataka sila sa ginagawa ko ngayon.
ESTÁS LEYENDO
Noli Me Tangere [MICHAENG]
FanficA past tragedy left Mina burdened with haphepobia, she can't bear to be touched. Not casually, not accidentally and certainly not intimately. Mina never even thought about loving someone because of her discomfort with human contact but suddenly Chae...