2

355 26 0
                                    

Papunta na kami sa canteen kasama sila Byul at Seul dahil nagsipagtext na nga raw ang mga jowa nila pati si ate Nayeon kay Jeong.

"Dito mga ulupong!" sigaw ni ate Nayeon kaya natawa kami.

"Hello!" bati ni Dahyun tas bigla siyang nahiya nung nakita niyang andon rin pala si Jennie at katabi niya si Lisa na parang tupa sa sobrang amo, naka poise pa siya tumawa kami nila Tyuzu.

"Hi baby" binati ni Moonbyul yung girlfriend niyang tinignan lang siya ng  makahulugan.

Habang si Seul naman eh tumabi rin dun sa babaeng mukang strict pero nung nagtama tingin nila biglang umamo kay Seul. Ang cute!

"Ito pala si Solar at Irene," pagpapakilala ni ate Nayeon at inulit niya lang rin mga pangalan namin. "Ito si Jennie," ngumiti lang ng tipid si Jennie samin.

"Rosé, Jisoo!" biglang sigaw ni Sana nung nakita niya yung dalawa pang babae na may hawak ng tray, binati nila kami pero nagexcuse dahil dun sila sa kabilang table uupo at wala na nga namang space samin.

Nung napalingon ako kila ate Nayeon bigla akong nagtaka dahil wala si Mina.

"Asaan si Mina?" tanong ko kaya tumingin sila saking lahat.

"Ay oo," linunok ni ate Nayeon yung kinakain niya, "Hindi siya nakain ng kasama kami kasi nga diba," makahulugan niyang sinabi, "Andon siya sa rooftop." sabi nito at saka nagtuloy nalang sa pag kain.

Nagsipagkainan na sila pero hindi ako mapakali. Okay lang kaya si Mina dun ng mag-isa?

"Uy okay ka lang?" tanong sakin ni Tyuzu na sinusubo isa isa yung maning binili niya kay mang Binoy nung umaga.

Linahad ko yung kamay ko kaya binigyan niya ako ng mani at inisa isa ko rin ang pag kain.

Okay desidido na ako, tumayo ako bigla kaya lahat sila napatingin sakin.

"Punta lang akong rooftop," paalam ko, nagsipagtinginan sila sa isa't isa pero agad rin umokay.

Umakyat ako sa tinuro sakin nila Momo na hagdan papuntang rooftop at hingal na hingal ako, ilang tapak nalang eh nakaabot na rin ako sa wakas.

Bahagya akong lumuhod at huminga dahil napagod ako sa pag akyat ko, hindi naman ako nasabihan na mala-skyscraper 'tong building ano.

"Uy, anong ginagawa mo diyan?" napatingin ako kay Mina na mahinhing nakaupo sa may bench dito sa rooftop.

Natameme ako bigla dahil ngayon ko lang siya napagmasdan. Iba yung ganda niya, gusto ko yung mga mata niya dahil maliit but it really compliments her face. She has this tiny mole rin above her lips kaya mas lalo lang siya naging attractive.

"Uy?" mahinhin na pagpukaw niya ng pansin ko. hindi ko pala namamalayang natulala na ako.

Napakamot ako sa ulo ko, "Ah ano okay lang bang kumain kasama ka?" tanong ko.

Nagulat siya sa tanong ko at biglang nataranta.

"W-Wag kang mag-alala, dito lang ako." tinuro ko yung malayong distansya ko sakanya. "H-Hindi rin kita sasaktan, promise!" tinaas ko pa yung kaliwang kamay ko na agad ko ring pinalitan ng kanan kaya bigla itong natawa.

Noli Me Tangere [MICHAENG]Where stories live. Discover now