PROLOGUE
Kulog at malakas na ulan ang maririnig sa paligid. Naroon na rin ang paminsan-minsang pagkidlat at ang paghampas ng malakas na hangin. Tanda na mayroong bagyong nagaganap.
Kulay pulang ilaw na nagbibigay liwanag sa paligid. Sa isang kwartong korteng rehas, hindi, rehas talaga iyon. Isang rehas na tanging ang babaeng hubo't hubad lamang sa gitna niyon ang nararapat. Naroon siya at hindi na niya mabilang ang araw o buwan o taon na nakakulong siya sa loob ng kwartong iyon.
Hindi na siya nagtangka pang sumigaw o humingi ng saklolo sa labas ng bintana ng kwarto, nung una ginawa niya iyon pero nawalan na lang siya ng boses ay ni isa man o kahit may maligaw man lang roon ay wala. Araw-araw at gabi-gabi siyang nagdarasal kahit ni minsan ay hindi niya iyon ginawa sa tanang buhay niya ay wala ring nagawa. Gaya niya mukhang napagod na rin ang Diyos para makinig pa sa kanya. Dahil sino naman nga ba siya para pakinggan.
Hindi lumipas ang araw o gabi na hindi tumutulo ang mga luha niya o ang dumaing sa sakit. Hindi lumilipas ang segundo na hindi siya nakakabulalas ng mga mura. Hindi lumilipas ang bawat minuto na hindi niya sinisira ang bagay na nakakabit sa mga kamay niya.
At hindi lumilipas ang bawat oras na hindi niya pinapatay sa kanyang isip ang nilalang na dahilan kung bakit siya naririto sa impyernong kinalalagyan niya.
Pero iba ngayong gabi. Lahat ng mga nabanggit ay ginagawa niya isa-isa. Ang magdasal, ang umiyak, ang magmura, ang patayin sa isip niya ang nilalang at ang sirain ang posas na nakakabit sa kamay niya.
Butil-butil na pawis ang makikita sa kanyang noo habang nakatunghay sa kanyang ginagawa. Mabilis ang kanyang paghinga at panay lingon sa rehas. Singbilis ng takbo ng kabayo ang pagbayo ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib.
Hindi niya mapigilan ang pag-asang umuusbong sa kanya. Pag-asang baka, baka ngayong gabi at ngayong pagkakataon ay makatakas na siya.
Mas pinag-igihan niya ang pagkalikot sa kanyang posas gamit ang hairpin na napulot niya kanina.
Malapit na. Kaunti na lang ay mabubuksan na niya.
Hanggang sa biglang kumurap ang ilaw sa labas ng rehas.
Napatigil siya at mabilis na ipinalibot ang mga mata sa labas ng rehas. Dumoble ang patak ng kanyang pawis at ng kanyang luha habang ang kanyang hininga ay para siyang hinihika. Mas bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at nanginig ang walang laman niyang kalamnan.
Lahat ng iyon ay parang isang nakakatakot na hudyat sa kanya na nandito na siya.
"P-putangina . . ." Mahina niyang usal at nanghihinang ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa. Kahit wala ng pag-asa ay muli niyang kinalikot ang kanyang posas.
Kalansing ng bakal ang maririnig. Muli siyang napamura. Parang kinukutya siya ng tunog na iyon. Muling kumurap ang ilaw sa labas ng rehas at napatigil na siya sa ginagawa.
Mahinang iyak niya lamang ang maririnig at ang mahinang yabag mula sa labas ng rehas. Ilang saglit lang ay tumugtog na ang ikinasusuklam niyang tugtog sa buong buhay niya.
Dati niya iyong paboritong kanta at tanging kapayapaan at kasiyahan ang nararamdaman niya kapag naririnig iyon ngunit ngayon ay galit at takot na lamang. Dahil isa lang ang ibig sabihin ng kanta para sa kanya. Magiging impyerno na naman ang gabing iyon.
Help me
Something is a misery
Save me
Somebody wants to take me
Kill me
So I have a reason to live
Take me
So I have a reason to give
BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampir"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN