Chapter 1
"CHLORINE!" Bwaka ng ina! Sa dinami dami ng pwedeng itawag sa akin bakit yung unang pangalan ko pa?! Bwesit.
Napasimangot akong tiningan yung adviser namin. "M-maam?" Umayos ako ng upo kahit labag sa loob ko.
"Hindi ka na naman nakikinig! Daldal ka ng daldal diyan sa upuan mo. Ikaw na lang kaya ang tumayo at mag-discuss dito sa unahan!" Nanlalaki ang butas ng ilong nito habang tinatalakan ako. Rinig ko rin ang paghahagikgikan ng mga ilan sa kaklase ko.
Inirapan ko silang lahat na hindi nakikita ng adviser ko.
"Sorry po maam." Binalingan ko ulit si Dira na katabi ko lang rin. Wala talaga siyang pakialam. Parang nasa malayo siyang lugar. Mag iilang araw na siyang ganyan. Ka boring tuloy ng buhay ko ngayon. Hindi man lang nga niya magawang magkwento sa akin kung ano yung problema niya eh. Tsk!
Nairaos ko naman yung araw ngayon, na hindi kinakausap ng nagiisa kong kaibigan pero okay na rin kasi hindi naman niya ako iniwan. Sabay pa rin kami pauwi. Yinakap ko siya ng mahigpit para maiparamdam ko rin sa kanya na hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari at nandiyan ako palagi. Alam ko naman kasi na ichichika niya rin sa akin ang problema niya kapag okay na siya. Aantayin ko na lang iyon.
Habang naglalakad ako pauwi pakanta kanta ako habang suot ko ang aking earphones. Minsan rin inaabot ko yung mga nota nung kantang kinakanta ko kahit yung boses ko ay parang naipit na boses ng pusa. Wala akong pake kahit na ganoon yung boses ko, naniniwala kasi ako sa kasabihang pangit yung boses ng mga magaganda. Trust me!
Tanaw ko na iyong gate ng bahay namin kaya tinanggal ko na yung nakasalpak sa tainga ko. Nakikita ko na si Mama na nagdidilig ng mga halaman niya sa bakuran namin. Nasa may gilid lang ng kalsada ang bahay namin at medyo may kaya rin kami kasi pulis si Papa at retired teacher naman si Mama. Maagang nag retired si Mama sa skwela dahil sa sakit niya.
Napahinga ako ng malalim habang tinatanaw ko ang Mama ko. Kahit saang anggulo tignan napakasuplada niya. Tabas pa lang ng kilay, naku!
Napaigtad ako ng mapatingin siya sa gawi ko. Agad na pumameywang ito at pinagtaasan ng kilay. "Ano ka riyan, Anda?! Tatayo ka na lang ba riyan at hindi papasok?! At bakit nakabusangot na naman iyang pangit mong mukha?!" Napairap ako sa kanya at napakamot ng ulo.
Padabog akong naglakad papasok ng gate. Naglakad ako papalapit sa kanya at agad na nagmano, nakataas pa rin yung kilay niya sa akin. "Ma, anong meryenda?" Ako naman ang inirapan nito at nagpatuloy sa pagdidilig ng mga halaman niya. "May mainit na tubig roon at saka tinapay. Sige na magbihis kana at pagkatapos mong kumain hugasan mo yung mga plato roon."
"Opo."
Agad akong nagbihis ng pambahay na damit sa kwarto ko. Simpleng shorts lang at malaking t-shirt. Pagkatapos dumiretso ako sa mesa at humalungkat ng kakainin roon. Kumuha rin ako ng tasa para sa kape. Tapos tumunganga ako sa last supper na painting roon sa kusina namin.
Nang matapos ako sa pagmemeryenda ay pinanlisikan ko ng mga mata ang tambak na hugasin.
"Kaysa panlisikan mo ng mga mata iyan, hugasan mo na! Isang taon na naman ang lilipas hindi ka pa tapos riyan!" Si Mama ang OA. Hindi ko namalayan nandito na pala siya. Busangot ko siyang liningon. Nagsisimula na siyang humiwa ng gulay.
"Ma."
"Ano ba?!" Kita mo ito, hindi man lang ako nagawang lingunin. Mas bumusangot yung mukha ko. Sinimulan ko na ring sabunin yung mga hugasin.
"Bakit ang weird ng pangalan ng mga anak mo Ma?"
Narinig ko ang pag-ismid niya. "Ayaw mo nun wala kayong kaparehong pangalan?"
BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampire"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN