Chapter 26
PARA akong nakalutang sa kawalan. Madilim ang paligid ko at hindi ko alam kung nasaan ako. Maya maya pa ay may nadinig akong mga boses. Boses ko at ng kung sino.'Anda, walang sasama saiyo sa pagmartsa mo sa graduation.' Boses iyon ni Papa. Kahit nakalipas na ang ilang taon ay ramdam ko pa rin ang paninikip ng dibdib ko noong araw na sinabi iyon ni Papa.
'Napakawirdu mo talagang bata ka!' Boses ni Mama na kapag gusto ko ng kausap ay iyon ang palaging binubunganga sa akin. Gusto ko lang naman siyang makausap tungkol sa mga problema ko noon. Pero ayaw niya akong pakinggan. Kasi nga wirdu daw ako. Kakawattpad ko raw iyon.
'Hoy Andapangit!' Boses ng batang Kuya Gaso. Na halos marinig ko ng paulit ulit sa mga panaginip ko kapag namimiss ko siya. O baka mas tamang sabihin na kapag sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya.
'Napakasuwerte mo. Pinoprotektahan ka ng lahat kahit napakatanga mo.' Nangunot ang noo ko at inalala kung kilala ko ba ang mga boses na iyon. Iyong mga nauna ay naalala ko pero itong huli ay hindi. At wala akong maalala na narinig ko na ito sa tanang buhay ko pero bakit parang alam na alam ko ang boses na iyon kahit hindi naman.
Hindi ko alam kung bakit parang kaboses ko siya ang kaso ay parang napakasungit. 'When are you going to acknowledge me, you bitch.' Ang boses niya ay napakariin na parang may malalim siyang hinanakit sa akin.
'Klolox nasan weyfel ko?'
'You are beyond gorgeous po.'
'You can't escape me because you belong in this prison, babe.'
Ang mga sumunod ay parang malamig na tubig na nagpagising sa natutulog kong diwa. Puting kisame ang nakita ko sa aking pagmulat. Ilang beses akong napakurap. Wala akong ibang maramdaman. Lumalagos ang sinag ng araw sa aking mukha pero hindi ko maramdaman ang init nito. Katamtaman lamang. Ipinalibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Inalala ko kung ano ang nangyari sa akin kagabi.
Napahinga ako ng malalim.
Naalala ko na talaga ang lahat. Dapat ay ramdam ko pa ang mga bagay na pinaggagagawa ko sa sarili ko kagabi ngunit parang wala naman. Dapat ay masaya ako dahil naaalala ko na ang lahat. Ngunit nablangko ako. Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi.
Kaya naman pala halos makipag-away na si Mama kay Ate para lamang sa akin. Hindi ko siya masisisi. Hindi pangkaraniwan ang naranasan ko. Impyerno iyon. Paano ko nga ba nalagpasan ang lahat? Ah, may mga taong tumulong sa akin. Mga tao nga ba?
Marahang bumukas ang pintuan dito sa kwarto at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mama. Marahan siyang lumapit sa akin at umupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Hinaplos niya ang mukha ko, ako naman ay nakatingin lamang sa mukha niya. Kahit kakikitaan na ng palatandaan na matanda na siya ay hindi ko talaga makakaila na napakaganda ng nanay ko. Kahit puno ng pag-aalala ang bukas ng mukha niya ay bakas pa rin doon ang kaniyang katarayan. Ang buhok niyang nagiging kulay gray na dahil sa uban ay nakapuyod.
"K-kamusta ang pakiramdam mo, a-anak?"
Kamusta nga ba? Hindi ko alam. Hindi ko rin naman ramdam. Hindi na rin ako sanay sa inaasta ng nanay ko. Siguro ay kaawa-awa talaga ang kalagayan ko ngayon. Iniwas ko ang paningin sa kaniya at muling tumulala sa kisame.
BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampire"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN