WARNING
This chapter contains rape, sexual abuse and violence. Readers discretion is advised.
Chapter 12
Hindi niya ako binisita ng ilang araw na ikinahinga ko naman ng maluwag. Oo nga pala gusto kong magkwento tungkol sa mga nangyari simula nang alam mo na. Masyado na akong nahihiya sa sarili ko para ikwento pa ang bagay na iyon.Anyway, gusto ko lang sabihin na binilhan niya ako ng mga sabon at kung ano ano pang bagay na ginagamit naming mga babae. Wala lang gusto ko lang sabihin kasi sa hindi ko mabilang na araw na naririto ako sa puder niya ay ngayon lang ako nakapagsabon! Akalain mo yun!
Sawang-sawa na kasi ako sa tubig lang ang pinapaligo! Kaya habang hindi pa niya ako binibisita ay halos magbabad ako sa banyo kakasabon at kakashampoo. Binilhan niya rin ako ng mga bagay na may pakinabang rito sa kulungan ko. Gaya ng isang katutak na mga punda at sapin sa kama. Pero hindi niya ako binilhan ng damit. Dedma na lang rin. At least hindi na ako magiging mabaho habang naghihintay sa kamatayan ko 'diba?
May sarili na akong ref na halos puro alak at kung ano-anong mga ice cream at chocolate lang naman ang laman. Nakakasama sa kalusugan pero at least hindi na ako manginginig at manghihina sa gutom. May iilan ring libro ang ibinaba niya nung nakaraang araw na halos tapos ko na ring basahin. Puro lang naman patungkol sa romance iyon. At halos pareho rin na naman ng istorya.
Parang palaging iyong babaeng bida ay nainlab sa lalakeng bida na puro pasakit lang naman ang ginawa sa babae pero nagkatuluyan at nakuha pa ring patawarin ng babae yung lalake. Iba-iba naman iyong nagsulat ng sampung kwentong nabasa ko pero halos pare-pareho lang naman ng plot. Sa susunod kapag hindi sinasapian ng sampung demonyo ang saltik ay hihiling ako sa kaniya ng ibang libro, iyong may matututunan sana akong aral hindi puro tungkol lang sa love.
Linagyan niya rin ako ng isang life size na mirror kaya tuloy halos segu-segundo kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.
Ang laki ng pinagbago sa katawan ko. Napakahaba na ng medyo kulot kong buhok na umaabot na sa aking beywang. Ang medyo mataba kong katawan ay nawala at napalitan na ng maputla kong balat at payat na payat kong katawan. Pero nakapagtatakang kahit mapayat ako ay hindi naman nabawasan ang kalakihan ng aking dibdib, balakang at puwit. Mas lumaki pa nga eh. Naroon rin pala ang lahat ng peklat ko at ang iba pang sariwang pasa dahil sa kung ano-anong pambubugbog na ginawa sa akin ng saltik.
Napahinga na lamang ako ng malalim at napailing. Pero kahit ganoon ang ganda ganda ko pa rin. Hindi ko talaga masisisi ang saltik na pagmasdan ang nakakapaglaway kong katawan at mukha. Shuta, nahawaan na rin talaga ako ng saltik dahil nahahanap ko na ang sarili kong humahagikgik mag-isa.
Naisipan ko na lang na malinis ng kaunti sa kulungan ko. May binili rin pala siyang panlinis kaya medyo nakakapaglinis na talaga ako dito habang hinihintay na dumating ang demonyo. Nang matapos ako ay dumungaw na lamang ako sa bintana na alam kong kahit anong gawin ko ay hindi naman ako makakatakas gamit iyon. Kamay ko pa lang nga ay hindi na kasya eh. Tanaw ko rito ang papasikat na buwan palatandaang maggagabi na naman. Naririnig ko na sa labas ang mga huni ng palaka at mga kuliglig, malamig na rin ang dampi ng hangin sa balat ko na pumapasok sa siwang ng bintana.
Habang nakatanaw ako sa namumulang buwan ay hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga. Sa lumipas na panahon na narito ako, ano na kaya ang nangyari sa mundo? Iyong mga magulang ko, kamusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako? O baka naniwala sila na patay na ako dahil sa isang aksidenteng gawa-gawa lang ng saltik? Pinanganak na kaya yung kapatid ko?
Napahid ko na lamang ang likidong dumaloy sa pisngi ko at natawa ng mapakla. Nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako mag-iisip pa ng mga ganoong bagay pero heto na naman ako. Ito talaga ang nangyayari sa akin kapag pinapabayaan ako ng saltik na ilang araw at gabi na mag-isa. Parang nasanay na ako na palagi dapat siyang nadiyan sa paligid ko. Ang weird lang.

BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampire"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN