Chapter 16

88 2 0
                                    

Chapter 16




"Humanda ka sa akin mamaya."

Sabi ni Sir Rigor sa akin kanina pagdating na pagdating ko sa resto, yung sinasabi kong manager kong lalambot-lambot. Ang OA ng baklita eh 20 minutes late lang naman ako. Masyado pa ring maaga kaya wala pa naman kaming costumer pero kung umasta akala mo kung ano na. Hindi naman inaano. Napanguso na lamang ako.

Ginawa ko na lamang ang naka-assign sa aking trabaho ngayong araw. Diba sabi ko isa akong cashier, ngayon ay hindi ko na naman magagawa ang tunay kong trabaho. Dahil kasi iyon sa bida-bida kong kaibigan. Si Marry Jarenz Alipin. Kaibigan ko siya pero base pa iyon sa mood niya sa araw-araw kung papansinin niya ba ako o hindi. Basta hindi ko siya maintindihan. At minsan rin ay niaaway niya ako kung hindi siya pinapansin ng manager namin pero ako ay kinakausap.

May malaking pagkakagusto kasi siya kay Sir Rigor na mukha namang bakla. Actually hindi naman talaga siya bakla, para lang sa akin ay para siyang bakla. Kasi ang puti-puti niya. Mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, yung labi ay parang palaging nakalip-gloss. Tapos ang ganda ng katawan niya. Matangkad siya na medyo matso. Gwapo siya pero mas nababarbiehan ako kaniya. Ang sarap niya sigurong parampahin at suutan ng mga pambabaeng damit. Basta barbie nga.

Tanaw ko si Marry na malisyosang nakatingin sa matambok na puwet ni Sir habang kumakain siya ng paborito niyang siopao na tig-bente doon sa may kanto. Napailing na lamang ako sa inasta niya. Kahit kailan talaga. Inasikaso ko na lamang ang iba pang mga kostumer kasi nagsisimula na silang dumami. Simple lang itong lugar namin pero kakikitaan mo talaga na maganda ang kalidad. Kaya halos lahat ng pumupunta rito ay kadalasan yayamanin.

Labinglima kaming waiter at waitress, tatlong cashier para sa resibo ng kinain ng mga tao at anim na chef sa loob. Minsan kung marami na talagang tao sa loob lalo na kung kasagsagan ng tanghalian ay pati si Sir ay napapasabak na rin. Napakakuripot kasi at ayaw nang magdagdag ng mga tauhan niya.

"Anda, ikaw na dun sa lalaki sa gilid." Napatigil ako sa pagmumuni-muni nung kalabitin ako ni Dave isa sa mga waiter. Tinuro niya iyong isang lalaking nakaupo malapit sa may glass wall habang nakatanaw sa labas. Nakahood ito ng kulay itim at kahit nasa malayo ako ay kita ko na kung gaano kahubog ang katawan nito. Parang amoy pogi!

"A-ah sige." Saad ko at mabilis na tumakbo paalis si Dave parang natatae yata kasi papunta siya sa CR namin eh. Hindi ko na lamang siya pinansin. Inayos ko ang laylay ng buhok ko sa bandang tenga ko at saka inamoy ko yung sarili ko. Amoy maganda pa naman. Kinuha ko na ang maliit kong notepad para sa listahan ng oorderin ng pogi. Yays, araw-araw naman akong nakakakita ng poging costumer dito sa amin pero bakit ngayon lang ata ako kumarengkeng?

Kabado akong naglakad papunta sa kinauupuan ng lalaki. Ang weird lang kasi bakit naman ako kakabahan? Pasimple pa akong huminga ng malalim noong makalapit na ako sa kaniya. Kahit nakatayo na ako sa gilid niya ay hindi naman niya inalis ang titig niya sa labas ng makapal na salamin. Kaya ayun tuloy wala sa plano kong natitigan ang mukha niya.

Mula sa pagkakaside view ng kaniyang mukha ay kita ko ang napakatangos niyang ilong, makapal na kilay, mapula at mamasa-masang labi at pati na ang mapungay niyang mata. Umawang ang labi ko sa hindi ko malamang dahilan. Mayroon siyang balbas na sa tingin ko ay ilang araw na niyang hindi inaahit. Paniguradong nakakakiliti ang mga iyon kung madadampi ito sa balat ko. Teka nga! Ang landi mo Klolox!

Napamulagat ako nung bigla siyang tumingala sa akin. Napakurap ako ng ilang beses nung masilayan ko na talaga ang buo niyang mukha. Pakiramdam ko ay yumasyas ng kaunti ang suot kong panloob. Putangina, hindi sapat ang salitang pogi at gwapo para idescribe ko kung gaano siya kaperpekto. Napakaitim ng mga mata niya at napakapungay na para bang galing lang siyang matulog. Mas lalo kong naramdaman ang pagkabog ng dibdib ko.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon