Chapter 28
"Oh can't you see you belong to me. Every move you make. Every smile you fake, I'll be watching you, Chlorine." The song is very suitable for her.
Days passed and she became more lifeless. It is like she is getting ready to die. And I don't like the emotion that I am always seeing through her eyes. Nung una ay hindi ko ito pinansin pero habang tumatagal ay mas lalo itong lumalala. If only I could read her mind I would do anything to make her feel just a little bit better.
She became more and more lonely. Dati marami siyang ginagawa kapag nasa bahay lang siya o nasa kwarto niya pero madalas ay tumutulala na lamang siya sa kanyang kisame. Like her life now depends on it. Hindi ko masabing apektado siya ng pagdedesisyon ng kurso niya sa kolehiyo pero alam ko na may malalim pang dahilan. Marami pang malalim na dahilan.
Baliw ako pero kahit kaunti ay may pakialam naman ako sa kaniya. Sa kaniya nakabase ang magiging buhay ko sa hinaharap kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang. Paano na lang ang magagandang genes ko kung hindi ko maipapasa sa susunod naming henerasyon kung magpapakamatay na siya? Ano puputulin niya agad ang love story namin?
That's why after her graduation I abducted her. Wala na akong pakialam pa. Ginawa ko pa rin ang dati kong planong ikulong siya sa puder ko. Tutal kaunti lang naman ang pagpapahalagang ginagawa sa kaniya ng mga magulang niya. I have no worries about her.
Noong dinukot ko siya ay malaki ang pasalamat ko dahil ang bilis niyang sumunod sa akin. Mabilis niya akong napansin dahil syempre naman ako ang sumama sa kaniya sa pagmartsa. I draw the attention of almost everyone in the ceremony. But my attention is only for her. Nakakaawa siya noong tignan dahil siya lang ang walang kasama. Pero ang cute pa rin niya, acting strong kahit mukhang iiyak na anong oras.
Medyo nahuli pa ako noon dahil hindi ko alam ang idadahilan ko sa pamilya ko. And that was also the day that I was planning to abduct her. Inayos ko pa ang mga preparasyon para sa magiging tirahan niya na hindi napapansin ng pamilya ko. Ang akala kong tama ang aking ginagawa ay kagagawan lang pala ng saltik kong utak. Hindi ko na makontrol ang sarili kong utak at hindi ko na namamalayan kung ano ang mga pinaggagawa ko.
Ang plano ko ay mamamatay si Chlorine sa isang aksidente. In a car crash kasama ng isang kaklase, her best friend Dira, which is may koneksyon rin sa isa ko pang kapatid, si kuya Pisces. Noong araw na iyon ay nasangkot talaga si Dira sa isang aksidente hindi ko alam kung namatay pero base naman noon sa reaksyon ng kapatid ko ay wala naman.
I don't know the whole story about those two pero iyon ang ginawa kong kwento para sa mga magulang ni Chlorine. Hindi ko alam kung puno ba ng kapareha naming magkakapatid ang bayan nila Chlorine dahil sa pagkaka-alam ko ay apat na kaming nahanap ang sariling kapareha sa bayang ito. My plan turned smoothly except sa paglala ng sira sa utak ko.
My evil mind worsened. To the fucking point that I want to hurt her for being my mate just to satisfy my urge. I want her only for myself and no one else. Not knowing that I am already hurting her severely and it was too late for me to realize.
Noong inuwi ko siya sa amin ay wala ako sa sarili ko. Puno siya noon ng sugat pero hindi ko man lang siya magamot. Blangko ang utak ko noon at walang kontrol sa sarili. Naalala ko hindi ko siya ginalaw ng halos anim na araw, ni hindi man lang ako gumalaw habang nakatitig sa kaniya. Alam ko kung ano ang ginagawa ko pero wala akong kontrol sa sarili kong katawan. At ilang araw na ang lumipas bago ko siya ginamot. Napagtanto ko rin kung anong kagaguhan ang ginawa ko sa kaniya. Pero kahit hindi ko man gustuhin ay natutuwa ako. Saltik nga talaga ako.

BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Wampiry"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN