Chapter 23

88 1 0
                                    

Chapter 23






Hindi ako mapakali. Para akong matatae at naiihi ng sabay. Kanina pa ako kating kating umuwi. Na para bang may masamang mangyayari sana naman ay wala. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ilang litro na siguro ang nainom kong tubig pero hindi pa rin napapawi ang uhaw ko. May kung ano rin sa mata ko at nag-iinit ito.

Kahit si Jarenz na mukhang may sama ng loob sa akin ay napapatingin na sa akin. Kaya kahit siguro labag sa loob niyang kausapin ako ay pinaki-usapan na ang amo naming pauwiin na ako ng maaga.

"May contact lense ka ba?" Napakunot ang noo ko sa tanong ng babaita. Nasa locker room na kami ng mga staff at tinutulungan niya akong magbihis. May hawak pa rin akong bottled water sa kamay. Pang benteng bote ko na ito simula kaninang hapon.

Mahina kong inilingan ang babae. Kaya siya naman ngayon ang kumunot ang noo. "Bakit ang pula ng mata mo? Tumira ka ba ng bato?"

"Gaga, hindi no!"

"Eh bakit ang pula ng mata mo?!"

"Namamalik mata ka lang siguro. Sige na uwi na ako, ang sama talaga ng pakiramdam ko eh. Pakisabihan na lang yung jowa mo ha?" Kita ko ang pagkagusot ng mukha niya pero hindi ko na lang pinansin. Gusto ko nang umuwi. Sa susunod na araw ko na lang siya kakausapin.

Akma na sana akong papara ng tricycle pero napatigil ako noong may napakalaking motor na humarurot sa harapan ko. Sa ilang saglit ay nawala ang nararamdaman ko sa pagkamangha. Sakay nito ang isang babaeng napaka-sexy at ang suot ay nagmumurang kulay matingkad na orange. Orange skinny jeans at fitted dark sleeve less top sa taas. Sa paanan niya ay orange high heeled leather boots. Sayang nga lang at kulay itim ang helmet at ang motor na sinasakyan niya. Kung pulos orange sana siya ay mas lalo akong mamamangha.

"Ride freaking bitch."

Napatanga ako sa kanya. "Ha?" Sino ba siya? Wala akong mahalungkat sa kukute ko na nakilala ko siya sa kung saan. Naiinis na ibinaba ng babae ang kaniyang helmet at basta na lang na isinuot sa ulo ko. Sa buong pagkakataon na ginawa niya iyon ay nakatanga lang ako sa malaperpekto niyang mukha. Hindi bagay ang salitang maganda sa kanya. Kahit mukha siyang suplada ay ang ganda-ganda pa rin.

Mas lalo kong napatunayan na isa talaga siyang suplada noong pagtaasan niya ako ng kilay. "Sasakay ka or freaking not?" Inis na inis na talaga ang mukha at boses niya kaya wala na akong nagawa kundi ang umangkas sa motor niyang hindi ko alam kung paano ko nasakyan sa sobrang taas.

Nang maayos na akong naka-upo sa likuran niya ay pina-andar na niya ang makina. Dahilan upang walang hiya akonh mapakapit sa maliit na bewang ng babae.

"S-saan tayo?" Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko na ang pag-uusisa ng ilang mga katrabaho ko at ng ilan pang mga tao sa paligid. Sa gara at ganda kasi ng babaeng ito ay malabong hindi siya mapansin kahit sa malayo. Bago paharurutin ng babae ang kaniyang motor ay narinig ko pa ang sagot niya. "Sa heaven."

Mas lalo akong napakapit sa maliit niyang bewang dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya ng aming sinasakyan. Halos hindi ko na makita ang paligid namin sa sobrang bilis. Kung hindi lang malakas ang sikmura ko ay malamang kanina pa ako nasuka.

Tinahak niya ang daan papunta sa masukal na lugar dito sa amin. Hindi na ako nakapagtanong pa sa bilis ng kaniyang pagpapa-andar. Ngayon ko lang rin naisip kung bakit ako sumama sa babaeng ito. Pero ang alam ko ay mapapagkatiwalaan naman siguro siya. Ramdam ko iyon.

Itinigil niya ang aming sinasakyan sa pinakapusod ng gubat na hindi ko alam na may ginawang sementadong daan na pala. Isang maliit pero mamahaling kubo ang destinasyon namin. Tinanggal ko ang suot kong helmet at kusa na akong bumaba at sumunod sa babae. Ang ganda niya talaga. Bawat hakbang niya ay tumatalbog ang kaniyang balakang at matambok na puwet.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon