Chapter 10
"How's your day, babe?" Gabi na pala. Gabi na naman pala. Iyan ang palatandaan ko kapag nagtatanong siya ng ganiyan.
Napahinga ako ng malalim at tamad siyang tinitigan. Kakatapos ko pa lang kumain at ngayon nga ay nakaupo ako sa kama ko habang siya naman ay nasa paborito niyang pwesto, sa bakal na upuan. Hindi ako sumagot at nakipagtitigan lang sa kanya.
Pinasadahan ko ng tingin ang hubad niyang katawan. Nakadekwatrong upo siya na akala mo kung sinong may saplot. Pormal lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilang magtaka.
Ganitong sandali kasi ay nagsisimula na siya sa pananakit sa akin. Ganitong sandali ay dapat humahagulgol na naman ako dahil sa sakit. Nawala na ako sa bilang kung gaano na ako katagal dito at kung gaano ko na katagal na nararanasan ang pasakit ng saltik na ito.
Pero kahit nawala man ako sa bilang ay wala akong mahalungkat sa isip ko na naging ganito siya kapormal. Naninibago ako sa mga tingin niyang ibinibigay sa akin. Kung dati ay para siyang isang mabangis na leon na handa akong lapain, ngayon ay iba. Ibang-iba.
Mas tumindi ang mga titig niya na para bang nakakapaso. Iba rin siya kung kumilos. Kanina nga lang ay pumitik siya sa hangin at bigla na lamang na lumantad sa aking harapan ang kakainin ko. Hindi ko na alam kung nawawala na rin ba ako sa tamang pag-iisip.
At higit sa lahat kanina pa siya singhot ng singhot sa hangin na parang may napakabango siyang naaamoy. At habang ginagawa niya ang pagsinghot ay pipikit muna ito bago niya itututok muli sa akin ang mga mata niyang nag-aalab.
"You really smell so deliciously good tonight, babe." Kagaya niyan, kanina niya pa sinasabing ang bango ko raw gayong iba naman ang naaamoy ko. Puno na kasi ng dugo ang bedsheet ng kama ko. Mayroon ako ngayon at unang araw kaya marami talaga akong nilalabas. Nababanguhan ba siya sa malansang dugo ko? Saltik nga.
Isa pa ito sa pinagtataka ko. Ang naalala ko kasi ay kapag nagkakaroon ako ay hindi siya pumapasok sa rehas, naroon lamang siya at nakatanaw sa akin. Papasok lang siya kung oras na para linisan ako kung sakali mang hindi ko iyon magawa dahil hindi ako makagalaw.
Pero ngayon hindi niya ako nilinisan. Hindi ko rin magawa dahil pilay ang dalawa kong paa. Kaya talagang parang naliligo na ako sa sarili kong dugo. Wala naman akong pake. Sanay na ako sa ganitong amoy at siste ng katawan ko ang sa akin lang ay kung bakit siya ganiyan?
Bakit siya nagkakaganiyan? Panibago na naman niya ba itong ugali? Dagdag na naman ba ito sa pasakit niya sa akin? Tangina. Gusto ko nang mamatay.
Nangunot ang noo ko nung bigla siyang tumayo at naglakad lakad sa harapan ko. Nakahawak siya sa magkabila niyang beywang at pabalik-balik ng lakad. Na para bang may kung anong gumugulo sa kanya.
Hindi na bago sa akin na makita ang pagkalalaki niya na buhay pero kahit ngayon ay parang iba rin iyon sa paningin ko. Mas lumaki, humaba at mas naging maugat iyon. Na kahit rito sa kinauupuan ko ay nakikita ko itong tumitibok. Namumula rin ang ulo nito. Kahit ang balat niya sa ibang parte ng katawan niya ay namumula.
Ano bang problema niya?
Tumigil siya sa paglalakad at tumalikod sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang malapad at makinis niyang likod. Tumaas baba ang kanyang balikat sa biglaan niyang paghingal. Ginulo niya rin ang buhok niya. Sa tingin ko ay mag kung ano siyang pinipigilan at hindi ko na gusto pang malaman iyon.
Kung wala siyang balak na saktan ako ngayon, dapat na siyang tumigil dahil gusto ko na ring magpahinga. Buong pagkatao ko ay pagod na pagod na.
BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampire"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN