Chapter 6

229 5 0
                                        

Chapter 6

Bumaba na kami ng hagdan ng stage at mukhang doon lang rin natauhan ang mga madla sa paligid. Nagsimula uling magtawag ang emcee. Pero ang tingin ng lahat ay nasa katabi ko pa rin. Kahit rin naman kasi ako ay ganoon rin. Hinatid niya ako hanggang sa upuan ko. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago naglakad paalis. Papunta sa kumpol ng mga taong nanonood ng graduation pero nasa kanya rin ang mga mata.

Nung mawala siya ay napakurap ako. Anong nangyari?

Kinalabit ako ng katabi kong bagong rebond. "Sino yun? Kuya mo o kaya pinsan mo? Grabe ang gwapo nun ha! Tsaka mukhang yayamanin at mukhang napaka-yummy rin! Grabe, pakilala mo ko!"

Hanggang sa lahat ng katabi at nakapalibot sa akin ngayon ay nakiusyoso na rin.

"Ang gwapo nun!"

"Mukhang mayaman rin!"

"Grabe, Chlorine hindi mo sinasabi sa aming may kapamilya ka pa lang ganoon!"

"Ang lalim ng dimple!"

"At saka tingin pa lang mahuhubaran ka na ng panty! Wala na nga yung sa akin eh!" Napasimangot ako.

Dadak sila ng dadak pero wala naman akong pake. Papalagpasin ko na lang muna ang pagtawag ng kung sino sa akin ng una kong pangalan.

Hanggang sa matapos ang program ay lumilipad ang utak ko.

Sino ang lalaking iyon? Kailangan ko siyang makita ulit at matanong. Sino siya para ipagmartsa ako't sabitan ng medal?

At saka ano yung sinasabi niyang hubby?

Habang nagpapapicture kaming lahat roon ay hinahanap naman ng mga mata ko ang lalaki. Napakaraming kumpol ng mga tao ang naririto kaya nahirapan akong mahanap. Mukhang nanay ko lang yata ang hindi pumunta sa buong lugar namin.

Nung matapos ang lahat ng kaartehan ng adviser at mga kabatch mate ko ay nagsimula na akong suyurin ang buong school. Wala akong mahanap na lalaking may dimple kahit saan ko itingin ang mga mata ko. Wala na rin akong pake sa bestfriend kong tinatawag ang pangalan ko.

Dali dali akong lumabas ng campus at naghanap roon. Kahit sa labas ay napakaraming tao. Kaya mas lalo akong nahirapan. Kaya sa huli ay hinanap ko na lamang ang tricycle na inarkila ni Mama.

Pasalamat na lamang ako sa lalaking may malalim na dimple at may mga ngiting nakakalaglag ng panty. Putragis. Dahil sa kanya hindi ako masyadong napahiya. Mukhang naagaw pa nga niya ang atensyon ng lahat kanina.

Pero sa totoo lang sino ba talaga iyon?

Nung hindi ko rin mahanap yung tricycle ay nagpasya na lamang ako na bumalik sa loob at puntahan ang kaibigan ko. Baka awayin pa ako nun.

Hahakbang na sana ako pero hindi ko na nagawa nung may tumigil na mamahaling sasakyan sa harapan ko. Nakakaagaw ito ng atensyon dahil sa sobrang kinang. Kahit siguro dilaan mo ang sasakyan ay pwedeng pwede.

Bumukas ang pintuan sa backseat na katapat ko lang rin. Halos pagtinginan na ako at ng sasakyan ng mga tao kaya napalunok na ako ng isang katerbang laway.

Mula sa bukas na pintuan ng backseat ay natanaw ko ang lalaking nakakapagpalaglag ng panty at may pamatay na dimples. Nakadekwatrong nakaupo roon habang nakabaling sa akin.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon