Chapter 22
"Anak ko po."
Nasa hapag na kaming lahat kasama ng mga bata. Kung naandito siguro sina Papa ay hindi kami magkakasya rito sa maliit naming mesa. Sa dalawang lalaki pa lang kasi ay parang ang sikip na nito sa kanilang dalawa. Pero mukhang wala naman silang pakialam.
Napatango si Mama at sumubo ng pagkain niya. Nasa kabisera si Mama at ako ang katabi niya sa kaniyang kanan habang ang magkakapatid naman ay magkakatabi din. Nasa kaliwa ni Mama si Kuya Cancer na katabi si Ate na parang wala na namang pakialam sa mundo.
At si Pionne ay nakakandong sa akin. Si Lucy naman ay ganoon rin sa Dada niya dahil hindi na talaga magkakasya kung papaupuin pa sila. And in short magkatabi kami ni Sir na parehong may kandong.
"Napakagandang bata, may kamukha siya. Naalala ko ganiyan rin ang mukha niya noong nasa ganiyan rin siyang edad." Saad niya habang matamang nakatingin kay Lucy na maganang kumakain kagaya ni Pionne. Parang nagtatagisan ang dalawa. Hindi tuloy kami makakain ng maayos ni Sir kasi sila lang talaga ang kumakain sa sarili naming pinggan.
Pero sino kaya yung tinutukoy ni Mama?
Hindi na ako nag-isip pa at kumain na lang ng tira ni Pionne. Ang ulam ay sinigang na karne at puno ito ng gulay. Ang sarap talaga magluto ni Mama.
"Nasaan ang asawa mo kung may anak ka na, hijo?"
Napatigil ako. Nang tumingin ako sa kaharap ko ay napatigil din ito sa pagsubo ng kaniyang pagkain. Hindi ko lang alam kung bakit kakaiba ang paraan ng pagtitig sa akin ni Kuya Cancer. Nang lumingon naman ako kay Ate ay sa akin rin ang tingin nito pero umiwas rin kaagad at pinagpatuloy ang kaniyang pagnguya.
At nang tumingin ako sa aking katabi ay seryoso lamang itong nakatitig sa ulo ng kaniyang anak. Pakiramdam ko ay parang mas sumikip pa ang paligid namin rito sa kusina dahil sa tanong na iyon.
"Are you done eating, baby?" Imbis na sagutin ni Sir Scorpio ang tanong ni Mama ay tinanong naman niya ang anak niya na nagpupunas na ng bibig. Mahinang tumango ang bata. "Yes po." Hinalikan niya sa noo ang anak niya niya at binalingan saglit si Pionne.
"Go play with your Kuya Pionne. We're just gonna talk some serious things here, is that ok?" Mabilis namang bumaba sa kandungan namin ang dalawa at nanakbo papunta sa salas ng bahay namin. Habang ako naman ay biglang inatake ng pagka-ihi. Hindi ko na mapigilan kaya nanakbo na rin ako palapit sa banyo na ilang tambling lang naman ang layo sa kusina namin.
Pero bago ako makaalis sa hapag ay nasulyapan ko pa ang panliliit ng mga mata ni Ate Gem sa akin. Ang bastos ko siguro kasi bigla bigla na lang akong tumayo. Pero hindi ko na kasi talaga matiis eh. Sasabihan ko na lang siya mamaya.
Nang mashoot ang puwet ko sa inidoro ay sakto namang narinig ko ang boses ni Sir. Yun tuloy paputol putol ang paglabas ng ihi ko. Kainis.
"Nasa puder po ng mga magulang niya kasama po ng isa ko pang anak na lalaki."
Napatigil ako sa paghinga, may napansin akong kakaiba sa pananalita ni Sir. Hindi ko lang mawari kong seryoso ba siya kasi parang nawala ang pagiging magalang ng kaniyang tono. Tapos na ako sa pag-ihi pero di ko alam kung lalabas pa ba ako sa banyo namin.
"Bakit? Hindi ba at may anak na kayo, bakit magkahiwalay pa kayo ng tinitirahan?" Saad ng nanay ko na umiba rin ang tono ng pananalita. Kahit sino siguro ang makakarinig ng palitan ng pananalita nila ay malalamang may galit ang dalawa sa isa't isa.

BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampir"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN