Chapter 19

136 2 0
                                        

Sorry sa late update.

Chapter 19






Ang unang pumasok sa utak ko noong magising ako ay kung bakit ang sakit ng ulo ko. Tapos naalala ko, galing pala ako sa inuman kagabi. Hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Kasi hindi ko naman bahay ang nauwian ko. Putaragis. Nawala ang sakit ng ulo ko kanina noong makita ko ang paligid ko.

Malaking kama ang hinigaan ko at talaga namang sobrang lambot nito, may pakurtina pa na parang yung kagaya sa mga mayayaman basta ganoon. Hindi naman masyadong kalakihan ang kwarto pero unang tingin ko palang ay alam ko nang isang mayamang lalaki ang nagmamay-ari nito. Paano ko nasabing lalaki? Kasi pang lalaki ang vibes at yung pagkaka-ayos ng mga gamit lalaking-lalaki. Kulay gray lahat ng nakikita ko pero parang ang lungkot lang. Napakasimple.

Teka lang. Nanlaki ang mga mata ko at napakapkap sa katawan ko. Hindi na yung itim na dress ang suot ko kundi isang puting bestida na. Naroon pa naman ang mga panloob ko pero sino ang nagbihis sa akin?! Napalunok ako at pinilit kong tumayo sa pagkakaupo sa kama. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bukod sa masakit kong ulo ay wala naman ibang masakit sa akin kaya safeguard pa ako.

Hinagilap ko ang paligid nang masamyo ko ang aroma ng pagkain. Parang ang sarap! Kaagad kong tinungo ang pintuan ng kuwarto at marahang binuksan iyon. Bumungad sa akin ang isa pang pinto at isang pasilyo. Kumiling ang ulo ko habang nakatingin sa pinto, pambatang babae kasi yung istura nito. Sa katabi nito ay may isa pang pinto at iyon naman ay panglalake base sa kulay. Sa kanan ko ay may narinig akong kalampag sa kusina kaya marahan uli akong naglakad papunta roon.

May limang taludtod ng hagdan ang binaba ko bago ko nasilayan ang isang malapad na likod at matambok na pang-upo. Umawang ang labi ko. Ilang saglit akong naglaway sa tanawing nasa harapan ko nang swabeng lumingon ang pinagpala sa tambok ng puwet.

"Good morning." Saad nito at parang tumigil ang mundo ko. Ang gwapo tangina. Sino nga bang diyos ay este lalaking ito? Ahh siya yung nagbigay sa akin ng 100 000 pesos!

Napaayos ako ng tayo at kime siyang nginitian. "M-magandang umaga p-po." Pinilit kong huwag ibaba ang tingin sa matigas niyang kalamnan. Alam mo namang may walong pandesal roon pero huwag ka namang maging atat, Chlorine!! Pero shuta, walo nga!

Pasimple akong huminga ng malalim at hinagilap ko ang paligid. Nakadinig ako ng mahinang tawa ng lalaki pero dedma na lang. Tinuloy ko ang pagmasid sa paligid namin. Pati kusina ay napakasimple. Parang nakakarelax magluto rito. Bawas rin sa paglilinis kasi kulay gray ulit yung theme rito.

"Maupo ka, ihain ko lang ito saglit." Saad ng lalaki kaya mabilis akong sumunod. Yung mesa niya ay sakto lang sa apat na tao. May nakahandang dalawang tasa roon kaya kinuha ko na yung isa. Umuusok pang kape iyon na agad kong hinigop para mawala ng kaunti ang kabangagan ko. Nakakahiya kasi sa lalaking pinagpala.

Habang humihigop ako ay nasa likod ng lalaki ang tingin ko. Nakakapanibago lang. Kasi kanina lang ay halos atakihin ako sa puso noong una ko siyang mabungaran pero ngayon ay sakto na lang. Lumalabas ang mga masel sa likod niya kahit sa simpleng paggalaw niya lang.

Ilang saglit pa ay hinain niya na nga ang kaniyang mga niluto. Bacon, hotdog, itlog at sinangag yung niluto niya. At may pa pancake pa siya na may chocolate syrup. Grabe. Tuloy ay naglaway ako bigla. Abala siya sa pag-aayos ng kaniyang niluto habang ako naman ay abala sa paninitig sa patag niyang tiyan-ay este sa paghihintay na matapos siya. Nakakahiya naman kasi kung basta na lang ako kukuha ng pagkain. Hindi naman ako matakaw eh.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon