Chapter 14

104 2 0
                                    

Chapter 14



Gemini's Point of View

Maswerte kong nailigaw ang magaling kong kapatid upang hindi niya mahanap ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Nanghihina ang katawan nito dahil sa pagkaripas ng takbo kanina makalayo lamang sa may sirang utak kong nakababatang kapatid.

"T-tulong. . ." Saad nito sa nanghihinang boses. Hindi ko mapigilan ang maawa sa kaniya. Alam kong may itinatago ang kapatid ko sa loob ng ilalim ng aming pamamahay at tanging ako lamang ang nakakaalam noon maliban sa kaniya.

Hindi ko gustong makialam sa buhay ng kapatid ko pero hindi na ako makatiis lalo na noong makita ko siya kanina habang nasa teresa ako ng aking kwarto. Duguan at ang tanging saplot ay ang sapin ng kama habang kumakaripas ng takbo. Rinig na rinig ko ang kaniyang hagulgol.

Magaling rin talaga ang babaeng ito at nabuhay siya ng matagal na panahon sa ilalim at nakaya niya pang tiisin ang pasakit ng kapatid ko. Biruin mo at limang taon ang nasayang sa dalagitang ito dahil lang sa kasaltikan ng kapatid ko. "Poor you."

Hindi na siya nakasagot nang tuluyan na siyang bawian ng lakas. Marahan akong lumapit sa kaniya at inalis ang aking kapa. Ipinalibot ko sa kaniyang katawan ito at marahan siyang kinarga. Wala akong lingong likod at nagpatuloy lamang sa paglalakad hanggang sa marating ko ang sasakyang nakahanda sa dulo ng kagubatan. Naroon ang dalawang lalaking nakaabang sa pagdating ko. Nang maramdaman ako ng isa ay agad itong naglakad palapit sa akin upang kunin ang dalagang nasa mga bisig ko pero hindi ko ibinigay ang babae. Sinenyasan ko na lamang siya upang buksan ang backseat ng sasakyan.

Habang nasa loob ako ng kotse ay karga ko pa rin ang dalaga. Hindi mapigilan na pagmasdan ang kaniyang mukha. Kakaiba ang putla ng kaniyang balat at hindi ko na maramdaman na isa siyang mortal. Napabuga ako ng hangin. Kaya naman pala nagawa niyang makatakas. Nasisiguro kong nanghihina ang kapatid ko sa mga oras na tumakas siya. At nasisiguro kong naibigay na ng kapatid ko ang kaniyang marka sa babaeng ito kahit wala na ang sugat sa kaniyang leeg.

At isa pa hindi manghihina ang kapatid ko at hindi siya matatakasan ng babae niya kung hindi niya pa naibigay ang marka niya.

Habang nasa biyahe ay patuloy lamang ako sa paghinga ng malalim. Pinag-iisipan ko kung paano ko sasabihin sa mga magulang niya ang pangyayaring ito. Ang alam kasi nila ay nasa mabuti itong kalagayan na siyang gawa-gawa ko lamang para ibahin ang naunang pakulo ng kapatid ko. Ang mga magulang ng dalagang ito ay masasabi kong malapit sa pamilya namin kahit mortal sila. Pinagkakatiwalaan sila ng mga magulang ko at ganoong rin sila sa amin kaya hindi ko pwedeng sirain ang tiwalang iyon.

Pero wala naman na siguro silang magagawa kung ako na ang makaharap nila. Bahala na. Tatakutin ko na lang siguro.

Ilang saglit pa ay narating namin ang isang mansyon sa gitna ng kagubatan. Pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa kasama ko ngunit hindi ko pa rin ibinigay ang dalaga. Karga ko ito hanggang sa makapasok ako ng kabahayan at maisilid sa isang kwarto ang dalaga. Napakarungis ng itsura niya at puno ng sugat ang katawan niya. Nakakaawa ang salita para sa kaniya. Pero kahit nakakaawa ay masasabi kong napakaganda niya.

Naupo ako sa tabi niya at mas pinagmasdan pa ang kaniyang mukha, inalis ko lamang ang titig ko sa kaniya noong may pumasok sa loob ng kwartong kinasasadlakan namin.

Taka niya akong tinitigan at ang dalagang katabi ko. Siya ang nagmamay-ari ng bahay na pinasukan namin ng walang paalam. Sanay na siya kaya hindi na niya magawang magreklamo. "Sino iyan?"

Hindi ko siya sinagot. "Kumuha ka ng malinis at maligamgam na tubig. First aid kit na rin para magamot ko siya." Saad ko at simimulan ang pag-alis ng kapa kong nakasuot sa katawan ng dalaga. Nang maramdaman kong hindi niya pa rin ako sinusunod ay marahan ko siyang nilingon. Nakatitig lamang siya sa mukha ng dalaga na talaga namang hindi ko nagustuhan.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon