Chapter 7
ISANG lalaki ang bigla na lamang na sumulpot sa isang madilim at mahabang pababang hagdan. Karga ang isang babaeng walang malay sa kanyang bisig. Puno ito ng sugat sa kanyang katawan at duguan rin.
Ang mga yapak ng lalaki ang tanging maririnig sa paligid. Diretso ang maitim at walang emosyong mga mata nito sa kanyang dinaraanan.
Walang ilaw sa paligid ngunit nakakapagtakang nakikita niya ang daan. Matapos ang mahabang pagyapak ay narating niya ang isang masikip at mahabang pasilyo. Kanya itong binagtas at walang pakialam kung nakakatama ang ulo ng babae sa pader.
Kanya lang itong titignan at pagkatapos ay babalik ulit sa paglalakad. Ilang ulit pang tumama ang ulo ng dalaga sa pader bago tumigil ang lalaki sa isang kwarto. Hindi, isang rehas.
Dahil sa ilang ulit napagtama ng ulo ng dalaga sa pader ay dumudugo na ito. Sa sobrang pagdurugo ay pumapatak na ito sa sahig ng pasilyo. Ngunit wala pa ring paki alam ang lalaki.
Mataman lang itong nakatingin sa rehas na nasa unahan. Na para bang mabusisi niya itong pinag-aaralan.
Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang rehas. Ang nakakainis na tunog nito ang maririnig sapagkat kinakalawang na ang mga bakal nito.
Nang tuluyang bumukas ito ay marahan muling naglakad ang lalaki at pumasok roon. Napakadilim sa paligid ngunit kung gagamitin ang mga mata ng lalaki ay nakikita niya ang isang maliit at lumang kama roon. Maliit na mesa at upuan, maliit na espasyong banyo.
Marahang inilapag ng lalaki ang dalaga sa kama na naroon. Inayos niya ang pagkakahiga nito at pagkatapos ay tinitigan nito sa mukha ang babae. Walang emosyong mababakas sa kanyang mukha.
Ilang saglit pa ang lumipas at marahan itong lumapit sa babae. Kanyang hinawakan ang kwelyo ng suot ng dalaga at walang pasabing hinati ang dress na suot nito. Pati na ang suot nitong panloob ay marahas niyang hinaklit hanggang sa magkapunit-punit.
Nang wala nang matirang saplot sa dalaga ay kanya naman itong kinarga at pagkatapos ay inilapag sa malamig na sahig ng rehas.
Umayos ito ng tayo at nagsimula ring maghubad hanggang sa wala na rin siyang saplot at pagkatapos ay tinabihan niya ang dalaga. Subalit hindi niya ito hinawakan. Walang emosyon niya lang itong pinagmasdan ng malapitan.
Matagal. Napakatagal. Araw ang lumipas nang nakahiga lamang silang dalawa roon. Walang ibang ginawa ang lalaki kundi iyon. Hindi siya natulog o ni ipikit man lang kahit saglit ang mga mata niya. Ni hindi man lang niya ginamot ang mga sugat ng dalaga.
Limang araw at limang gabi ang lumipas.
Doon lamang nagising ang babae. Dumadaing ito sa sakit at sugat na tinamo ngunit kahit ganoon ay nagawa pa rin nitong hagilapin ang paligid. Kahit wala itong makita dahil sa sobrang dilim.
Samantalang naroon lamang ang lalaki. Umusod siya ng kaunti upang hindi siya makapa ng babae. Wala siyang ginawa kundi ang tignan ang babae habang mahina itong humihikbi at tuluyang mawalan na naman ng malay.
Pagkatapos nun ay marahang tumayo ang lalaki. Pati siya ay nanghihina na rin. Pero sa uulitin ay wala pa rin itong pake. Kinarga niya ulit ang babae at inilapag na sa maliit na kama roon.
Hinagilap niya ang dati niyang suot at kinuha sa bulsa niya ang dalawang syringe. Ang isa ay kanyang itinusok sa kanyang sarili at ang isa naman ay sa babae.
BINABASA MO ANG
IMPRISONED
مصاص دماء"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN