Chapter 5
Napakasarap ng tulog ko. Hindi ko alam kung bakit. Gayong takot na takot ako kagabi sa depungal na mga scorpions. Ang buhay ko talaga minsan weird.Linggo ngayon kaya alam kong wala akong gagawin sa buong maghapon kundi ang tumunganga. Hindi naman kasi kami nagsisimba. At hindi na rin kami masyadong malapit sa Diyos. Huwag mo nang alamin kung bakit.
At tulad ng sinabi ko nagkulong nga ako sa kwarto ko maghapon. Lumabas lang ako nung kakain na. Nung sumapit naman ang gabi ay natulog ulit ako kahit galing palang akong matulog maghapon.
Sumapit ang lunes at wala namang kakaibang nangyari sa akin. Hanggang sa mabilis na lumipas ang panahon ng hindi ko man lang namamalayan. Naging tutok ako sa klase at mas binigyang pansin pa ang pag-aaral ko.
At dalawang araw na lang nga ay gagraduate na ako. Narito ako ngayon sa school para magpapirma ng clearance. Mamayang hapon rin ay magpapractice ulit kami sa pagmartsa.
Napahinga ako ng malalim nung lumabas ako sa opisina ng huling teacher na nagpirma sa clearance ko. Kasama ko ngayon si Dira na dada ng dada. Hinayaan ko na lang siya dahil wala naman ako sa mood para makipagsabayan sa bunganga niya.
"Anda saan ka mag-aaral?, ako mukhang luluwas ako ng Maynila at doon titira sa kapatid ng Papa ko." Yun pa nga ang isa sa pinoproseso ng utak ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa talaga alam. Hindi ko alam kung ano ba ang kukunin kong course. Galit na pareho sa akin sila Mama at Papa dahil hindi pa ako nakakapagdesisyon.
Liningon ko ang kaibigan ko. "Ewan, siguro kahit saan na lang at kapag mag-eenrol na ako doon ako pipila sa kaunti lang ang may interes. Basta, bahala na kung ano yung makuha ko." Balewala kong saad at umupo sa bench na nadaanan namin.
Narinig kong huminga siya ng malalim at umupo sa katabi ko. Muli na naman kaming tumunganga roon sa field na para bang naroon ang lahat ng kasagutan ng mga tanong sa isipan namin.
Hindi ko na rin kasi alam sa sarili ko kung bakit wala pa akong napipili. Para kasing may mangyayari sa buhay ko na pinipigilan akong makapagpili at makapagdesisyon sa buhay at sa kung ano ang nais kong gawin.
Basta hindi ko ma-explain.
Pagsapit ng hapon ay nagpractice nga kami sa pagmamartsa. Wala akong gana habang naroon ako sa gymnasium. Bakit pa kasi pinapractice ang ganoong pangyayari sa buhay natin? Ibig sabihin lang nun ay wala nang excitement kapag naroon ka na sa sitwasyon. At saka napakasimple lang naman ng gagawin bakit pa kailangang praktisin iyon?
Umuwi ako ng bahay na sabog. Sa mga nakalipas na araw at linggo. Hindi na ako ginambala ng adik. At malaki talaga ang pasalamat ko dahil roon. Naging tahimik na rin kasi ang utak ko.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan ko si Mama na nakaupo sa sofa namin habang nanonood ng tv. Napahinga ako ulit ng malalim nung makita ko na naman sa kamay niya ang ilang butil ng asin. Kinukuha niya iyon isa isa at isinusubo sa bibig niya na para bang isang candy.
Hindi na ako magtataka kung ang pangalan ng kapatid ko ay Iodine. Isang buwan ng buntis si Mama. At masasabi kong gumanda at mas lalong tumaray ang mukha niya. Hindi halata sa kanya na malapit na siyang maging singkwenta.
Tumingin ang mataray nitong mukha sa akin mula ulo hanggang paa. Mas lalong nagusot ang mukha nito. "Ang pangit pangit mo, Chlorine." Napangiwi na lang ako.
Dumiretso ako sa kwarto ko. Ilang minuto akong tumunganga roon bago nagbihis ng damit. Lumabas ako ng kwarto ko at naabutan ko pa rin si Mama na nakaupo roon. Napailing na lang ako. Simula ng magbuntis si Mama, naging tamad na siya. Hindi na lang namin iyon pinansin ni Papa dahil parte raw iyon ng pagbubuntis nito. At mukhang lalaking tamad ang kapatid ko.

BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampire"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN