Chapter 21

119 2 0
                                        

Chapter 21




"Anong ginagawa mo dito, Sir?"

Matapos magkakilala ang dalawa ay agad kong sabi. Nakakapagkataka lang kasi na ang kagaya niyang isang mamahalin ay naandito sa tiyangge. Tiningala niya ako pero nagpahabol pa ng paggulo ng buhok ng bata ang ginawa niya bago siya tuluyang tumayo.

Hindi ko mapigilan ang mamangha. Hindi kasi nagreklamo ang bata, kahit kasi ako kung gagawin ko iyon ay baka nakatikim naman ako ng hampas mula sa maliit nitong kamay. Himalang napakabait ni Pionne kay Sir. Nahalata ko rin na kanina pa siya titig na titig sa lalaki na para bang manghang mangha siya rito. Parang ako lang.

Tumayo ang lalaki at kami naman tumitingala ngayon. Pumamulsa siya sa harapan namin ng bata at matiim kaming pinagsalitan ng titig. "Scorpio." Napakurap ako. "Ha?" Sabihan ba ito ng Zodiac signs? Bakit hindi ako na-inform? Ako rin eh, Scorpio. Ay, malapit na pala birthday ko.

"My name is Scorpio." Muli akong napakurap at napaisip. Introduce yourself pala ito, gagi. Sasabihin ko pa ba kaya yung pangalan ko? "Like yung Zodiac sign?" Mahina siyang tumango sa akin pero hindi pa rin inaalis ang matiim na titig sa aking mukha. Pasimple akong nagpunas sa mata at mukha. Baka kasi may kung ano na pala roong dumi kaya titig na titig siya sa akin.

"Wow. Ang unique." Pilit akong napatawa ng mahina. Bihira kasi ang may ganoong pangalan sa mundo. Talagang walang magiging kapareho. Parang pangalan ko, ni Kuya at ni Pionne.

Dapat ganito na yung mga pinapangalan ng mga nagkakaanak para hindi na paulit-ulit ang mga pangalan. Nakakasawa na kayang pakinggan, diba? Dapat walang kagaya, dapat nag-iisa lang. Dapat kagaya ng Chlorine, Gasoline, Scorpio, Scorch Pionne . . . Scorch Pionne? Teka, bakit parang medyo malapit sa Scorpio?

"Galing kayo magsimba?" Boses ni Sir Scorpio ang pumukaw sa naglalakbay kong diwa. Na para bang isang boses ng isang anghel na galing sa langit na siyang nagbigay liwanag sa madilim kong mundo. Echoss, parang baliw 'to! Anyway. Para hindi na maging akward ay mahina ko na lamang siyang nginitian at tinanguan. "Hmn."

"Gabi na, may sasakyan ba kayo? Kung wala ihahatid ko na kayo." Tinuro niya ang halos limang tumbling na layong sasakyan niya. At sa totoo lang ay hindi iyon nababagay sa lugar. Pinagtitinginan ito ng bawat taong dumaraan at ang iba ay nagpapapicture pa. Sino ba naman kasi ang magdadala ng isang sportscar sa tiyangge? Malamang si Sir Scorpio!

Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon niya na lamang ako kabilis na binigyan ng 100 000 pesos! Barya lang yun sa kaniya eh!

Kandailing ako sa kaniya at mabilis na hinablot ang kamay ni Pionne na hindi na mapatid ang pagkamangha sa sasakyan. "Ay, huwag na po, sakay na lang po kami sa tricycle."

Medyo nahihiya na kasi ako at nawawala na ang kakapalan ng mukha ko. Ano na lang ang sasabihin ng asawa niya kung ganito siya kabait sa akin? Baka mapagkamalan na talaga akong anay, alam mo yun? Iyong sumisira ng mga tahanan? Ayaw kong maging ganoon. Kasi hindi ako pinalaki ng mga magulang ko ng ganoon. Kahit hindi ko ramdam kung pinalaki nga ba talaga ako ng mga magulang ko.

Nanlaki ang mga mata ko nung alisin ni Pionne ang mahigpit na pagkakakapit ng kamay ko sa kaniya. Pumameywang ito sa harap ko at matapang na tumingala. Pinanlakihan ko siya ng mga mata para pigilan sa kung ano mang masama niyang balak pero waepek!

"Klolox, ang pabebe mo. Kung ayaw mo sumakay bahala ka basta ako sasakay kay Scorpio." Nanghahaba ang mga nguso nito at halos magkabundol na ang mga kilay. Ako naman ay halos umusok na ang ilong sa inis at kahihiyan dahil sa kaniya.

"Pionne!" Tanging pag-irit lang ang nagawa ko kasi nakakahiya na talaga kung makikipagsabunutan pa ako sa bata sa harap ng lalaking hindi ko alam kung naaaliw ba sa amin o kung ano lang. Prente lang itong nakatayo at nakapamulsa habang nagmamasid sa bardagulan namin.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon