Chapter 8

115 2 0
                                    

Chapter 8

Hindi ako makagalaw, nanghihina ang katawan ko. Anong laban ko? Anong laban ko sa adik na putangina habang nakatingin sa akin? Nakayuko pa rin ito pero kitang kita ko naman ang mas lalong paglawak ng mga ngisi nito.

Ito na ba ang katapusan ko? Ang saklap naman. Ni hindi ko man lang na enjoy ang buhay ko. Wala naman akong tinapakang tao pero bakit ang pangit naman ata ng kapalaran ko. Kung papatayin man siguro ako nitong adik na ito, malamang bungo na lang ang natitira sa akin bago pa ako matagpuan ng mga magulang ko.

Mas lalo akong naiyak nung maisip ko sila Mama. Hinanap na kaya nila ako? Umiiyak ba ngayon si Mama? Si Papa kaya? Ni hindi ko man lang siguro makikita ang bunso kong kapatid. Si Kuya. Paano kaya kung nahanap na nila si Kuya at sakaling hanapin kung nasaan ako? Si Dira. Hindi ko man lang masisilayan ang mga taong mahal ko bago ako mamamatay. Putanginang buhay ito.

Natigil ako sa pamamaalam ko sa pamilya ko nung marinig ko ang mahinang paghagikgik ng adik. Mas lalo akong naiyak.

Ang mahinang pagahagikgik nito ay lumakas at naging hagalpak. Sa sobrang pagtawa niya ay tumataas baba na ang kanyang balikat at maya maya lang ay naupo na ito sa sahig habang gumugulong gulong sa kakatawa. Baliw. Isa siyang baliw. Dahilan para mas lalo akong matakot. Hindi lang siya adik kundi baliw din. Wala na talaga akong pag-asang mabuhay at makatakas pa rito.

Naaawa na ako sa sarili ko. Puta.

Tumutulo pa din ang luha ko at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga ito. Dibale na mamamatay na rin lang naman ako. Tatanggapin ko na lang. Ito na talaga ang binigay sa aking kapalaran ng tadhana. Dapat talaga nagpahula na ako sa matandang manghuhulang nag-alok sa amin ni Dira dati para naman hindi na ako nabigla ngayon. Edi sana may pagkakataon pa akong maiwasan ang mga pangyayari ngayon.

Nasa huli talaga ang pagsisisi. Bakit hindi na lang naging nasa unahan iyon?

Tumigil sa pagtawa ang hinayupak at sumalampak lamang ng upo roon sa sahig habang nakaharap sa akin. Hindi man lang siya nahiyang ibalandra ang pagkalalaki niyang pagkalaki-laki. Ito din pala ang kauna-unahang pagkakataong nakakita ako ng ganoong bagay. Sulit rin pala ang buhay ko. At least sa mga huling sandali ng buhay ko ay nakakita na ako ng tite, at hindi lang isang simpleng tite iyon. Sobrang haba at laking tite. Partida, hindi pa iyon buhay. Paano pa kaya kung mabuhay na? Hay, hindi ko maisip.

Kung sakali mang mapasukan ka siguro nun, titirik talaga ang mga mata mo. Hindi sa sarap kundi sa sakit ng pagkawarak mo. Nakakapangilabot.

Ano ba itong mga lumalabas sa isip ko? Ganito ba talaga kapag malapit nang mamatay? Saan kaya ako mapupunta? Sa langit ba? Sa impyerno? O sa purgatoryo?

Wala na akong pake. Bahala na.

Tumayo ng marahan ang lalaking adik at tumunog ang nakakarinding bakal na kinakalawang at pagkatapos nun ay dahan dahang naalis ang mga bakal na nakaharang sa harapan ko.

Ito na ba? Papatayin niya na ba ako? Mamamatay na ako.

Ang walang saplot na adik ay marahang naglakad papalapit sa akin. Ang mga mata niya ay sa akin nakatuon. Marahil ay papatayin niya na nga talaga ako.

Nang makalapit siya sa akin ay humalukipkip ito at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Wala na akong panahon para mahiya at takpan ang aking kahubaran, mamatay na rin naman ako kaya wala na ring saysay pa iyon.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon