Chapter 33
"KAILANGAN niyo nang magsama." Iyon agad ang bungad sa amin ni Ate Gemini kinaumagahan. Kakauwi lang namin ng lalaki sa mansion dahil doon kami nagpalipas ng magdamag. Ano bonding lang ba, kayo naman masyadong OA.
"Maayos naman na kayo, hindi ba?"
Napatingala ako sa lalaking nasa gilid ko. Ngayong naliwanagan na ako sa kung ano man talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko ay kailangan ko na rin talagang sumunod sa utos ng nakakatanda niyang kapatid kung gusto pa man naming makasama ang dalawang bata ng mas matagal pa.
Sa mundo kasi ng mga bampira ay mayroong nag-iisang batas. Kapag nahanap na ng isang bampira ang kaniyang kapareha at naibigay na niya rito ang kaniyang marka ay kailangan na nilang mag-isang dibdib sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi pareho kayong papatayin. Sa kaso namin ay mag-aapat na taon na kaming nakatengga. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Ate na mauubusan na kami ng oras. Sa pagkakaalam ko kasi ay matagal na kaming minamatahan ng mga matataas ang katungkulan sa mundong ito.
"I am just restraining the higher ups that is why you all have lived this far." She could restrain the powerful higher ups? Ganoon ba talaga siya kamakapangyarihan sa mundong ito? Sino ba talaga ang babaeng ito? Kita ko ang pagtango ng lalaki sa kaniyang kapatid. "Bukas na bukas rin, Ate."
"That's good." Sang ayon naman nito.
"Agad agad?" Sabat ko rin pero agad kong naikipot ang aking bibig noong tignan ako ng napakalamig na mga mata ng Ate. Kahit walang emosyon ang mga iyon ay nakakatakot pa rin talaga.
"Apat na taon kana naming pinagbigyan sa pagpapakipot mo, Andalucia, tama kana."
Namin? So alam pala talaga ng lalaking ito ang lahat ng sekreto ko? Naman, kahit kailan talaga ay dapat hindi pagkatiwalaan ang babaeng nagngangalang Gemini.
Kinabukasan nga ay naririto na nga ako at nag-aayos para sa idadaos na seremonya maya-maya lang.
"Akala ko ba hindi ka makikipag isang dibdib sa kaniya?" Boses ng babaitang nag-aayos sa buhok ko. Ayaw ko na sana ng ibang mag-aabala sa akin sa pag-aayos ko ang kaso ay mapilit siya. Tamad ko siyang tinignan mula sa salamin. "Akala mo lang nga diba?"
"Jombagin kaya kita."
Pakikipag isang dibdib. Kumbaga sa mga tao, kasal. Sa lahi ko naman ngayon ay parang isang seremonya kung saan itataga ninyo pareho sa isa't isa na magsasama kayo habang buhay. Kasal nga diba. Hindi ko talaga akalain na kakainin ko lahat ng mga sinabi ko noon. Ni sa panaginip ay hindi ko ninais na darating ako sa puntong ito ng buhay ko. Tadhana nga naman masyadong mapaglaro.
"Anda, paano mo iyon na kaya?"
"Ang alin?"
"Alam mo na." Napahinga ako ng malalim at nag-isip sandali. Nang walang pumasok sa isip ko ay nagkibit balikat na lamang ako.
"Hindi ko alam."
"Paano mo siya nakayang mahalin?"
Napalabi ako at muling nagkibit balikat.
"Hindi ko rin alam."
Hinampas ng babaita ang likod ko. "Lahat na lang ba hindi mo alam? Baliw ka ba?"
Mahina akong napatawa sa inasta niya.
"Crazy people does not know that they are crazy. People that are in love does not know that they have fallen unless they have already felt the impact of gravity. Kagaya ko, hindi ko alam na baliw na pala talaga ako simula noong ibigin ko siya."
BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampirgeschichten"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN