Chapter 3
Kawirduhan ko lang daw iyon sabi ni Mama. Hindi ko alam kung ano yung papaniwalaan ko. Kung si Mama ba o ang sarli ko. Hanggang ngayon hindi ko pa talaga alam. Ilang araw na ang lumipas ng mangyari yung 'kawirduhan' ko kuno sabi ni Mama.
Simula nun parang linilipad ko na palagi ang daan. Praning na ako. Hindi na ako umuuwi ng walang kasabay na kapwa ko mga estudyante. Naging alerto na rin ako sa mga nagdaang araw. At hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang mga ngisi ng adik na iyon. Nakatatak na ata sa isip ko.
Nakapagpatahi na rin pala kami ni Mama ng susuotin ko sa prom. Bukas na rin pala iyon. Kulay purple ang napili ni Mama para sa akin. Off shoulder iyon, hanggang talampakan ko ang haba ng tela at may magandang mga beads sa may beywang na nagsisilbing belt kunwa ng gown. Sabi ng mananahi magmumukha daw akong diwata kapag nasuot ko na iyon.
Pareho kaming napaismid ni Mama sa tinuran ng mananahi. Hindi naman kasi ako excited sa prom. Pupunta lang ako roon kasi sinabi ni Papa at isa pa gusto ko ring makita si Jordan at Dira na nakaayos o pwede namang gusto ko ding ma-experience ang sumali sa mga ganoon bago matapos ang taon.
Pero kung tatanungin talaga ako kung gusto ko ba talagang pumunta, ang sagot ko ay hindi. Ayaw ko ang mga ganoon. At isa pa natatakot ako sa daan. Hindi ako masusundo ni Papa kapag tapos na iyon at lalong hindi ako susunduin ni Mama. Bihira na ngang lumabas iyon kapag umaga lalo na kapag gabi. Yung pagsama niya nga sa akin sa mananahi ay alam ko nang napipilitan lang rin siya.
Napahinga ako ng malalim nang maisip ko na naman kung ano ang pwedeng mangyari kapag tapos na ang prom. Paano kaya ako makakauwi? Hay, bahala na nga. Sana naman hindi na magpakita ang adik na iyon.
"Problema mo, Anda?" Napabaling ako kay Dira na kasama ko ngayon habang nakaupo sa bench. Bakante na kasi kami ngayon dahil may meeting ang mga teachers para sa gaganaping programa bukas. Kaya maaga kaming pinauwi.
"Wala naman. Nagugutom lang ako."
"Kakakain pa lang kaya natin."
"Kulang eh."
Pagkatapos nun pareho uli kaming tumulala sa maliit na field ng school. Parehong malayo ang iniisip namin at mukhang kahit siya ay ayaw ring magkwento. Matapos naming tumulala roon, pagsapit ng alas tres y medya ay napagdesisyunan na naming umuwi.
Hayun na naman tuloy ang kaba sa dibdib ko. May phobia na ata ako. Bwisit naman kasi eh. Puta!
Parang ayaw nang humakbang pa ng mga paa ko. Kung may mga kasabay lang sana ako ay maayos pa pero kanina pa ang mga iyon umuwi dahil tumambay pa kami ng bruha. Napahinga na lang ako ng malalim.
Kung sakali mang magpakita ulit yung adik na iyon, tatakbo ako ng mabilis at hihingi ng saklolo sa mga kapit bahay. Kahit minsan mga bingi sila. Basta sisigaw ako ng malakas. Humakbang na ako sa isiping iyon.
Umakto ako ng normal kahit na malakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Hanggang sa marating ko ang gate namin. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ilang sandali ko munang pinakalma ang nagwawala kong puso bago ako pumasok.
Nang isinara ko na ito ay agad naman akong napatigil. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang pamilyar na bulto ng isang lalaki sa kabila ng kalsada. Nakasandig ito sa pader ng katapat naming bahay at nakaharap ang katawan nito sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa may bakuran namin.
BINABASA MO ANG
IMPRISONED
Vampire"You can't escape me because you belong in here-in this prison. You're my prisoner, Chlorine. . ." - S. P. DE WARREN
