Chapter 31

39 1 0
                                    

Chapter 31







"Can you stop festering my mother, you motherfucker." Ilang beses ko nang naririnig iyan sa pamangkin ko pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang mapanganga. 
Limang taong gulang na batang lalaki ang anak ni Kuya kay Virgo pero kung makapagsalita rin ay parang pinaghalong ugali nilang dalawa. Galit na galit ito sa ama na para bang ang laki ng atraso sa kaniya nito lalo na kapag nakikita nitong magkasama ang dalawa.

Hindi ko alam kung ano ang kwento nitong dalawang ito pero parang ang sarap subaybayan. Si Kuya kasi parang langaw na habol ng habol sa taeng si Virgo. Nakakaaliw. Ngayon ko lang nakita si Kuya na ganito. Kung tama pa man ang pagkakatanda ko sa nakakatanda kong kapatid ay ayaw na ayaw nitong ipinagpipilitan ang sarili at lalong lalo na ang maghabol. Pag-ibig nga naman.

"Ganiyan na ganiyan ang nararamdaman ko kapag nakikita ko kayo ni Scorpio." Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ni Ate Maria sa aking gilid. Ilang araw na ba akong naiimbyerna sa kaniya, ah limang araw na.

Hindi kasi kami umuwi simula nang dumating kami sa mansion. Utos ni Ate Gemini, kahit dito rin pala sa mansion ay siya rin ang nasusunod. Kaya ayun lahat kami ay hindi na makalabas pa ng mansion. Wala namang problema iyon sa akin pero sana naman ay tigilan na ako ng babaeng ito na akala mo kung ako lang ang mayroong mapait na nakaraan dahil sa aming mga lalaki. Eh mas mapait pa nga ang sa kaniya.

Tamad ko siyang nilingon. "Ano na naman?" At hindi na ako nabigla na naroon na naman ang nakakaloko niyang mga ngisi. "Walaaaa." Nasa boses niya ang aliw habang nakatingin sa akin. Nang wala na siyang ibang sinabi pa ay umalis na ako sa kusina at linigpit ang aking pinagkainan. Iniwan namin ang pamilya ni Kuya roon na may plano atang sunugin ang kusina. Sumunod naman sa akin ang babaita kaya mas lalo ko pang hinabaan ang pisi ko.

Napadpad kaming dalawa sa man cave dito sa mansion at mabuti naman dahil walang ibang naroroon. Mayroong hot spring roon na hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tubig. Perfect para magrelax kasama ang nang-iimbyerna sa akin. Walang pake akong naghubad na walang itinira at lumusong sa mainit-init na tubig. Hanggang leeg ko ang lalim ng tubig kaya ang sarap sa pakiramdam. Ang babaita naman ay ginaya rin ang ginawa ko. Maganda ang tanawin rito dahil kita ang mga tanim na napakaraming pulang rosas sa labas mula sa babasaging salamin.

"Anda, bakit ka nagsisinungaling?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Nagtatago ba ako eh kasama ko siya ngayon. Natawa siya sa inasta ko na parang may nakakatawa roon. "Bitch, kahit sino pwede mong maloko pero ako hindi. I could read a whole being, kung ano man ang ginawa mo sa nakaraan at mga iniisip mo sa kasalukuyan ay kayang-kaya kong basahin. Simula nung makita pa lang kita sa may bangketa ay parang gusto na kitang jombagin mabuti nga at napigilan ko." Umawang ang mga labi ko habang nakatingin sa kaniya. So ito pala ang kakayahan niya? No wonder kaya siya naging manghuhula. Nang makabawi ay inalis ko ang tingin sa mukha niya. Kahit hindi talaga magmake up ang babaitang ito ay ayos lang pero naiinis pa rin ako sa kaniya. Dalawa na pala ang nakakaalam ng sikreto ko, nubayan.

"So bakit nga?"

"Bakit hindi mo na lang basahin ang isip ko?"

"Heh! Gusto kong marinig mula sa bibig mo, gaga." Sa isang iglap ay nagkasundo na kaming dalawa. Hindi naman talaga ako naiirita sa kaniya. Nakakainis lang siya kasi sunod ng sunod siya sa akin noong mga nakaraang araw. Ito lang pala ang dahilan.

"May gusto lang akong alamin."

Nagkatinginan kami nang maramdamang may ibang nakikinig sa loob nitong mancave. Tumaaas ang sulok ng bibig niya at ako naman ay napairap pero nasa labi ang hindi ko mapigilang ngiti.

"Nalaman mo na ba?"

"Sikret."

"Jojombagin talaga kita!" Sigaw niya nang mabasa ang nasa isip ko. Isang tikhim ang bumulabog sa amin at nang lumingon ako ay isang matangkad na lalaki ang seryosong nakatingin sa akin. Mukhang may ginawa na namang kabulastugan ang dalawa. Kaagad akong umalis sa tubig at hinagilap ang suot ko kanina. Nakatingin lang naman sa akin ang lalaki hanggang sa matapos ako. Wala naman akong pake. Nang maayos na ako ay saka siya naunang naglakad. Bago kami nakaalis roon ay isang kindat pa ang ibinigay sa akin ni Ate Maria. Kindat na nagsasabing alam niya kung ano ang laman ng utak ko kahit ano pa man ang reaksyong nasa mukha ko.

IMPRISONEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon